Chapter 1 : our Anniversary

2.9K 69 51
                                    

-- nakakainis! umuulan , umuulan ..

tinopak si ako kaya ang matagal ng naksave ay biglang pinublish hahahaha :)

Salamat sa aking editor na si SKY :P i love you muahkiss :* 

I’m Jenith Chloe Soriano, 19 years old. I’m 3rd year college at FEU taking up Business Administration major in Financial Management. Kumusta ang buhay ko? SOBRANG MASAYA at kontento . Happy ako sa family ko kasi kahit maraming pagsubok na kinakaharap, tinatawanan lang namin ang problema. And of course happy din ako kasi I have a boyfriend, he is Ralf Jericho Amante aka Kiro nag-aaral sa TIP, ang course niya? Architecture. Mahilig talaga siya sa art dati pa. Nung nililigawan nga niya ako nong high school kami lagi talaga siyang may binibigay na mga gawa niya, mga bonggang love letter, tapos chibi expressing love mga ganun.

I really love my boyfriend. Hindi ako tulad ng ibang babae na nagcocollect ng lalaki, hindi iyon uso sa vocabulary ko. I always look for a boyfriend na husband material. At ngayon nasa ikatlong taon na kami ng aming relasyon.

“Susunduin ka ba ni Kiro o magkikita na lang kayo sa labas?” ang kulit ng mama ko mas excited pa sakin. Ganyan talaga si mama super supportive saming magkakapatid, malaki ang tiwala niya sakin kaya hindi niya ko pinagbabawalan at hindi ako gagawa ng kahit na anong ikasisira ng tiwala niya.

“Sabi niya pumunta na lang daw ako sa bahay nila, may surprise siguro iyon.” Sagot kong may ngiti sa aking mga labi.

“Ang ganda talaga ng anak ko, sige na umalis ka na at baka mainip na iyon kakahintay sayo.”

“Kailangan talaga ma, binobola mo ko bago ako umalis?” Lalong napalawak ang ngiti ko sa papuri ni mama. Humalik na ako sa pisngi niya bago umalis.

 Nandito na ko ngayon sa harap ng bahay nila. Pero bakit parang walang tao? Sobrang dilim. Hinawakan ko ang doorknob, hindi naman nakalock pumasok na ako sa loob. Nakabukas iyong TV, iyon lang ang liwanag na makikita sa sala nila. Natutok ang mata ko sa screen at hindi ko naiwasang hindi maluha (iyakin kasi ako). Slideshow siya ng mga pictures naming simula umpisa, mga pictures namin na magkasama, mga place na pinuntahan namin na magkasama kami, mga videos ko ng kumakanta ko na wala sa hulog, mga nakakahiya pero nakakatawang pinaggagawa ko kapag magkasama kami. At ngayon siguro nasa last part na ako, nagmemesage na siya .

“Ehem baby, mahal ko, bhest, honey, happy third anniversary sating dalawa. Napakabilis ng panahon no, hindi ko inakalang aabot tayo sa ganito. Napakaswerte ko kasi binigay ka Niya sa akin, sana wag kang magsawang intindihin ako at sana hindi ka magsawang umunawa at magpasensiya sa pasaway pero gwapo mong boyfriend. I love you honey, umasa kang hindi magbabago itong love ko para sayo mahal na mahal na mahal kita. Katulad nga ng sabi ko dati, hindi na ako magmamahal ng iba, ikaw na talaga ang first and last ko. Tandaan mo sayo lang ako, akin ka lang. muah muah . tsup tsup . I love you honey.” Iyon lang at namatay na ang TV.

“Oh bakit umiiyak ang baby ko?” tanong niya sakin habang inaabot ang bouquet of roses. “happy anniversary ulit, sana nagustuhan mo yung gift ko.”

“Happy anniversary din honey, ikaw kasi eh. Alam mo namang iyakin ako tapos gumawa ka pa ng ganyan.” Nakaingos na sabi ko sa kanya. “Akin na iyong cd non ah.”

“Haha napakakulit talaga ng honey ko, kaya di ako nagsasawang bigyan ka eh, lahat kasi tinatago mo.” Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. “Tara na kumain na tayo, pinagluto kita ng favorite mong carbonara.”

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. “Sinubukan mong magluto ng carbonara? Seryoso ka?”

Ang lawak ng ngiti niya ng sumagot. “Bakit masama bang subukan kong lutuin ang favorite ng magiging asawa ko?”

Nayakap ko siya sa sobrang tuwa. Nagpunta na kami ng kusina para mahatulan ko na ang niluto niyang carbonara. Nakakabaliw mas masarap pa siyang magluto kesa sa akin.

“I love you honey, thank you for the wonderful evening.”

“ Wala iyon honey basta ikaw.”

Natapos ang third aniversarry namin ng napakasaya. Hanggang sa makatulog ako ay hindi pa din nawawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Ganito talaga kami sobrang masaya, hindi naming hinahayaang matapos ang isang araw na may tampo ang isa’t-isa. Lagi siyang nandiyan para sakin, all-in-one boyfriend ko siya, siya ang tatay, kuya, bestfriend, confidante, taga-gawa ng assignments (lalo na sa arts, wala ko talent dun eh) , at ang magiging asawa ko hihi. Nakaplano na ang future naming para sa isa’t-isa. And I really love him very much kahit may topak siya haha!

Dumaan ang ilang buwan at malapit na ang second sem namin third year. Semestral break noon.

“Ano ba yong sasabihin mo, importante ba talaga iyon at ayaw mong sa cellphone pag-usapan?” Tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa sala ng bahay namin.

“Honey may bad news eh, hmm. Hindi naman siya actually bad news”

Kinabahan ako sa sinabi niya, bihira siyang magsabi ng ganun sa amin kasing dalawa ako ang may pag kaOA kapag may problema kahit maliit na bagay lang para sakin malaki na iyon. “Ano ba iyon,honey?”

“Pinapapunta ako ni mama ng Singapore, hindi ako mag-eenrol this sem.” Malungkot na pahayag ng binata.

“Bakit naman daw?” Hindi pa ngayon ang alis ng binata pero naiiyak na siya.

“Honey naman, wag kang umiyak please. Naisip niya kasing magpatayo ng bahay doon, kesa naman daw sa iba niya pa ipagawa sa akin na lang daw, namimiss niya na din daw kasi ako.”

“Bakit kailangan ngayon pa? Di niya ba pwedeng hintayin na makagraduate ka na lang muna? Sayang yong taon.” Ayaw niyan sumama ang loob kay tita Angie pero di niya maiwasan, iniisip pa lang na aalis na ang binata ay parang hindi niya kaya.

Umakyat na siya sa taas, alam niyang mali ang ginawa niya pero sobrang masakit ang balitang sinabi ni Kiro. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa makatulog na siya.

Samantalang sa baba ay kinausap ng mama ni Jenith si Kiro.

“Pagpasensiyahan mo na si Chloe, masakit para sa kanya ang pag-alis mo. Alam mo namang nakasanayan na nang anak ko na lagi kang nandiyan para sa kanya.”

“Naiintindihan ko naman po siya, kaya lang sana intindihin niya din ako.” Malungkot na sabi niya. ”Sige po tita aalis na po ako.”

Nagising si Chloe nang mga bandang 7 pm ng gabi. Tiningnan niya ang mukha sa salamin, nakita niyang sobrang namamaga ang mata niya. Hindi na siya bumaba ng kwarto niya, ayaw niyang magpakita sa mama niya na ganun ang hitsura niya, siguradong mag-aalala lang ito ng sobra.

Umalis siya sa harap ng salamin at binuksan ang cabinet, kinuha niya dun ang diary niya at nagsulat. Pagkatapos niya magsulat ay naligo siya at nagbasa ng libro, nang maramdaman niyang parang tahimik na sa paligid ay saka pa lang siya bumaba. Kumuha lang siya ng biscuit at juice sa ref. Kumuha na din siya ng malamig na tubig at kutsara para ilagay sa mata niya. Nang pakiramdam niya ay numipis na ang maga ng mata niya ay saka pa lang siya kumain.

Nalulungkot pa din siya, pero napagdesisyunan niyang ibabalik sa normal ang lahat, wala siyang dapat sayangin na panahon habang nandito pa si Kiro sa Pilipinas.

Nagtext siya sa binata.

[honey, im sorry for being so childish kanina at nag walk-out ako. I’m just sad dahil sa balita, I love you. I hope you understand me.]

Umakyat na siya sa taas at natulog.

-------

 ahihi :DD yong kutsara na niublob sa malamig na tubig, ginagawa ko talaga iyon kasi effective sa akin, ewan ko lang kung effective pag kayo ang gumawa XD

pero hindi purkit may sulosyun na sa pamamaga ng mata ay pwede ka ng umiyak ng umiyak aa !

sayang ang tears, wag umiyak para sa walang kwentang bagay :))

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon