Kathryn's POV
ang aga aga nagising ako dahil parang may mga nagkukulitan sa baba ang iingay! parang alam ko na sino may gawa ng ingay! sila katsumi yun. pano sabi
"oh aming prinsesa! mga poging prinsipe ay nag aabang sa iyong pagbaba! "
oh diba? adik lang. paniguradong si ate ang nagpapasok sa mga yan. antok pa ko ! last 5 minutes!
kaya nagtakip ulit ako ng unan para matulog ng biglang may nagwawala na sa labas ng pinto ko. si ate pala!
" hoy chandria! kanina pa tong mga makukulit mong prinsipe dito inaantay ka! ( at gwapo ) che katsumi dun ka muna inaasar mo ko. " ok no choice kailangan ko na tumayo.
"sige saglit lang bababa na ko."
pagkasabi ko nun nawala na yung ingay . siguro bumaba na sila kaya ako tumayo na ako at pumunta na ko sa cr para mag hilamos toothbrush ligo tas bihis! and tadaaaa! i'm ready! habang bumababa ako narinig ko sila katsumi na nag tatalo parin . pero mukang wala yung isa? ugh. dibali walang mang aasar saakin. sa kakulitan nila di ata nila ako napansin kaya tumayo lang ako dun samay hagdan habang pinapanood sila.
"ako naman maglalagay! kanina pa kayo ayaw nyo ata ako kasali eh! " katsumi " ano? kakatapos mo lang mag lagay ah! ako nga di pa nakakalagay!" JC "baka kasi malagyan nyo yung lalagyan ko eh please! isa lang promise pasingit lang" kats "oo na kats bilisan mo na ano bang word yang nabuo mo? ingay ingay nyo . " lester
haha parang timang si kats. cinoveran pa nya yung nilalagay niyang letters sa board. base sa observation ko mga pagkain lang ang binubuo nila . pauso ng rules sa scrabble tong mga to eh.
"ayan! ayan tapos na ko! PRENTS PRICE! dinugtungan ko yung rice ni seth baby ! meant to be tayo baby!!! "
"shit katsumi lumayo ka nga sakin! kabaklaan mo umiiral. ako nanaman trip mo. dun ka nalang kay daniel. wag ako . "
HAHAHAHA ayan di ko na napigilan yung tawa ko nakita na tuloy nila ako. si katsumi kasi pilit na niyayakap si seth, si seth naman todo layo sa kanya. kaya nung tumawa ako natigil sila. sabay tayo ni kasumi. parang macho na lalaki
" ehem ehem. katsumi? katsumi? ayan ok na. hi Kath! good morning . ! "
"GOOD MORNING PRINCESS! " sabay sabay pa sila sabay bow. mga to talaga.
" goodmorning! ano meron at ang aga aga nyo mambulabog? asan yung isa? "
"ay hinahanap. nako iba na yan.." pangangasar ni JC
" hindi noh buti nga yun eh walang mang aasar saakin. "
"wala iniwan namin kanina ang bagal kasi eh, tsaka nakalimutan mo ba kath? may practice po tayo ngayon para sa play natin? " seth
hala oh my gosh ! oo nga pala may practice kmi kya pala sila nambubulabog dito. di man lang ako ni remind ng ate ko kanina. nakakahiya.
"oo nga pala. sorry nakalimutan ko. asan yung iba? ready na ba yung lines? yung props? hala sila kiray ok naba? may costume na ba? kela-"
"princess chill lang. wala pa lahat yan." JC
" ano?! wala pa? bakit? "
"teka lang kasi! persdey palang okay? persdey! jusko day ang choco kringkles ko! bawas pogi to eh. princess first day palang ngayon palang natin i seset lahat. "