Jhersel's Pov
Namamangha ako sa laki ng school na 'to. Expected na kasi yung magandang school sa ibang bansa pero yung makakita ka ng halos kasing level lang nila dito sa Pilipinas? Nakakashock, dude! Wala akong masabi sa ganda at laki ng school na nilipatan nito ni Blake.
"Pre, paano mo natunton 'tong school na 'to?" Tanong ko kay Blake habang naglalakad kami.
Hindi niya naman talaga kami tinu-tour! Tahimik lang siyang naglalakad kasama namin. Tinandaan ko na lang lahat ng nadadaanan namin pati kung saan yung mga importanteng lugar dito sa school dahil walang kwenta si Blake na tour guide. Kapag nagtatanong kami either tango o iling lang ang sagot samin. Kaya kapag nagtatanong kami na hindi answerable by yes or no, wala kaming napapala! Hayop na 'yan!
"Bakit ka huminto?" tanong ni Ethan mula sa likuran ko. Dinikit pa niya yung mukha niya sa tenga ko kaya nagtaasan yung balahibo ko!
"Ano ba! Lumayo ka nga! Bakla ka ba?"
"Tantado! Tinanong ko lang bakit ka huminto, e! Masyado ka na bang naburyo sa tour session ni Blake?" Asar nito at tumawa pa.
Tinignan lang siya ni Blake kaya nakitawa na rin ako.
"Punta akong caf. Nagutom ako bigla. Saan ba 'yun, Blake?" Gusto ko ring makita yung cafeteria nila rito. Gusto ko kasi bago ako pumasok ulit bukas medyo kabisado ko na 'tong school para kung sakaling tamarin ako pumasok sa klase, alam ko tatambayan ko.
"Straight then left,"
"Salamat, pre. Parang utang na loob ko pa na tinanong ko, ah." Biro ko sakanya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Walangya. Para akong bata na nilabas ng magulang para gumala sa mall sa sobrang excited kong maglibot.
"Shit!" Napamura ako nang may mabangga ako.
Yawa! Paano kasi nung nakarating ako sa cafeteria na-amaze ako nung makitang may mga stall pala rito ang ibang sikat na fastfood kaya marami ka talagang choices. Hindi ka magsasawa tsaka mahihirapan kung alin gusto mong kainin.
"What have you done!" Inis na sigaw sakin ng nabangga ko.
"Sorry, miss!" Paghingi ko ng paumanhin. "I'm really sorry. I just got amazed with the environment. Kakatransfer ko lang kasi. Let me make it up to you. I'll buy you another one?"
Pinagmasdan ko siya habang pinupunasan niya ng panyo ang blouse niya na nagkaroon ng stain. She looks cute. She has this shoulder length hair and a perfect nose. Round doll eyes which are color... gray? Did I saw it right? Or maybe she's just wearing contacts?
"Yeah, as if there's still another piece of that cheesecake," she rolled her eyes. "Next time, watch where you're going, idiot. Kainis!"
Woah there! A for attitude for this young woman, huh?
Sinulyapan ko ang id lace niya and all I saw was the name Ara because she quickly moved.
"Maka-idiot ka naman, miss! Sinabi ko na ngang hindi ko sinasadya, 'di ba? Ang sakit mo rin magsalita, e!" I told her dramatically.
She looked at me weirdly before rolling her eyes. "I don't care. Idiot ka talaga. Tabi nga!" She even pushed me aside!
Damn this girl. Gusto kong matawa dahil napakatapang niya samantalang halatang kaedad ko lang naman siya.
"Ganda mo sana, e." Bulong ko at naglakad na papasok ng cafeteria.
"Duh! Alam kong maganda ako!" Sigaw niya pabalik like I'm stating the obvious.
Napalingon ako sakanya pero likod niya na lang ang nakita ko. Akalain mo 'yon? Narinig niya pa pala. Ibang klase rin.
Nginitian ko ang mga babaeng nakatingin. Some of them smiled back and some squealed. Natawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^