Chapter Twenty

6.2K 148 2
                                    

Chapter Twenty

Alessana

It's been three months, nandito kami ngayon sa probinsya nila Maria.

Hanggang ngayon hindi ko alam na makakaligtas pa pala ako sa lugar na iyon. Wala na akong malay nun, pero nagising ako sa hospital. Sabi ng doctor sakin, may binata daw na nagdala sakin doon at halos wala na talaga akong buhay, dahil napatama din daw ang ulo ko sa matigas na bagay, siguro ay dahil sa pag-bagsak sakin nung rapist. Hindi ko manlang yun namalayan, mabuti nalang daw at nadala ako agad nung binata sa hospital. The doctor also said na bayad na ang hospital bills ko sa hospital, the guy pays it all.

"Alessana, tulala ka na naman."

Napatingin ako kay Maria na nandito na pala s'ya sa tabi ko.

"Nalanghap lang ako ng sariwang hangin."

Ngumiti naman si Maria. Tumingin kaming pareho sa dagat na nasa aming harapan, naipikit ko ang aking mata nang biglang humangin ng malakas.

"W–Wala ka pa bang naaalalang tao na sobrang importante sa'yo Alessana?"

Importanteng Tao? May nakalimutan ba ako?

"Wala naman, meron ba akong dapat na maalala Maria bukod sa'yo?" Dumilat na ako pero sa dagat parin ako nakatingin.

"Ha? Ano... W–Wala naman, halika na sa kubo at kakain na tayo, iinom ka pa nang gamot eh." Biglang tumayo siya sa pagkakaupo at inilahad sakin ang kamay niya. Tinignan ko naman ito tapos tinignan ko siya, nakangiti na siya ngayon. Kaya naman nakangiting tinanggap ko na din ang kamay niya at hawak kamay kaming naglakad pauwi sa kubo na tinutuluyan namin.

Pagkatapos ko siyang tawagan gamit ang telepono ng hospital ay agad agad niya akong pinuntahan doon. May mga binanggit siyang pangalan na hindi ko maalala kung sino sila sa buhay ko.

Kasama na doon ang pangalang Ark Clyde At Jake. Hindi sila pamilyar sa akin. Pero sa tuwing maririnig ko ang pangalang Ark may kakaiba akong nararamdaman at may kunting sakit ako sa ulo ko kapag pilit kong inaalala kung sino nga ba siya? kaya ang payo ng doctor pumunta muna kami sa lugar kung saan hindi ako mabibigla na maalala ang lahat. Alam kong may nakakalimutan ako, pero nag-papanggap akong wala akong nakalimutan sa harap ni Maria, ayuko na kasing mag-alala s'ya. Sa hospital kasi noon ay halos mahimatay na s'ya nung makita niya ako at nalaman niyang na-rape ako.

"Dito na muna tayo tutuloy hanggang sa maging okay ka Alessana, nag-resign na din ako sa bar ni Leo kaya wala na akong problema doon." Naka-ngiting sabi ni Maria sa akin.

Naka-ngiting tinignan ko siya.

"Salamat Maria sa tulong mo." Yun nalang ang nasabi ko, yun lang ang nakayanan kong sabihin.

"Ano ka ba naman Alessana, parang pamilya na ang turing ko sa'yo no, ilang taon na tayong magkasama at alam ko na ako nalang ang natitira mong pamilya, kahit na di tayo blood related... Ahh oo si Ark din di ba, parang pamilya mo na din s'ya–"

Napakadal-dal talaga niya, at nabanggit na naman niya ang pangalan na tanong sa aking isipan kong sino nga ba si Ark sa buhay ko. Agad naman na nanahimik siya siguro ay dahil sa sinabi niya.

Agad na pumintig ang ulo ko na nagdulot sakin ng sakit at maging dahilan yun para mapa-hinto ako sa pag-lalakad. Napahawak ako sa aking ulo na ngayon ay parang mamamatay na ako dahil sa sakit noon dulot lamang ng pangalan ni Ark.

"Ahhhh! Ang sakit ng ulo ko M–Maria." Maluha-luha kong daing.

"H-Ha? sorry Alessana... Nako halika, malapit na tayo sa bahay." Di ko man makita ang mukha n'ya ngayon pero alam kong maluha-luha na siya ngayon habang inaalalayan niya ako. Halata sa panginginig ng boses niya.

Hindi na ako nakasagot, inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa kubo. Agad na hinanap niya yung gamot ko at pinainom niya ako. Di din naman nagtagal ay nawala na yung sakit ng ulo ko, naging ayos na ang pakiramdam ko, pero pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa pag-sakit ng ulo ko.

"Hanggang kailan ka kaya magiging ganito Alessana? Pa–Patawarin mo ako sa kadaldalan ko... Hindi ko naman–"

"Maria, okay lang. Okay na ako, wag ka nang umiyak." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Pinunasan ko din ang luha na nadaloy sa kanyang makinis at namumula mulang pisnge.

"I'm sorry dahil hindi kita nailigtas sa gagong gumahasa sa'yo Alessana." Muli ay napa-hagulgol na siya.

Napangiti nalang ako habang nakatingin kay Maria.

"Kung sana sinamahan kita edi sana dalawa tayo at baka natulungan pa kita. Ang sakit sakit makitang nagkakaganyan ka. Na wala kang maalala halos, mabuti at tanda mo pa ako."

Hinayaan ko lang siya'ng mag-salita. Pinakinggan ko lang s'ya sa speech niya.

"G-Gusto ko sanang kwentuhan mo ako tungkol kay Ark, Maria."

Agad na napatigil siya sa kanyang pag-hikbi at gulat na napatingin sa akin, ngumiti ako ng ubod ng tamis sa kanya.

"I want to know who is Ark in my life Maria, gusto kong makilala s'ya."

Kumain muna kami ng hapunan ni Maria, bago s'ya nag-kwento. Nalaman kong si Ark pala ang ex ko, s'ya din ang tumulong sa akin na makaalis sa Bar ni Leo, at s'ya din ang kasalukuyang boyfriend ko. Hinihingian ko ng picture si Maria pero wala daw siyang picture ni Ark maski ni James na kinilala ko din sa kwento ni Maria.

"Mag-pahinga na tayo Alessana." Sabi ni Maria na nakahiga na ngayon sa kama na katabi ko, maliit lang yun at sakto para sa isang tao, tulad ng kama ko.

Gustuhin ko man na sundin si Maria pero hindi ako makatulog. Paulit ulit na nag-e-echo sa tainga ko ang mga kwento ni Maria tungkol kay Ark. Hindi na din kami nakakain ng hapunan dahil sa tinamad na kaming kumain at mas pinili kong magpa-kwento lang kay Maria.

Ark is your ex since college kayo pero nag-hiwalay kayo dahil sa niloko ka ni Ark noon. Then sa Bar ni Leo nagkita kayong muli, tapos sa Reunion ng batch niyo, tapos ang alam ko nagkakasama kayong madalas, tapos nung nagtagal lang ng mga ilang buwan na din ata nabalitaan ko na meron na kayong relasyon ulit. Sobrang saya mo noon Al. Sobrang saya niyo.

Paulit-ulit yun at parang sirang plaka lang. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na matulog na di naman ako nabigo kasi nakatulog naman ako.

--

Hi po sa inyo. Happy 4k Reads. Pasensiya na at ngayon ko lang kayo nabati. Salamat sa inyo guys! Hindi ko po inaasahan na aabot sa 4k reads tong kwento nila Ark pero dahil sa inyo, nangyari yun. At dahil diyan, eto na nag-update na ako. Comment kayo kung may mga typo's para naman maayos ko agad.

Simpleng kahilingan lang po, mag-comment naman po kayo. Hihihi. Kahit simpleng reaksiyon niyo lang guys para sa mga characters. Charot! Haha. So ayuuuuuun. BTW, support niyo narin yung "Obey me, You're mine" pag may freeeee time kayo. Hihi.

Thank yoü Guys!

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon