Chapter Three: Favor
~••~
"Kailan mo balak umalis dito?" tanong niya habang papasok kami sa bahay niya.
Sakaniya pala ang nag-iisang bahay na nakapalibot sa bukirin. Mayaman kaya itong lalaking ito?
Napatingin ako sakaniya."Grabe, hindi pa ako nakakatapak sa bahay mo, pinapalayas mo na ako?"
Umirap lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Kung wala lang talagang itsura itong lalaking ito, baka napagkamalan ko na siyang bakla. Grabe makairap.
Sinundan ko siya agad. Nang makapasok kami sa bahay niya, akala ko, galaxy rin ang makikita ko, pero hindi pala. Isa lang itong normal na bahay ng isang lalaki.
Magulo.
May kalat kalat na damit, shorts, briefs, kumot, unan, balat ng chitchirya, bote ng softdrinks o ng alak, nilalanggam na pinagkainan at kung anu-ano pang nakakadiring bagay ang sumalubong saamin.
Pero parang wala siyang pakelam at nagtuloy tuloy sa sofa tsaka lang inihagis sa kung saan ang mga nakaharang doon, pagtapos ay umupo siya ng prente at tiningnan ako.
"Ngayong tinangap ko iyang favor mo, sasagutin mo na ang mga tanong ko?" bored na tanong niya.
"uhm, deal."
"Who the fvck are you?"
"Genesis Talitha Last. 18 yesterday. Pinalayas ng bruhang pinsan, iniwan ko rin ang sarili kong debut party. Napadpad ako sa truck mo dahil wala akong mapuntahan, I saw it's back door half open so I came in. Sinuot ko ang mga damit mo dahil nakagown ako nung mga oras na iyon kasi nga, debut ko dapat. Kaya ayun." tuloy tuloy na sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Your name is terrible." sabi niya na may pagka-sarcastic."I just ask who are you and you answered me your complete bio."
"Ayaw mo nun? Hindi na masasayang laway mo, hindi pa masasayang oras."
Biglang nagningning ang mga mata niya at tumingin saakin tsaka ngumisi. Medyo kabado ako pero nilakasan ko ang loob ko kung ano mang balak ng lalaking ito.
"Your favor is to live in my house temporarily, but in return, you'll work for it. Magtatrabaho ka para mabayaran mo ang pagtira at pagpapakain ko saiyo. Anong akala mo saakin? Charity o 'di kaya'y bahay ampunan?" he said.
Napaupo ako sa sofa. Wala akong pake kung may kung ano dun basta umupo ako.
Paano ako magtatrabaho?
"how?"
Inilibot niya ang paningin sa buong bahay niya at ngumisi saakin.
"start on this." sabay ngisi niya.
Sinasabi ko na nga ba! Ugh. Bakit ko nga ba naisipan pang makitira sa lalaking ito? Hindi ko siya kilala at lalaki pa siya, pero hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ng utak ko na magtiwala lang ako sakaniya.
Goodluck nalang talaga saakin nito. Magiging certified katulong ako dito sa bahay na ito, kung bahay nga ang tawag rito.
Napairap ako at naglakad patungo sa ilang sulok ng bahay niya, at hindi na ako nagulat nang makitang halos lahat ng sulok ng bahay niya ay madumi at parang basurahan.
Naramdaman ko naman ang presensiya niya sa likuran ko.
Humarap ako sakaniya at laking gulat ko na sobrang lapit pala ng mukha niya saakin, halos magkadikit na kami kaya napaatras ako.
Nakangisi naman siya at pumasok sa kwarto na nasa kabilang side ng kusina.
Bago pa ako makaalis sa kusina ay bumukas ang pinto ng kwarto niya ang dumungaw siya roon,
"Ali Yen is the name." Simpleng sabi niya at kumindat saakin kaya lalong nag-init ang ulo ko.
Gwapo nga, mukhang antipatiko naman!
Napairap ako at umupo sa may dining chair.
Tinitigan ko ang paligid at nagsimulang maghanap ng gamit panlinis.
Sinumulan kong ligpitin lahat ng plato, baso, kutsara at tinidor sa buong bahay niya at hinugasan lahat ng maruruming hugasin. Paghuhugas palang ng plato, nakakapagod na, what if buong bahay na talaga linisin ko?
Tao ba talaga itong Ali Yen na ito? Sabagay, pangalan palang, sounds like alien na.
Pero bakit kaya ganoon ang truck niya? Tapos nasaan kaya kami ngayon? Anong probinsiya ito at sino ba talaga si Ali Yen?
Alien na nga lang, napakahirap na may Ali tapos Yen pa.
Nang matapos ang hugasin, pinulot ko lahat ng nakakalat na damit, kumot at pillow sheets ng mga unan tsaka nilabhan lahat iyon. Nakialam na ako sa mga gamit niya tutal, kalat kalat lang naman lahat.
Kinakabahan ako pagdating sa banyo, ang pinakaayaw kong linisin ay ang banyo. It sucks.
Hindi na ako nag-abalang magwashing machine kasi mukhang bulok na iyon dahil siguro hindi nagagamit.
Kumatok ako sa pinto niya para sana hingin ang ibang labada niya kaso walang sumagot, baka tulog. Hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa pagkusot. Hindi ako sanay sa ganito, never akong naglaba, naghugas ng plato at naglinis ng bahay. I never do any chores in the house. Pero kahit hindi ako gumagawa ng mga iyon, alam ko kung paano maglaba, malinis at maghugas ng plato.
Matapos kong maglaba, isinampay ko na ang mga iyon sa likod bahay niya na sobrang relaxing tingnan. Dito nalang ako magpapahinga mamaya.
Pagtapos ng pagsasampay, bumalik ako sa loob ng bahay at nagsimulang ligpitin ang ibang kalat at magwalis sa buong bahay. Nag-lampaso nadin ako at nag-ayos ng mga gamit sa mga cabinet.
Nang matapos ko ang lahat ay kaagad akong bumalik sa truck niya na hindi naman pala niya nila-lock. Namangha ako sa loob nito, hindi mainit sa loob kahit mainit ang panahon, napakagaling ng gumawa nito. May aircon kasi sa loob, may T.V at ref. Pwede na siguro ako dito tumira para hindi ako mahirapan sa bahay na iyon.
Lumapit ako sa cabinet at kumuha ng tshirt at shorts. Bumalik ako sa loob ng bahay niya at dahan dahang pumasok sa banyo. Kinakabahan pa nga ako kasi baka madumi kaso laking gulat ko na halos kuminang iyon sa linis.
Aba, marunong rin pala siyang maging malinis hah, kahit sa banyo lang.
Naligo ako at nilabhan ang mga undies ko at pinatuyo sa drier. Tsaka na ako nagbihis. Sinuot ko ang kulay black na v-neck tshirt niya at ang boxer shorts rin ni Alien.
Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalyang nakasabit sa banyo tsaka nagpunta sa likod bahay.
Umupo ako sa may kahoy na upuan at tiningnan ang buong paligid.
Bukirin lang naman ang makikita, pero sobrang peaceful talaga ng fresh air.
Sino kaya talaga si Alien? Bakit nag-iisa siya? Mukha itong anak mayaman pero bakit nakatira ito sa maliit na bahay na ito? Wala rin kasi akong nakitang kahit anong picture na kasama niya ang family niya o kaya kaibigan, puros mga picture niya lang o 'di kaya iyong picture ng galaxy.
Hays.
Hindi ko alam kung anong mangyayari saakin sa pagtira ko sa bahay ng lalaking ito, pero bahala na. Kailangan ko lang talagang gawin ito.
BINABASA MO ANG
Lost In The Alien's Galaxy
Romance"I love you, to our own galaxy and back." - Ali Yen © Copyright 2018 by Mary Joy Mungcal (majhie_mungz)