Hold up 'to (Oneshot)

724 30 2
                                    

AN: 

My first ever short story na isunulat ko rito sa Watty. Hope you enjoy it! :)))

-----

Author's POV

Kakatapos lang ng klase namin sa Lit at eto ako ngayon nagliligpit ng gamit. 

Hindi naman ako gala na tao at diretso lang agad sa dorm kapag wala ng klase.

Naglalakad na ako pabalik ng dorm ko ng maisipan kung magtake ng shortcut. Ang init kasi at ang layo pa ng dorm ko mula rito sa building ko. Alam ko rin naman 'tong daan since dito rin kami dumaan ng kuya ko nung nag-eenroll pa lang ako. 

"Miss.." napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko "Hold up 'to,"

O________O HOLD UP??!!

"P-po?" kinakabahan kung tanong. Sinisigurado ko lang naman kung tama ba rinig ko. 

"H-hold up 'to.." pag-uulit pa nito sa sinabi niya. Teka, ba't parang nagstummer siya dun?

Kinakabahan din siya?

Paano?? HAHAHAHA.

Tama na nga sa kalokohan. Kitang nahohold up na ako eh.

Wala pa naman ding katao-tao 'tong dinaan ko. Bukod kasi sa makahoy ito ay napagbabalitaan pa ang lugar na 'to na 'lugar ng mga hold upper', kaya wala masyadong dumadaan dito. 

Malas ko lang ata't ako ang nadaan dito ngayon.

Totoo nga yung usap-usapan nila. May hold upper nga sa school!!

"A-ano po kailangan niyo?" pagtatanong ko ulit. Okay lang kahit kunin niya pa lahat ng pera ko, wag niya lang akong iwang puno ng saksak sa lugar na'to.

"Y-yung pus... POTCHA!!" biglang mura nito. Anebeyen! Wala naman akong ginawa sakanya, ba't siya nagmumura?!

"Ba't ka ba nangmumura ha?!" di ko mapigilan ang sarili kung di magtaas ng boses. Ayoko kasing minumura ako. Wala akong pakialam kung hold upper man siya o ano, basta wag na wag niya akong minumura ng harapan! >______<

"Eh sa kinakabahan eh. Sorry naman," diretsong sabi nito. Nagulat ako sa sinabi niya at mukhang ganun din naman siya kaya agad itong nag-iwas ng tingin saakin. 

"ARGSH! POTCHA! Wag na nga lang!" at nagmadali itong tumakbo pabalik sa pinanggalingan ko kanina. 

O.K.A.Y??? Anyare ron?

Nakarating ako sa dorm ko na ligtas at completo naman. Na hold up nga ako pero wala namang nakuha o natangay saakin. Kaloka naman ng hold upper na yun. 

Nakakatawa.

Nauna ba namang tumakbo kesa sakin? HAHAHAHAHA.

"Oy! Ba't tawa tawa ka dyan?" lapit ni Comment sakin, dorm mate ko.

"Wala," ningitian ko lang siya at itinuon ulit ng atensyon sa librong binabasa. 

Tumatawa ba ako? Di naman ah!

Pfffft HAHAHAHAHAHA

Eh kasi naman, di ko mapigilang di matawa kada naaalala ko yung nang hold up sakin kanina. 

HAHAHAHA. HIHIHIHI. HOHOHOHO.

"Anyare sayo?" tanong niya ulit "Mi lagnat ka?"

"Wala nga kasi..."

"Eh ba't ka natatawa dyan?"

"Na hold up kasi ako kanina,"

"NA HOLD UP KA?!" sigaw nito. Kita mo 'to, ang OA kung makareact. Parang siya yung na hold up.

Hold up 'to (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon