Close To You

13.4K 285 3
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw. Magdadalawang-linggo na simula nang lumipat si Charity sa mansion ni Cash kaya naman dalawang linggo na rin silang nagpapanggap na "mag-asawa". So far ay okay naman ang lahat maliban sa mga nanatiling abnormal na pakiramdam niya tuwing magkakalapit sila ni Cash. Patuloy pa rin ang mga weird na nararamdaman niya kapag magkalapit sila. Pati ang kakaibang naramdaman niya nang araw kung kailan niya nalaman ang 'dark past' daw ni Cash. Kahit kasi ilang linggo na ang lumipas, hindi naman niya magawang magtanong dito tungkol doon. Bumalik na rin naman kasi ang masiglang Cash na nakilala niya nang makabalik ito mula sa opisina nito.

Pero kahit ganoon, patuloy pa rin na pumapasok sa isip niya ang mga agam-agam. Matagal na iyon pero may mga araw na sumasagi pa rin iyon sa isip niya kahit hindi na naman nila nakita pang muli ito. Parang mas madalas pa nga iyong pumapasok sa isip niya kaysa sa boyfriend niyang si Angelo.

Hindi niya alam kung bakit nitong mga nakaraang araw, kahit na alam niyang may problema silang dalawa, ay parang nababalewala ito sa kanya. Kung gaano niya kadalas ito araw-araw na iniisip, t-in-etext o tinatawagan noon, ngayon naman ay ganoon naman katumal na ginagawa niya iyon. Pero naiisip na lamang niyang siguro ay sinusunod lamang ng isip at puso niya ang sinabi nitong saka na lamang sila mag-usap kapag okay na ang lahat sa kanila.

Mas prayoridad niya ngayon ang kung anong nangyayari sa kanya. Lalong-lalo na kung ano itong mga kakaibang nararamdaman niya. Ayaw man niyang isipin iyon pero palaging pumapasok sa isip niya ang mga posibilidad na mukhang nakukuha na ni Cash ang puso niya. Lalo na nitong mga nagdaang araw ay mas lalo pa itong lumala kaysa sa Cash na nakilala niya noon.

Tila sineryoso na nito ang lahat sa kanya. He became the typical husband. Bahay-opisina lamang ang routine nito at palagi iyong binibida sa kanya nina Price at Stock. Humahanga na daw ito sa kapatid dahil sa mga pinaggawa nito sa kanya. Araw-araw din siya nitong binibigyan ng chocolates at sinusundo sa flower shop na pagmamay-ari niya. Pagkatapos noon ay dinadalaw pa nila ang kanyang Mama na mukhang masaya talaga sa kahit na alam nitong nagkukunwari lamang sila ni Cash. Parang boto talaga ito kay Cash kahit klaro naman dito ang kondisyon nilang dalawa.

Pero pati yata ang pagkainis niya sa napapansin niyang pagkagusto ng kanyang ina kay Cash ay nawala na rin sa mga nakalipas na araw. Nakakaramdam pa nga siya ng hindi mapapantayang saya kapag napi-feel niya na boto ito para sa kanyang asawa kahit na ba alam nitong sa huli ay maghihiwalay rin sila.

At dahil sa mga ginagawa ni Cash, iyon at lumala pa ang mga paglakas ng tibok ng puso niya kapag malapit ito, ang maapektuhan kapag may naririnig siyang issue dito at ang matuwa sa kabila ng kakulitan nito. At ngayong araw, ay isang araw rin na naramdaman niya na naman ang epekto nito sa kanya. Dahil sa halip na idiretso siya nito sa mansion o di kaya ay sa bahay ng kanyang Mommy ay diniretso siya nito sa isang mamahaling restaurant kung saan sila lamang dalawa ang tao.

"Pina-reserve mo ang restaurant na ito?" tanong niya dito nang mahalatang parang kakaiba ang arrangement niyon kaysa sa ordinaryong araw lamang ng isang restaurant. Nakakain na siya sa restaurant na iyon dahil iyon ang restaurant kung saan sila nag-usap ni Cash nang alukin siya nito na magpakasal dito kapalit ng perang kailangan niya para sa pagpapagamot ng Mommy niya. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa ginawa nito.

"Hindi pa ba halata?"

"H-hindi naman. Akala ko kasi, tayo lang ang tao talaga kaya ganito," kumunot ang noo niya. "Bakit naman kailangan mo pa itong ipa-reserve? Puwede namang sa clubhouse mo na lang tayo kumain. For sure, mas makakamura ka pa kung sakaling iyon ang pina-reserve mo,"

"Magaling ka pa sa akin? Eh ako ang may pera," natatawang sabi nito. "Memorable sa akin ang restaurant na ito kaya dito kita dinala,"

Sandaling napatulala siya dito dahil sa sinabi nito. Why do Cash always hold on sentimental values too much? Nata-touch siya sa mga ginagawa nito. "G-ganoon ba ako kaimportante sa 'yo at naalala mo pa ang mga "first" natin?"

The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon