Minulat ko ang mata ko at nilibot sa paligid. Wala na ako sa kulungang gumagalaw? Bahagya akong gumalaw at napansing malambot ang hinihigaan ko, kumpara sa sahig ng templo. Umahon ako sa pagkakahiga at naupo. Nilapag ko ang paa ko sa sahig, abot naman ito, hindi ganoon kataas ang hinihigaan ko. Gusto ko sanag lumabas kung nasaan man ako, pero natatakot ako sa kung anong bubungad sa akin pag lumabas ako ng pinto.
Natagalan akong nakatitig sa pinto bago ito bumukas at pumasok ang lalaking bumuhat sa akin. Seryoso itong naglakad palapit sa akin. Anong problema niya? Bakit niya ako kinuha? Nalaman niya kayang niloloko ko lang ang mga tao kaya papatayin na niya ako? O parurusahan? Gagawing alipin?
"Don't you have magic?"
Nakatingala lang ako sa kan'ya at wala namang naiintindihan. Alam kong ingles iyon, naririnig ko naman iyon sa mga tao ng Santora. Ang problema ay hindi naman ako nakakaintindi ng ingles.
"Hindi ko naiintindihan..." nakayuko na ako nang sabihin iyon.
Hindi ko matagalan ang mga titig niya, para akong matutunaw sa mga mata niya. Bumuntong hininga ito, dahil doon ay napaangat ang tingin ko sa kan'ya. Sa kabila ng matatag na itsura nito ay may tila pagod o lungkot akong nakikita sa mga mata niya.
"Magpapadala ako ng mga damit dito mamaya, pamalit mo." Tinalikuran na niya ako at lumabas na siya ng silid.
Damit lang? Paano naman ang pagkain, dahil ba iniisip niyang diyosa ako ay hindi na ako nagugutom? Waaaahh! Wag naman! Manghihina ako kapag hindi niya ako pinakain, baka nga iyon pa ang ikamatay ko.
Napasimangot ako at ngumuso, kasabay nang pagtunog ng sikmura ko. Bumukas muli ang pinto at nanlaki ang mata ko. Ang lalaki ay may dalang malapad na lalagyan na may mga mangkok at pinggan. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, namumula ito panigurado. Hindi ko magawang tumingin sa kan'ya dahil alam kong narinig niya ang pagwawala ng sikmura ko.
Binaba niya sa isang maliit na lamesa sa loob ng silid ang kan'yang mga dala.
"Kumain ka na habang mainit pa ang pagkain," utos niya.
Kahit nahihiya ako ay lumapit ako roon. Gamit ang mga kamay ko ay nagsimula na akong kumain, tuloy-tuloy lang ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako sa pagsubo. Wag niyang sabihin na hindi ko pweding ubusin lahat ng ito? Gutom pa ako!
"Don't you know how to use utensils?" Naiiritang tanong niya.
Nakatingala lang ako sa kan'ya at hindi naman nauunawaan ang sinasabi niya. Napanguso pa ako habang nilulunok ang huling pagkain na nasa bibig ko.
Nilagay niya ang isang metal na bagay sa kamay ko at sinandok ito sa pagkain. Halos mabitawan ko ito nang bitawan niya ang kamay ko.
"There, isubo mo," utos niya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya ngunit, napakatigas naman ng metal na ito. Galit ba talaga siya sa akin kaya niya ako pinapakain ng matigas?
"God!" Tila mapipigtas ang kan'yang pasensya.
Bakit siya pa ang galit dapat nga ay ako ang magalit dahil pinapakain niya ako ng matigas na bagay.
Hinawakan niya ang metal na nasa bibig ko at hinigit iyon, binuka ko naman ang bibig ko para makuha niya iyon. Syempre pinaiwan ko sa bibig ko ang mga pagkain.
"Manuod ka."
Sinandok niyang muli ang metal ng pagkain bago dinala iyon sa bibig niya matapos ay nilabas iyon nang wala nang laman.
"Ganito ang gamit ng bagay na 'to, at ang tawag dito ay kutsara," paliwanag niya.
Tumaango-tango ako, kutsara pala ang tawa sa metal na iyon. Binigay niya iyon sa akin at sinabing subukan ko, ginawa ko naman. Nagawa ko naman ng tama at mukhang nakahinga na siya nang maluwag nang makitang maayos naman akong nakakakain. Ang problema lamang ay pakiramdam ko'y mabagal akong mabubusog kapag gumagamit pa ng kutsara. Natapos na akong kumain at uminom ako sa malaking lagayan ng tubig.
"My godness!" reklamo niya.
Hindi ba dapat ako uminom?
"Diyosa ka ba talaga?!"
Ngumuso ako gusto kong sabihin na hindi pero baka mamaya ay isumbong niya ako sa mga tao, tapos magalit ang mga ito sa akin at patayin ako. Natatakot ako...
Kinalma niya ang sarili niya bago ako seryosong hinarap. Kinakabahan akong tumingin sa kan'ya. Anong gagawin niya sa akin? Isang malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya ba ako kinuha? Wala naman yata siyang bukid na dapat kong pagtrabahuhan, o mayroon kaya?
"Patawarin mo ako kung kinuha kita sa templo," paunang sabi niya.
Nakatitig ako sa kan'ya habang nakatingin din siya sa akin. Hinintay kong ituloy niya ang kan'yang sasabihin.
"Kailangan ko ang tulong mo," deretsong sabi niya.
Bahagyang kumunot ang noo ko, kailangan niya ako? Kukunin niya kaya ang mga lamang loob ko? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, wala naman akong ibang maitutulong kaya...
"W-Wag..." mangiyak-ngiyak na pakiusap ko.
"Ha? Anong wag?" nagtatakang tanong niya.
"Kukunin m-mo ang laman loob k-ko?" takot na tanong ko sa kan'ya.
"Hahaha," tawa niya.
Ha? Anong nakakatawa? Natatakot na nga ako rito pero siya'y pinagtatawanan pa ako.
"Hindi... hahaha," patuloy pa rin ang pagtawa niya.
Napasimangot na ako dahil sa inaasta niya. Pinagtatawanan niya talaga ako, bakit hindi niya linawin kung anong kailangan niya hindi iyong pagtatawanan ako.
"Hindi kita tutulungan!" Sigaw ko sa kan'ya at tumayo pa.
Tumigil siya sa pagtawa at tumikhim. Muling nagseryoso ang kan'yang ekspresyon. Pinagtaasan ko siya ng kilay at pinag-krus ko ang aking mga braso. Siya pala ang may kailangan, kaya dapat lang na maging mabuti ang kan'yang trato sa akin. Alam kong naniniwala siya na diyosa ako kahit na hindi naman ako ganoon umasta. Hindi ko nga alam kung paano ba umasta ang isang diyosa.
"Gamutin mo ang fiancee ko," walang paligoy-ligoy na sambit niya.
Fiancee? Ano 'yon? At ano raw? Gamutin ko?
"Anong sakit niya?" Tanong ko kahit na alam ko naman na wala akong kakayahan na manggamot.
"She's in coma," sagot niya.
Napakamot ako sa ulo ko, hayan na naman siya e. Nag-ingles na naman, hindi ko naman naiintindihan!
"Ang ibig 'kong sabihin ay hindi siya nagigising dahil sa isang aksidente," paliwanag niya nang mapansin niya na hindi ko nauunawaan ang ingles niya.
Papaano ko ngayon lulusutan ito? Hindi naman ako marunong manggamot at wala naman akong mahika. Paano na?
BINABASA MO ANG
The Goddess Heart
Roman d'amourKlien Aquino is one of the deadliest and heartless mafia. Siya ang tinuturing na ika-labing isang mafia devil. Dahil sa isang aksidente ay na-coma ang kan'yang fiance. Desperate enough, Klien kidnapped the Goddess of Santora Forest. Sa pag-asang bak...