One of Those Crazy Girls

396 18 23
                                    

Ceejay's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa may hallway ng may tumawag sa akin.

"Ceeeee!"

I turned my back and saw them waving at me.

Tumakbo ako papunta sakanila at niyakap si Den.

"Grabe Cee nakakamiss ka na talaga!" - Ellah

Napakamot naman ako sa ulo at nginitian sila. Ano bang dapat kong sabihin. Naloloka naman ako dito.

"Oy, may pumoporma ba sayo sa Department niyo?" Tanong sakin ni Sunshine.

"Wala ah. Eh di sana sinabi ko na sainyo." Natatawang sabi ko sakanila.

Pinalo naman ni Den ang braso ko at nagpout.

"Ikaw Cee ha! Hindi mo na kami sinasabayan ng lunch." Nagtatampong sabi ni Famille.

Lumapit naman ako sakaniya at ginulo yung buhok niya.

"Tampo ka na niyan? Haha. Oh di maglunch tayo ngayon!" Natatawang sabi ko sakaniya.

"Talaga lang. Ikaw ang magbabayad ha?" Sabi naman ni Vannie.

"Oo nga kapatid. Pambawi mo samin for not entering the DD." Malungkot na sabi ni Bianca.

I smiled sheepishly and scratched the back of my head. Mukhang mapapasubo ako nito ah.

"Hoy Cecaniah huwag mong sabihin na wala kang balak ilibre kami. Dami mo ng utang noh." - Kyle

"Nako love, kahit hindi mo na ako ilibre ayos lang." Paglalambing naman ni Zoe.

"Sinong nagsabing ayos lang?" Sabay sabay na sabi nung pito.

"Woah. Chill guys. Haha. Ililibre ko na kayo. Tara na." Pagpipigil ko sakanila.

Nagkatinginan naman sila at natawa nalang. These crazy girls, I missed them a lot.

--

Habang kumakain kami at nakwento nina Den kung paano humiwalay yung tatlo naming kaibigan. Nakakalungkot naman, wala ako ng mga panahon na kailangan nila ako.

"Sus! Huwag ka ng malungkot Cee. Sila naman may gusto nun eh." Pagkukumbinsi sakin ni Den.

Nagtataka siguro kayo kung bakit Cee ang tawag nila sakin.

Nang magkakilala kasi kaming twelve nung kinder, hindi nila mabigkas yung "Cecaniah" nakakabulol daw. Kaya "Cee" nalang ang tinawag nila sakin.

Ang corny ng history ng tawag nila sakin noh? Pero ng dahil dun heto kami, magkakaibigan parin.

"Ceejay."

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na 'yon.

Dahan dahan akong lumingon at ang una kong nakita ay ang mahaba niyang baba.

"I searched the whole school for you tapos dito lang pala kita makikita?" Seryosong sabi niya.

I gulped and laughed nervously. Sabihin niyo nga, may lahi ba 'tong kabute?

"Sige tumawa ka pa. Uminom ka na ba ng gamot mo?"

"Hindi pa. Kumakain pa kasi ako kasama ng mga kaibigan ko eh." Sabi ko sabay turo kina Den.

"Hi Kris!" - Den

"Kasama mo ba si Xiumin?" - Vannie

"Nako kumain na ba si D.O?" - Ellah

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon