****************
Bus love story
Be gentleman naman
*****************
"Mich pambili mo nga ng mga gamit sa eskwela yung kapatid mo" sabi ng mama ko pagkagising na pagkagising ko. Ang layo pa naman ng SM samin mahigit 3 hrs pa yung biyahe tapos sasakay ka pa ng jeep.
"Ma naman bakit ako pa napag-utusan niyo?" tanong ko.
"Basta bilisan mo na diyan at magbiyahe kana" Kakatamad talaga, para makapunta sa Sm its either jeep o bus. Bus na nga lang masakyan. AT nakatyiempo ako may free wifi sa may bus stop.
After 123hrs? 3 hrs pala sa kakahintay ng bus sa wakas may bus na dumating kaso mukhang puno na pero keri lang yan makikipagsiksikan na nga lang ako. Pag-akyat ko ng bus. Napatingin ako sa harap at likod.
Puno na talaga wala ng vacant seat para sakin. Wala akong choice kung hindi humawak sa may poste ng bus. At kapag nakatayo ka sa bus ayoko yung bigla nalang hihinto tapos bibiglain pa yung pag-andar ng bus kaya todo kapit ko sa poste kahit nagmumukha na akong tarsier sa sobrang kapit. May matandang sumakay wala na talaga siyang vacant seat akala ko talaga walang magoofer ng seat para dun sa matanda buti nalang meron.
Nakita ko na halos mga naka-upo lalaki at sobrang hirap na hirap na ko sa kakatayo may dala dala pa kasi akong bag na may lamang libro kailangan ko pang ihatid dun sa pinsan ko dahil madadaan ko rin naman daw bahay nila. Nakita ko yung lalaki sa right side ko nagpaparinig ako
*ehem (ubo kunwari)
"Ah! miss o umupo kana dito" effective pala yun pero thanks nakahinga nako ng maluwag, nakalimutan kong magpasalamat paano nga ba, nasa bandang harap ka nakatayo. "Thank you naka kulay green na polo na naka jeans na black" pabulong kong sabi. Iniisip ko kung paano ako magpapasalamat alam ko na sa papel isusulat kaso wala akong dalang ballpen.
Okay bababa na ako sandali mamaya na nga lang maraming bumababa nakikipag-unahan pa talaga yung mga lalaki sa pagbaba "Be Gentleman naman!" sabi ko tapos tinulak pa ako buti nalang may sumalo sakin mula sa likod.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo napansin kong gwapo ka at sabay tinanong "Miss ok ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong
"A-a" Kinikilig ako pero napayuko nalang ako "Sige miss una kana" sabi niya ang gentleman mo talaga hindi tulad nang iba. Oo alam ko ikaw ang nagpa-upo sa akin at ngayon ikaw rin ang sumalo sa akin. Pero hindi pa din ako nakapagpasalamat sayo.
Bumaba na ko at dali dali akong pumunta sa pinsan ko at tsaka na rin ako pumunta sa SM para mamimili. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ako magpapasalamat dun sayo kaso hindi ko na siguro kita makikita.
National Bookstore
Naiwan ko ata yung listahan alam ko dala ko yun siguro nung natulak ako napunta kung saan sana may nakapulot nun at ibalik sakin hindi ko tuloy alam bibilhin ko. Makalipas ang ilang oras laking gulat ko na makita kita ulit at napaisip namamalikmata ba ako. Bakit nandito ka ngayon? mukhang may hinahanap ka. at dahil nawala ko yung listahan naka-upo nalang ako sa may sulok ng National bookstore.
"Miss nandiyan kalang pala" nakangiti mong sabi.
"Bakit kuya? ako ba yung hinahanap mo?" tanong ko sayo dun ko lang namukhaan na ikaw pala si Kent hindi ako makapaniwalang kausap kita ngayon. Hindi ba ikaw yung varsity sa school tapos mayaman, matalino at kilalang crush ng bayan. Hindi ko alam baka panaginip lang ito dahil ikaw yung crush ko dati pa kaso hindi ako mapansin dahil sobrang sikat mo sa school.
"Oo kanina pa kita hinahanap kasi nakita ko ito kanina sa bus alam ko na sayo ito kasi ikaw lang yung babaeng bumaba kanina" sabay bigay nung listahan
"May kasama ka ba?" tanong mo sa akin.
"A eh, wala" sagot ko habang nakayuko.
"Samahan na kita" ang sabi mo at sabay hila mo sa akin. Hinahawakan mo yung kamay ko at nagkikipagkwentuhansa akin habang naglalakad tayo hindi ko nga alam kung nanaginip lang ako o hindi. Nakatingin lang ako sayo habang nagkwekwento ka at nabunggo ko pa tuloy yung pintuan, ang sakit pala, nakita kong natawa kang kaunti pero nag-alala pa rin sa akin.
"Pasensya na kung lampa ako" sabi ko "Ok lang yun" sabi mo habang nakangiti ka sakin tapos ay itinuloy mo na yung pagkwekwento mo at napansin kong ang sakit nung pagkakabunggo ko sa pintuan at ibig sabihin hindi nga ako nanaginip.
"May sasabihin akong sikreto sayo pwede?" tanong mo sa akin.
"A-ah ikaw bahala" sagot ko hanggang sa bus ay nagkwekwentuhan tayo at alam kong tungkol sa akin lahat yung pinag-uusapan natin.Umupo ka sa pandalawang taoat pina-upo mo ako sa tabi mo itinuloy mo lang yung pagkwekwento mo pero hindi mo pa rin sinasabi yung tungkol sa sikreto.
"Yung secret mo pala?" tanong ko sa sayo nakatigin ka sa akin pero nung tinanong ko na yung about sa secret umiwas ka ng tingin at tumingin ka sa bintana.
"Alam ko mich kilala mo ko diba? alam mo namang sikat ako" Nagulat ako na alam mo ang pangalan ko at oo alam kong sikat ka.
"Alam ko may mahal ka ng iba" napalunok ako sa sinabi mo.
"Hindi ba alam mo namang maraming nagkakagusto sa akin pero sa lahat ng babaeng nagkakarandarapa sakin hinayaan ko lang sila kasi ikaw lang yung napansin ko alam ko na hindi mo alam na matagal na kitang gusto pero hindi lang dun nagtatapos gusto kong sabihin na higit pa dun mahal na nga kita. Alam mo bang ang sakit sakit kasi may mahal na iba yung taong mahal mo. Gusto ko lang malaman mo Mich na mahal na mahal kita."
Nagulat ako sa mga narinig ko sayo at yun yung time na nagtanong ka na. "Mich pwede ba kitang ligawan?"ngumiti ka sa akin at gulat na gulat pa din ako at hindi nagsasalita. Masaya na ako pero bigla mong sinabing.
" Praktis lang yan " praktis lang pala yun ang saklap naman. Medyo nag-assume ako akala ko totoo na lahat.
"Mich, ok ka lang?" tinapik tapik mo ako. Naliwanagan ako na pinagpraktisan mo ako masakit isipin na sa ibang babae ka magtatapat. Hindi ko napigilan ang galit ko dahil sobrang nasaktan ako.
"FYI! Prince Kent David hindi ako yung tipo na pinagprapraktisanat hindi porket sikat kasa school papayagan na kitang lokolokohin ako at pagtripan. Hindi mo ba alam na masakit yung mga sinabi mo" sinigawan kita at nakita kong hindi ka nakikinig pero bigla kang lumingon.
*tsup
"Alam mo bang first kiss ko yun" sabi niya at napayuko ako sa sobrang pula. First kiss ko din yun.
"Bakit napatahimik ka dyan?" tanong niya sa akin medyo galit pa ako kahit hinalikan mo na ako. "Mahal kita Mich" yan ang sabi mo.
"Pinagpapraktisan mo lang ako diba? Hindi ba sabi ko sayo hindi ako yung tipong pinagpapraktisan"
"Mich lahat ng lalaki may pakatorpe nasabi ko lang yun kasi baka hindi mo ako gusto natatakot ako na mareject mo ako kaya kung nasaktan kita pasensya na" pinaliwanag mo sa akin yung sinabi mo. Hindi ko alam kung nagsasabi ka na ng totoo o hindi pero nasabi ko na "Mahal kita." At sinamahan mo ako hanggang maka-uwi na ako.
[A/N Hello! sa mga readers sana nagustuhan niyo to yung mga names ay gawa gawa lamang po at yung story 2% reality 98%imagination // Just wanna share this story. ///And salamat sa mga nagbabasa ng story ko please vote and comment / suggest]