Author's Note:
Hellowww. Medyo nalimutan ko na kasi yung susunod kaya special chapter muna.
WARNING: KAISOO SHIPPERS PLEASE DON'T KILL ME. PLEASE. I LOVE YOU GUYZZZZZ. I REALLY DO.
Medyo inspired sa If ni Taeyeeeon~ (EXTERNAL LINK)
WE ARE ONE~~ OT12 FOREVER :)
NAGING RESTRICTED SIYA HALOLOLOLOLOLOL. NGA PALA, ENDORSE KO YUNG UTOT KONG FANART HAHAHAHA XDDD
***
Kyungsoo's POV
Two years ago..
"Ano ba naman yan Mr. Do? Ilang ulit mo nang inaaral ang kantang yan pero bakit hindi mo pa din ma-perfect?" Galit na sigaw sakin ng music teacher ko noong 2nd year palang ako.
Nakayuko lang ako at hindi umiimik. Pang-ilang beses na ba akong pinapagalitan ng teacher ko? Ang fail ko kasi.
Narinig ko ang malalim na pag-buntong hininga niya,"Mr. Do, kailangan mong mag-focus. Mataas ang expectation sayo ng lahat because Mrs. Byun chose you. Alam kong na-pepressure ka pero kailangan mong galingan. Kung hindi mo kaya I have no choice but to--"
Lumuhod na ako ng tuluyan at may ilang mga luhang kumawala sa mga mata ko,"Please! Wag niyo po akong alisin! Pangarap ko pong maging singer! Wag niyo po akong sukuan please! Nakikiusap ako!"
"Mr. Do. Please stand up."
"H-hindi po ako tatayo. Nakikiusap ako.. Wag niyo po akong alisin."
"Fine." Napatigil ako at napatingin sa kaniya,"I'm giving you another chance, pero kapag hindi maganda ang naging resulta. You know what will happen."
Napangiti ako."Salamat po! Gagalingan ko po talaga!"
"Sige na, makakalabas ka na." Sa huling pagkakataon ay nag-bow ako saka tuluyang umalis.
Dumiretso ako sa playground ng school na ito at umupo sa isang swing. Lagi ko itong ginagawa kapag may problema ako. Mas nakakapag-focus kasi ako kapag ako lang mag-isa.
Kaya ko kaya? Haaaaay.
Nakakaasar naman kasi. Hindi ko aakalaing ganito pala kahirap yun! Masyadong matataas ang expectation ng mga tao dito at talagang pipigain ka nila. Bukod pa dun, ang yayaman nila. Samantalang kami, ayun, sa maliit na bahay lang nakatira.
Wala tuloy akong maka-close dito. Nahihiya kasi ako tsaka kasi.. Feeling ko kakainin nila ako ng buhay. Hindi ko alam. Basta.. ganun.. Katakot >____<
Ano na lang kayang gagawin ko kapag hindi ko naayos yung kanta ko? Panigurado sa kangkungan ako pupulutin. Ayos lang, masarap naman ang mga kangkong at masustansiya pa. Pero lagot ako sa tatay ko. Labag kasi sa loob niya ang pagiging singer ko. Pahirapan pa nga yung pag-payag niya sa pangarap ko eh. Kapag nalaman niyang hindi maganda ang patutunguhan ko baka mabugbog pa ako.
Nakakatakot O___O
Pero bakit nga kaya ako ang pinili nung magandang babae na yun? Sa lahat ng madaming magagaling sa dating school ko, bakit ako pa? Samantalang nahuli lang naman niya akong kumakanta habang nag-lilinis ng classroom. (Nakakahiya lang kasi ginamit ko pang mic yung mop)
Haaaaay. Ano nang gagawin ko ngayon? Paano ko ba mape-perfect yung pagkanta ko?
"Ang weird mo."
Kinilabutan ako kasi bigla na lang akong may narinig na boses samantalang mag-isa lang naman ako.
"Ang laki pa ng mata mo. Weird."
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend [EXO-K Baekhyun Fanfiction]
Fiksi PenggemarMy dream boyfriend. Oo, literal na 'dream' boyfriend dahil sa panaginip mo lang siya nakikita. Eh paano kung yung napapanaginipan mo ay bakla pala? Ito ay ang fanfic na puro kashungaan at kavovohan ang nilalaman. [Ito ay puro bad words. Kung ayaw mo...