WALA pang alas-sais nang madaling araw kanina ay ginising na silang dalawa ni Tita Petty upang um-attend daw ng simba. Inanyayahan daw kasi nito ang dalawa pang kapatid ni Cash at ang ama nito na magkita silang lahat sa simbahan para sa isang mini-reunion. Gusto sana niyang huwag ng sumama dahil kulang pa siya sa tulog dahil hindi siya gaanong nakatulog kagabi. Pero dahil mapilit ang Tita Petty nito at minsan lang naman daw iyon kaya napasama na rin siya.
Pagdating sa simbahan ay nanibago siya kayna Stock at Price. Madalas rin niyang nakikita ang mga ito sa mga magazines na nababasa niya at kagaya ni Cash, hindi rin nawawalan ng babae na nakakapit sa mga ito. Kaya naman parang hindi siya makapaniwala na ngayong nasa simbahan ang mga ito ay tila kay payapa ng mga itsura at wala ring karay-karay na babae. Mukhang mga good-boy pa ang mga ito at wala ring kaimik-imik nang dumating sila. Hindi niya alam kung nakikita niya lamang ba iyon dahil kahit nakakain na ng umagahan at nakaligo na ay masakit pa rin ang ulo niya dahil sa kakulangan ng tulog o kung sadyang ganoon talaga ang mga ito sa loob ng simbahan. Napataas tuloy ang kilay niya. Napansin naman iyon ni Stock.
"Bakit?"
"Himala yata at wala kayong kasamang babae ngayon,"
Napatawa ito. "Ganoon talaga. Kapag nasa simbahan, behave kaming tatlo. Hindi kami nakikipag-date sa simbahan dahil baka mamaya i-take iyong sign ng mga babaeng naka-date namin na sila na ang ilalakad namin sa altar. Wala pa akong balak magpakasal hindi katulad nitong si Cash, na mukhang seryosong-seryoso na talaga sa 'yo, Charity," tinapik pa nito ang balikat ng kapatid. "Shit, brother, I really still can't believe it."
Inakbayan siya ni Cash. "You see it so believe it,"
Umiling-iling pa rin ito saka tinapunan ng tingin ang Tita Petty ng mga ito na bagong dating. Nauna silang pumasok ni Cash sa loob ng simbahan kaya naman hindi agad nakita ng dalawa ang bagong dating na tiyahin. Nang makita ang mataray na mukha ng tiyahin ay parang pinutulan ng dila ito at si Price. Pero out of respect ay bumati pa rin ito sa Tita nito.
"Good morning Tita Petty. Nakabalik na po pala kayo," wika ni Price.
"Hindi naman halata 'no? Wala naman ako sa harap niyo kung hindi pa ako nakakabalik,"
"Si Tita talaga, ang taray pagdating sa amin ni Price. Pero kay Cash..." pumalatak si Stock. "Favoritism!"
"Paano, kayong dalawa ang nagturo kay Cash upang maging babaero noon!"
"Hindi naman, ah! Sadyang nasa genes lang talaga namin ang pagiging playboy. Pero dapat 'di na kayo magalit sa akin kasi kasal na naman si Cash ngayon. At masaya na naman siya ngayon,"
"Fine. Nasaan nga pala ang Daddy niyo ngayon? Akala ko ay sasalubungin ako 'nun?"
"Sorry, Tita. Akala rin namin ay darating pero nasabit na naman daw sa babae niya. Tulog pa rin hanggang ngayon,"
Umiling-iling ito. "Hindi na talaga nagbago,"
"Eh kasi hindi na rin daw kayo nagbago. Mataray pa rin kayo! 'Yan tuloy, hindi pa kayo nagkakanobyo," tudyo naman ni Stock dito.
Tita Petty glared at him. Nagkibit-balikat na tumawa lang si Stock. Umupo na ito sa tabi nila at maya-maya ay nag-umpisa na ang misa. Naging tahimik naman ang pamilya nito sa durasyon ng misa hanggang sa matapos iyon. Ang akala niya ay babalik na muli sila sa bahay pagkatapos ng misa pero nagulat siya nang sa halip na sa mansion ni Cash sila ibaba ng driver ng van, sa clubhouse resort na pagmamay-ari ni Cash sila nakarating. Iniwan na rin sila ng Tita nito doon dahil masama daw ang pakiramdam nito.
"Ano'ng ginagawa natin dito?"
"Magre-relax. 'Di ba, dapat every Sunday ay nagre-relax ka? Every Sunday, routine na naman na after mass ay pupunta kami sa clubhouse."
BINABASA MO ANG
The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED)
RomanceKakikilala pa lang ni Charity kay Cash ay sinabi agad niya rito na pera ang problema niya. Tinulungan naman siya ni Cash. Ang kapalit niyon ay magpapakasal sila para makuha na ni Cash ang nais nito mula sa tiyahin nito. It was a marriage of convenie...