Time 4

28 2 0
                                    

Pat's POV

 

Nagising ako na nasa kama ko.

HA? pano ako nakapunta dito eh kagabi lang nanonood pa kami ng movie tsaka naala ko na lang na nakatulog ako sa sofa?

Nagulat ako ng may biglang nagsalita.

 

"Kung nagtataka kung bakit nasa kama kana natutulog at hindi sa sofa, binuhat kita nung nakatulog kana." Takte si Gian lang pala nakasandal sa pintuan >_< Aatakihin ako sa puso ng wala sa oras ng dahil sa kanya eh.

 

"Langya ka. Bakit ka nandiyan? Muntik na akong atakihin sa puso dahil sayo"

 

"Ang OA mo. Wala man lang thank you? Ang bigat mo kaya"

 

"Ganun? manlait ng sariling bestfriend? thank you ha? Umalis kana nga"

 

"Hahaha. Joke lang naman. Bumaba kana daw sabi ng mga kuya mo. Nandun na din si Cindy sa baba ikaw na lang hinihintay. Mag breakfast na tayo"

 

"Geh. susunod na ako. Tsupi na"

 

At salamat naman at umalis na ang makulit na si Gian. Pero naalala ko na naman yung Luke na yun >_< Bakit niya ba yun sinabi na manliligaw siya sana eh kakakilala niya pa lang nga saakin atsaka name ko palang ang alam niya. Bahala na nga >_< Sino ba siya para isipin ko? Makababa na nga.

 

Pagbaba ko, grabe feeling at home talaga yung mga bestfriend ko. Sabagay matagal na naman din namin ginagawa to. Sanay na ako tsaka para kapatid ko na rin ang mga yan eh kaya ok lang sa mga kuya ko at kay mama na nandito sila palagi sa bahay ^_^

 

Nagtataka kayo kung bakit parang hindi ako pumapasok sa school? Malamang vacation namin eh. Date ngayon? May 10, 20** Hahahaha

Kaya sinusulit ko lang vacation namin ^_^

 

Lumapit na ako sa kanila para mag breakfast na din. Gutom na ako eh

Habang kumakain kami nag salita si Gian

 

"Pat, Kuya Zeke, Kuya Jin pwede bang pumunta si Luke dito? Kaibigan ko. May sasabihin kasi siya saakin sa personal eh. Sinabi ko nandito ako. Pwede ba?"

 

"HINDI PWEDE" sigaw ko habang busy parin sa pagkain ko. Ayaw ko nga pumunta yun dito. Tsaka naalala ko pa sinabi niya kagabi >_< Nakakailang kaya

 

"Maka react Pat wagas? Sige na! May sasabihin lang siyang importante tsaka aalis din"

 

"Sige papuntahin mo dito. Baka makakasundo pa namin tun eh. Tsaka oo nga Pat bakit ganyan ka maka react? Kilala mo ba yun? singit naman ni kuya Zeke

 

Si Cindy naman at Kuya Jin busy parin sa pagkain. Hahahaha

 

"Opo kuya Zeke kilala yun ni Pat. Manliligaw niya yun eh." Walangya na Gian mapapatay ko talaga to ng wala sa oras.

 

A Time For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon