ang hirap pala mag karoon ng childhood friend at kapitbahay na heartthrob
ang daming nag papa-abot sayo ng letter at ng kung ano-anong regalo...
" D-Diary!? pakibigay naman to kay Yvan oh... sige na... please..." gaya nyan pinapakiusapan ako ng kaibigan kong si Ruby na iabot ang love letter nya kay Yvan- ang heartthrob
simula ng malaman ng mga classmates at schoolmates ko na magkapitbahay kami at magkababata pa
araw araw nalang ako dinudumog ng mga fangirls
ako din ang naging primary source of information nila...
" sasabihin mo ba samin ang mga alam mo kay Yvan o gusto mo pang masaktan" ansaya diba ang bait ng pag-kakatanong nila sakin nasa likod pa kami ng school nyan at may nakatutok pang pocket knife sakin... ansaya diba?!
dahil sa experience na yan nalaman ko kung gaano nakakatakot ang mga fangirls
minsan din iniisip ko kung tunay ko bang mga kaibigan tong mga kaibigan kong to
binbisita kasi nila ako tuwing gabi
pero...
akala ko ako yung dinadalaw nila yun pala mag-papasama lang sa bahay nila Yvan
nagtataka nga ako sa mga yun kung bakit nila nagustuhan si Yvan pero... pakialam ko ba sakanila trip nila yun eh....