CHAPTER 21: Dangerous And Fatal

499 11 0
                                    

“Hi! Crying again?”

Agad niyang pinunasan ang luha. Pilit na ngumiti siya rito.

“Hi, Hiroki. Of course not. I’m not crying.”

“So ano tawag mo diyan?”

Inismiran niya ito. Napakagwapo rin nito. At antipatiko.

“Oh, stop it. I have to go. I have a flight.”

“So you’re flying abroad again?”

“Yes. And if you’ll excuse me. Anyway, thanks for taking care of me.”

“Don’t mention it. But, you have to pay me for that.’

Tumaas ang kilay niya. “How much?”

“I’m richer than you, woman. For your information.”

 “So how?”

“Let me drive for you to the Airport. Ihahatid kita.”

Napamaang siya. Is he flirting? Again?  Well, walang epekto sa kanya iyon. Sa pagkakalam niya ay may kaugnayan ito sa isang sekretarya ni Kei na si Navy. Pero si Hiroki talaga ang isa sa mga taong laging nasa tabi niya at umaalalay sa kanya. Sa mga panahong wala si Kei ay ito ang laging dumadamay sa kanya. Minsan hindi niya maiwasang isiping may pagtingin ito sa kanya hanggang ngayon. Noon ay umamin na ito sa kanya ngunit agad siya nitong pinakawalan dahil vocal siya sa pagtingin niya sa pinsan nito.

Hindi niya maiwasang hangaan ito. Isa itong tunay na lalaki dahil alam nito kung kailan ito susuko sa isang bagay. Sa kabila ng pagiging perpekto nito, alam nito kung kailan gagamitin ang advantages nito. Pero sa pambababae, lagi nitong sandalan ang pagiging perpekto nito. Hiroki loves collecting women. BIGTIME!

Pero hindi ito tumatalo ng kaibigan. Kaya pagdating sa kanilang mga babaeng kaibigan nito, tinuturing sila nitong espesyal at alam niyang mahal sila nito.

Kung natuturuan nga lang sana ang puso, si Hiroki ang pangalawang taong pagkakatiwalaan niya sa pagmamahal niya. Pero ang pagmamahal ay hindi test paper na maraming option. Kailangang pumili ang ng isang sagot na alam mo sa sarili mo na magiging tama sa huli.

Pero, alam ni Hena na mali ang iniisip niya. Masyado ng matagal iyon. Alam niyang kung ano man ang nararamdaman ni Hiro noong mga bata pa sila ay isang simpleng paghanga lamang at wala na iyon ngayon. Napapilig siya ng ulo. Ano ba itong naiisip niya? Masyado nang occupied ang isip niya ng mga masasakit na pangyayari kaya mas mabuting tigilan na niya ang kaiisip sa inaakto ni Hiroki.

“If that’s what you want. Let’s go.”

Magaan itong kasama. Hindi boring kausap. Kapag natutulala siya ay agad itong gagawa ng paraan upang mapangiti siya. Kahit papaano ay gumagaan ang loob niya.

“Why are you woman so possessive?” Hiroki was giving a topic again.

“Not all.”

“’Wag mo nang ipaglaban ‘yang mga kalahi mo.”

 “Are you a half Japanese, right?”

“Uh-uh! You're hurting my ego, Lady. Talagang kinalimutan mo na ako.”

Natawa siya. Hinding hindi niya ito makakalimutan. Kahit sikat na sikat na siya ay hindi niya tatalikuran ang kanyang mga kaibigan. "Hoy! Hindi kita nakalimutan noh! Ikaw pa. Sinisigurado ko lang kung tama ba. Ikaw naman!"

"Oo na! Lulusot ka pa, eh!"

“Why are so fluent in Filipino?” sa totoo, curious siya dahil sa pagkakalam niya ay hindi naman ito madalas sa Pilipinas. Talagang matatas itong manalita.

“Sa pamilya namin, mas sanay kaming nagsasalita ng tagalog. Kapag kaming pamilya lang, hindi kami nage-english. Parang ang formal kasi. Eh, ikaw? Mas nakakagulat ka kasi sa London ka na lumaki pero marunong ka pa ring managalog.”

“Gaya ng reason mo. Karamihan din sa nakapalibot sa akin sa London mga Pilipino. Our maids, my manager and some of my co-models are all Filipinos. That’s why.”

“Noon ang arte arte mo, masyado kang sosyal pero ngayon medyo nalang. Hehe!"

Batukan kaya niya ito?

“Yes I am. Nabawasan na lang ngayon.”

“Thanks Kei, then.”

Mukhang tumalon na naman ang puso niya. Narinig lamang niya ang pangalan nito. “Ano nga ‘yung tanong mo kanina? Why we are possessive?”

Ngumiti lamang ito. Tila nakaramdam na ayaw niya ang topic.

“Ayaw lang naman namin ng kahati. Particular sa mga boys. We want assurance from you that we are the only one. Well, tama nga naman. Kayong mga lalaki ang dapat nage-effort hindi kami,” ngumiti siya ng mapakla. “But in my case, ako pa. Well, ako kasi ang nagmamahal.”

“Ang swerte niya sa’yo.”

“Mas maswerte si Pam,” huminga siya. Nasa Airport na sila. “Thanks for driving me here.”

"Anything for you, Hena. I am always here if you need anything. It would be my pleasure if you let me help you. Please.."

"Thank you, Hiroki." Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay. "Napakaswerte ng taong mamahalin mo, Hiro. Kahit ganyan ka kababaero eh alam ko na magiging isang mabuting boyfriend o asawa ka. Kung mayroon kang babaeng mamahalin, please ingatan mo siya. Huwag mo siyang sasaktan dahil napakasakit."

"Kung ako nalang sana ang minahal mo noon baka hindi tayo ganito ngayon. Hindi ka sana nasasaktan at umiiyak." Pinahid nito ang luha niya. "Naniniwala ako na hindi ako ang para sa'yo, Hiro. Sinasabi mo lang iyan dahil kaibigan mo ako. Ang pinakahindi ko makakalimutan sa'yo noon eh 'yung pananaw mo sa love."

Ngumiti ito sa kanya. "Tss. Love is dangerous and sometimes fatal. Yes, love exists but it's not where I could find my satisfaction and happiness. So, falling in love is not thing."

"Tapos sasabihin mo na sana ikaw nalang minahal mo. Eh, sasaktan mo rin pala ako." Pabiro niya itong sinuntok sa dibdib.

"At least kahit hindi kita mahal hindi naman kita iiwan at pababayaan."

"Loko ka talaga! Halika nga dito." Niyakap niya ito ng mahigpit. "Please take care of Kei for me, Hiro."

"I will."

"Sige na."

Tumango lamang ito. Tinulungan siya nitong dalhin ang maliit niyang maleta. Iyon lamang at pumasok na siya sa Airport. Kumaway siya rito.

Pagtalikod niya ay pinilit niyang ngumiti. Kailangan niyang umalis sa Pilipinas ng walang dala-dalang sama ng loob. Wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari sa kanya. Naniniwala siyang hindi siya nagpakatanga. Nagmamahal lamang siya.

She failed. At least, she tried. Kung pwedeng iwanan na rin niya ang puso niya sa Pilipinas ay gagawin niya. Ngunit, mukhang pati sa States ay guguluhin siya ng pag-ibig niya kay Kei. Wala siyang magagawa kung hindi ang gamutin iyon. Wala ng ibang tutulong sa kanya kung hindi ang sarili niya.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon