Chapter 27:Advice

235 2 0
                                    

(A/N):For better reading if you have the song of Falling In love by Six Part Invention.Please Play it.Thanks. :)

Monday.

Di naman ako makamove -on sa chinat sa akin ni Rosielyn about kay Renzo.Naisip ko lang paanong nangyari na pagkatapos niyang tumigil sa panliligaw dun sa nililigawan niya,e may nililigawan na agad siya.Nakakaturn-off lang kasi yung ganon,so kung sinagot siya ng nililigawan niyang girl,ganon lang pala kababaw yung pagmamahal niya duon.

As usual maaga akong pumasok sa school ngayon dahil may flag ceremony,kasabay ko si Ace at di ko malimutan yung sinabi niya bago kami maghiwalay ng line dito sa gym ng school namin.

"Please lang Ate,huwag ka ng magpakatanga kay Calvin,hindi naman niya makikita yung halaga mo e.."

Alam ko at naiintindihan ko naman yung sinasabi ni Ace sa akin,kaya nga nasasaktan ako e,dahil yun yung katotohanan.Iniiwasan ko na nga din tumingin dun sa parking ng school tuwing madadaan ako dun,kasi nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita ko yung single na motor niya dun,naiisip ko lang na hindi niya parin pala talaga ako kilala..

"Uy,magkatapat pa pala kayo ni Calvin oh..Haha"sabi ni Maureen.

"Ha?"nagtatakang tanong ko naman dito.

"Duon sa line,tingnan mo kasi."napalingon naman ako sa line ng C section.

Ang saya ko lang kasi magkatapat nga kami,ang seryoso nga ng mukha niya e,habang nakatingin lang ng diretso dun sa harap ng stage.Yung yung serious na mukha niya ,kung saan paulit-ulit akong nahuhulog .

Inalis ko na din agad yung tingin ko ,dahil nakakapagod nadin umasa na mapapatingin siya sa akin.Mapatingin man siya,wala din naman magbabago diba?He still don't know me.

After Flag Ceremony.

"Sinulat ko na sa blackboard yung scheduled niyo sa exam this thursday and friday .Kopyahin niyo nalang."sabi ni Ma'am Corpuz,yung adviser namin.

"And bali sa thursday and friday na yung pasok niyo,basta morning kayo ,kasibukas at sa miyerkules wala kayong pasok"dagdag pa nito.

"Yess.Haha"

"Makakapagreview din."

"Haha.Buti at magreview ka ehh."
Yan yung mga sabi ng classmates namin,and syempre masaya din naman ako sa announcement na iyon,kaya lang kailangan din namin tiyak pumunta dito sa school,to finish some requirments.

Pagkatapos nun,free time na ulit kami,basta daw huwag kaming lalabas ng room.

After lumabas ng adviser namin,saktong pagdaan ni Calvin,as usual ang saya ko at kinikilig ako,pero unlike dati may nararamdaman na akong sakit ngayon,lalo na kapag nageexpect ako na sana kilala niya na ako.

"Hoy,kilala ko na yung nililigawan ng crush mo Rosielyn.."napatinginnaman kami sa sinabi ni Camille.

"Sino?"tanong ni Rosielyn

"Si Gianna."sabi nito,napahinto naman ako sa sinabi ni Camille na iyon.

Ibig sabihin kaya ayaw ligawan ni Calvin yung sinasabi niyang crush niya ng tinanong ko,dahil yun pala ang nililigawan ni Renzo,which is barkada niya.Now I know..

"E,yan yung crush ni Calvin eh"sabi ko naman.

"Hahaha.Nako,iisang babae lang pala yung prinsesa ng mga taong gusto niyo e."sabi ni Maureen.

"Bakit ba parang ang liit ng mundo sa inyo..Ng una C section parehas yung crush niyo,magbarkada pa.Then yung parehas na crush niyo ,iisa lang ng taong gusto.Ang gulo Haha"sabi ni Camille.

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon