One

1K 15 7
                                    


My Serendipity

A Writers True to Life Love Story

by foxy_wordsmith


I was only a kinder garten when I first experience having a crush. Of course, it's just a simple admiration. Yung tipong hinahangaan mo siya dahil cute, matalino, masayahin, yung mga ganon lang. I'm so innocent, kaya noong panahon na I first encountered puppy love that turned into love eh hindi ko alam ang gagawin. Akala ko nung mga panahon na yon eh napaka dali lang magmahal, akala ko puro saya lang walang lungkot, akala ko puro tawa lang at walang luhang papatak sa mga mata ko. Kasi nga nung mga panahon na yon, ang nasa isip ko ay masayang magmahal, kasi nga hindi yon matatawag na pagmamahal kung may sakit at lungkot. Ang nakapasok kasi sa isip ko non ay kung mahal ka ng isang tao, hindi ka nya sasaktan. Oh diba, bata pa lang ako alam ko na yan. Hindi naman sa maaga akong nagmature, siguro ayan lang talaga yung nakatatak sa isip ko kapag love ang usapan. Kasi tanda ko pa, hindi ko pa rin alam ang tama at mali sa mga ginagawa ko nung mga panahon na yon. Kaya hindi ko pa rin masasabing matured na ako, dahil alam ko sa sarili kong napaka childish ko pa lalo na sa mga decisions ko sa buhay non. Dumating pa nga yung time na pinagsisihan ko yung mga decisions ko at hiniling na sana hindi ko nalang ginawa yung mga nagawa ko, na sana mabalik pa yung panahon na to, na sana mas maaga akong naging matured kasi nagsisisi talaga ako sa mga nagawa at naging pasya ko. Pero wala eh, I can't live with the past, acceptance is all I need. Nangyare na eh...


Every year na lumilipas sa buhay ko, nagiging mas matured ako at wise mag-isip. Mas pinag-iisipan ko na yung mga bagay-bagay at hindi lang basta-basta nagdedesisyon dahil ayoko nang magkamali muli, takot na akong magkamali, ayoko ng pagsisihan yung mga bagay na nagawa ko at hindi sinasadyang magawa. Bawat panahon na lumilipas mas natututo ako dahil sa mga napagdadaanan ko, mas nagiging matatag akong harapin ang mga masasakit na pangyayare sa buhay ko, mas napapalapit ako sa mahal nating Diyos na gumagabay saatin, mas naiging aware ako sa mga nangyayare, mas namumulat ako sa katotohanan at higit sa lahat, mas minamahal ko na yung sarili ko, mas nagke-care na ako sa sarili ko, mas naaawa na ako sa sarili ko kapag iniiyakan ko yung isang tao, mas inaalagaan ko na yung sarili ko, mas hindi ko na pinapansin yung sinasabi ng iba dahil alam kong ako lang ang mas maaapektuhan at hindi sila. Nagiging MAS ako sa bawat paglipas ng panahon. Hindi ko binabago yung sarili ko, bagamat ay nag-iimprove lang ako at natututo. Dahil alam kong ako lang ang kawawa kapag nanatili ako kagaya ng dati, kapag hindi ako mas naging mulat sa mundo at sa mga bagay-bagay, kapag mas binibigyang pansin ko yung sinasabi ng iba, kapag hinyaan ko lang maging miserable ang sarili ko pagkatapos ng mga napagdaanan ko at nanatili lang na nasa sahig na sugatan. Atleast ako namanage kong tumayo pagkatapos ng lahat, atleast mas naisip kong pumunta sa tamang daan at magbago para sa ikabubuti ko at hindi kumaliwa at maluklok sa masama. Sa mga yan pa lang sobrang proud na ako sa sarili ko, dahil lahat ng hirap nalagpasan ko, lalo na ang hirap na dala ng love, ang sakit dahil sa pagmamahal, ang luhang iniwan ng pagmamahal at ang memories na hindi ko makakalimutan dahil sa pagkahulog sa mga taong hindi para saakin o hindi ko siguradong para saakin?


Nagmahal lang naman ako, pero bakit sakit ang naging dulot nito saakin? Hindi ba talaga ako kamahal-mahal? Leksyon nanaman ba ito para maging handa ako sa hinaharap? O baka naman talagang twisted lang ang love story ko at isa talaga sakanila ang nakatadhanang makasama ko habang buhay...


To be continued...

A Writers Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon