"Mabigat Ba" (OS)

131 6 0
                                    

Copyright tabbychii1999

"Mabigat Ba"

One Shot

* * *

"Mabigat ba?" Ayan nanaman sya. Kinuha nya na naman ang bag ko. 4th year na kami pero hanggang ngayon ganun pa rin.

"O sabay mo na 'tong librong hawak ko" Biro ko pero kinuha nya pa rin -.-"

Sabagay, ayokong nagbibitbit ng mabigat. Kaya nga kailangan ko ng mga helping hands eh. Well, thanks kay Lord. He gave me this guy.

"Ikaw talaga napapaghalata na" Oo, bestfriends kami pero alam namin ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Kaso, ang bagal nya mag tanong eh.Nakakainip din minsan. >,<

"Anong napaghahalata ka jaan?" Inosenteng tanong nya sabay umiwas ng tingin. Psh. HAHAHA <3 >////<

"Pano mo sasagutin ang nanliligaw sayo, Kae?" Bigla nyang tanong.

Napaisip naman ako. Paano nga ba?

"Hmmm, hindi ko alam eh. Pero hindi naman ako manhid diba?" >////< Sabay kaming napaiwas ng tingin pero maling iwas naman oh. Sa gitna pa kami nagkatinginan (>////>) ❤ (<////<)7

Ang ulong 'to >,< "Ahh, siguro ano.." Sabay na kaming tumingin diretso since pareho naming nakita kung paano kapula ang mukha namin.

"Kapag kasi nag 'propose' sya ng love in front of madaming tao and mag ye-yess or mago-oo ako, napaka common eh. Oo nakakakilig pero gusto ko, may sarili akong way" Sabi ko para wag maging awkward....ulit. Awkward na lagi eh. You know, feels hart hart

"E-edi ano 'yun?" Naiilang nya pa din tanong.

"Hmmm, sa tanang buhay ko, wala pa akong nakakaholding hands, even my Mom or my Dad or kahit mga kapatid ko. As in, never."

"Friends?"

"Hindi pa naman tayo naghoholding hands eh or kahit 'yung iba ko pang kaibigan. Wala. Siguro mga foods or things oo na"

"So?"

"So, kapag may naghold ng hand ko, at di ko yun binawi, 'yun na lang 'yung way ng 'yes' ko sakanya....if ever?" Unique na ba? HAHAHA biglang pumasok sa utak ko eh.

Huminto naman sya kaya napahinto din ako. "Your hand looks heavy. Let me hold it for you"

❤❤❤

&quot;Mabigat Ba&quot; (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon