WE BROKE UP TODAY I

4 0 0
                                    



October 13,2011

"Happy Birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday happy birthday to you!"

"HAPPY BIRTHDAY JANINE!!" sigaw nilang lahat.

Kaarawan ko nanaman at sobrang saya ngayon sobra pa sa sobra, hindi ko alam pero wala na kong ihihiling pa nandyan ang aking mapagmahal na pamilya,mga kaibigan at siyempre ang pinakamamahal kong nobyo na si Jin

Pinikit ko ang aking mga mata at nagwish "Sana palaging ganito kasaya ang lahat." Tinignan ko muna silang lahat bago ko hinipan ang kandila.

"Grabe, bessy parehas na tayo ng edad sa wakas 20 ka na!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Grace bestfriend ko simula nung high school kami, mauuna kasi siyang mag birthday kaysa sa akin October 10 siya at 11 naman ako, hindi naman kami nakatadadhanang maging magkaibigan para sa wala ano?

"Hay nako Grace kumain ka na nga lang dyan!" Tumawa naman siya at nakikain na sa mga bisita takaw talaga nakikipag agawan pa sa mga batang pinsan ko.

"Love happiest birthday to you." bigla na lang may boltaheng nagpagising sa akin ng may biglang yumakap sa aking likod at binanggit ng malambing ang mga katagang iyon.

"Thank you love and by the way Happy 4th year anniversary."

Oo tama kayo ng pagkakarinig apat na taon na kaming magkasintahan, birthday ko rin nun nung sinagot ko siya kasabay ng surprise ng mga kaibigan ko sa 'kin sa dorm ko,napakasaya ng araw na yun sobra.

"I have a gift for you."

Sabay kuha sa bulsa niya na isang kwintas na half moon at nakita ko naman na meron siyang isunuot sa kaniya na half moon din at pag pinag pares mo ito ay magiging full moon grabe ang ganda,matapos niyang isuot ang kwintas sa kaniya at isinuot naman niya sa akin.

"Sana nagustuhan mo,oo nga pala may naka engraved na initials natin dyan."

Agad ko naman tinignan at napangiti naman ako ng makita ko ang nakasulat J.J 10.13.07

"I love you,love" sabay halik niya sa aking labi

"i love you too,love" sagot ko naman

Wala nakong mahihiling pa sana lagi nalang ganito nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ko ng ganito kasayang buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WE BROKE UP TODAY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon