Fall For You (one shot)

141 3 0
                                    

Ang mahalin ng isang babae, yan ang ayaw ko.

Takot akong saktan sila. Kasi kahit isang libong beses ko pa silang mapasaya, kulang pa yon sa isang beses na masaktan ko sila.

Hindi ko man sinasadya o ayaw ko man.

Dadating sa puntong masasaktan ko sila.

Ganun naman talaga ang buhay.

May hirap at ginhawa

May saya at lungkot

Hindi maaring diktahan kung ano ang mauuna.

Pero hindi ko lubos maisip na ang aking kapalaran ay ang ligawan ako... nang isang babae. Hay. Sakit sa ulo.

"Brad! Ayan na yung manliligaw mo oh. Hahahaha" -kabarkada ko :3

Umalis nalang ako, baka masapak ko pa yung mga yun eh.

Dito ako laging tumatambay sa playground ng school. Pinagmamasdan ko lagi yung mga batang masasayang nag lalaro..

Sana pwedeng balikan yung mga panahon na bata pa lang ako. Yung wala masyadong iniintindi, selfish, kaligayahan lang ang gusto. Hayyy.

"Uy Liam. Nag eemote ka na naman dyan. Eto na yung chocolate na gusto mo oh. :)" -si Amber childhood friend ko. The annoying girl -.- siya lang naman kasi yung babaeng nanliligaw sakin. Ni hindi nga ako pumayag na ligawan niya ko. Sino ba naman lalaki ang papayag no :3

*flashback

"Liam! Liam! Liam! Ano? Payag ka na? Liligawan kita :)" hindi ko narinig yung sinabi niya. Madami akong iniisip, pnproblema. Magka away parents ko at hindi ko alam sasabihin ko dahil baka bumagsak ako sa isang subj., mapapatay ako nito eh. Tsk. Tpos etong si Amber, Liam ng Liam -.- annoying.

"Bahala ka kung ano gusto mong gawin! Iwan mo muna ako! Naiirita ako!" -sigaw ko sa kanya

"Thankyou! Thankyou Liam! Promise ko sayo mapapa sagot kita :p" -Amber na niyayakap yakap ako at hinahalikan sa pisngi. Sa lahat ng sinisigawan, siya yung masaya. Tss. Teka!? Mapapa sagot? Pumayag ako? Oh sht. Dagdag problema.

"Hindi. Mali. Mali ang-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi energetic siyang umalis -.-

"Walang bawian. Bye Love! :)"

*end of flashback

Amber's POV

Ang cute talaga ni Liam pag galit. Hahahaha. 6months na din akong nanliligaw dito pero wala pa din nangyayari. Mas maarte pa to sa babae eh. Binaba ko na nga pride ko para sa kanya eh. Ang daming nagsasabi sakin na itigil ko na to. Hindi, hinding hindi ko susukuan si Liam.

Kinuha niya yung chocolate na binigay ko. Kakainin niya na dapat pero nakita niya ko kaya hinati niya.

"Oh :)" yung ngiti niya, yan yung ngiti na nagpatibok ng puso ko.

Mabait naman kasi talaga siya at sweet. Kaso ewan ko ba, simula nung nakilala niya yung mga kabarkada niya gusto niya ng maging astig kagaya nila.

Yung dating Liam na makulit, mahilig mag joke, masayahin. Ngayon iba na. Tanging ngiti niya lang ang hindi nagbago.

"Punta tayo sa bahay niyo? Xbox tayo? :)" yan, yan yung dating Liam :)

"Your smile means yes? :)" nakakainis talaga to! Ang sweet ng boses.

"Yes! :)" -sabi ko

Sa bahay...

"Talo ka na naman Amber! Hahahaha. Di ka na nanalo sakin! Weak ka talaga! Hahahaha" namiss ko tong Liam na ganto

Fall For You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon