Nandito na siya?
Nagmamadaling umalis ako ng kusina at naabutan ko na nga sina Lucas at Smith sa sofa. Pareho itong nakatayo at nagsusukatan ng tingin. Mabilis na naramdaman ko ang pag-iiba ng atmosphere sa loob ng bahay 'ko.
Tumikhim ako na naging dahilan para mapalingon ang dalawa sa 'kin. "Mr. A-Alexander, Nand'yan na pala kayo," mabilis na nilapitan ko s'ya at sinadyang pumagitna sa kanila ni Lucas.
"Ako nga, Ms. Beatrice. Halika na, Madami pa tayong dapat pag-usapan." sabi n'ya. Hindi naman siya sa akin nakatingin kundi kay Lucas. Napailing na lang ako. HIndi ko talaga maindintindihan ang mga lalaki!
"Saan ka pupunta, Beatrice? H'wag mong sabihing aalis ka? Hindi ba't pupuntahan pa natin si Tita Agnes?" Mabilis na pagsingit ni Lucas sa usapan.
Napangiwi ako. Oo nga pala, paano na si mama?
"Mamaya na lang siguro ako pupunta sa Hospital," nangingiwi kong sabi. Masama ito, naiinis si Lucas. Tinignan niya ako ng parang nagtatanong. Nagtatanong kung sino 'tong guwapong nilalang sa likod ko? Malamang iyon na nga Beatrice! Huwag kang hangal!
"E-eto nga pala si Mr. Alexander Smith, S'ya ang lalaking nagpautang sa akin. Remember? Yung kaibigan ni Jane." Napalakas na sabi ko dahil sa tensyong nararamdaman ko.
Pinihit kong muli ang aking katawan para maharap ako kay Mr. Smith. "At siya si Lucas Bernal, kababata ko." iniahad ko ang kamay kay Lucas.
Hindi ko alam kung bakit ko sila in-introduce sa isa't-isa. Napatingin na lang ako sa mga paa ko habang naghihintay na iabot nila ang kamay sa isa't-isa. Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Lucas at ganoon na din si Alexander. Ang pride talaga ni Alexander, ayaw mauna!
Nag-abot sila ng kamay at nagbigay ng isang mabilis na shake hands. Shake hands na halos hindi ko na namalayang nangyari. Hay naku!
"O, siya Lucas. Marami pa kaming dapat na pag-usapan ni Mr. Smith, Mamaya na lang tayo mag-usap." sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Nakaharap lang ako sa salamin at iniipitan ang magulo ko pang itim na itim na buhok.
Nangunot ang noo ni Lucas. "Aalis ka nang hindi naliligo? Kagigising mo lang 'di ba?" Iyon na nga, eh pasaway 'tong si Smith!
"Mamaya na lang siguro ako maliligo, Lucas. Iyong susi, nasa drawer sa kwarto ko. Paki-lock 'tong bahay kapag aalis ka na, Ha?"
"O, sige. Mamayang gabi umuwi ka. Madami tayong pag-uusapan Bea." sagot ni Lucas.
Hindi na ako nagsalita. Ang hirap maipit sa dalawang ma-pride na lalaki.
Napabuga ako ng hangi at nagsimulang maglakad papunta sa may drawer sa kuwarto ko at kumuha ng pulbo.
"Ms. Beatrice,"
Halos tumalon ang puso ko nang makitang nasa likuran ko na si Alexander.
"Para ka naman buntot, Nakakagulat ka!" Hindi ko na mapigilang sabihin sa sobrang gulat ko dito. Hawak hawak ko ang dibdib ko sa pagkagulat. Tingalang tingala ako sa kanya. Napakatangkad talaga n'ya, sobrang tuloy na nanliliit ako sa sarili ko.
"Naniniwala akong itatahimik mo ang dila mong matalas kung ayaw mong labasan din ako ng sungay." walang emosyon sabi n'ya sa akin.
Sungay? Hindi ba't mayroon na sya niyon? Napaikot na lang ako ng mata. Mahilig talaga s'yang manindak ng tao, ano?
Humarap ako sa salamin para maikalat ang pulbo sa mukha ko.
"Ganoon mo na lang ba ipagkakatiwala sa maangas lalaking iyon 'tong bahay mo?" bigla ay pagsasalita nito. Si Lucas ang tinutukoy nito. "You shouldn't be too trustful." dugtong pa niya.