Hello. Namiss niyo ba ako. Hahaha. Anyway, sobra akong naging busy dahil sa Scrapbook na ‘to kaya hindi muna ko nagparamdam. Pero alam ko namang nabasa niyo lahat ng kadramahan ko di ba?
Hahaha. Tapos ko na siya. Sobrang ikli lang. Kaya nga natapos ko agad bago mag-birthday niya. Kaso hin-
“Tammy! Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw? Ha? Nagkasakit ka ba?” Pasigaw na sabi ni Tris. Ano ba yan ang ingay ng babaing to.
“Iisipin ko na lang na welcome back Tammy ung sinabi mo Tris.”
“Ingay kasi Tris eh. Pwede namang hindi sumigaw.” Sabi ni Sue na kagigising lang.
“Sorry naman. Namiss ko lang si Tammy.” Tris
“Siya ba talaga namiss mo? O yung kwento niya?” Sabi ni Sue
Ano na namang kwento yung pinagsasasabi nitong mga to. Kailan pa ko naging story teller? Aber?
“Ugh. Panira ka talaga Sue. Oo na. Hoy Tammy. Kamusta yung ano?” Sabi ni Tris
“Yung? Pinagsasasabi mo Tris?” Tanong ko
“Ainako Tammy. Ang tinatanong ng babaing yan eh yung regalo mo kay Jin. Ano na? Kahapon pa birthday niya di ba?” Sabi ni Sue
“Kita mo tong si Sue. Excited din namang malaman eh. Painosente pa.” Asar ni Tris
Aish. Bakit nga ba nakalimutan ko to. Malamang tatanungin ako ng dalawang yan sa nangyari. Ano ba yan. Heto na. Hintay na sa sermon ng dalawa.
“Ah. Eh. Tapos na siya.” Kinakabahan kong sagot
“We know. Kasi tapos na rin birthday ni Jin. So anong reaksyon niya.” Tanong ni Sue
“Eh hindi ko pa naibibigay eh.”
“Ooh talaga? Ano-- WHAT? DI MO BINIGAY? ANO PANG SENSE NIYAN? DI NA NIYA BIRTHDAY.” Naghuhurumintadong sabi ni Tris. Sabi na eh. Ganito reaksyon niyang babaing yan. Wagas wagas.
“Eh kasi nga. Hindi naman siya nagrereply sakin. Pano koo ibibigay. Mula pa nung birthday niya. Ay actually mula pa nung 12 hindi na siya nagreply sakin. Ano gusto niyong gawin ko.?”
“Say what? Bakit? Imposible namang hindi magload yun.”
“Eh sa yun nga eh. Hindi niya ko sinasagot. Ilang beses ko na siyang tinatawagan. Wala akong natatanggap na sagot. Pano ko ibibigay?”
“Ano ba naman yan? Nkakaasar naman oh.”
“Tara na pumasok. Andami mo ng naiwang lessons. Mamaya na tayo magkwentuhan.”
“Psh. Fine. Kasi naman eh.”
~*~*~**~*~*~
“Hey. Usap tayo.” Sabi ko sa kanilang dalawa.
“Bakit? Tungkol saan?” Sabi ni Tris
“Ahmm. Upo muna tayo. Grandstand.” Sabi ko.
“Oh sige sige.” Sabi ni Sue
Pagkadating sa Grandstand, kinwento ko lahat. Pati yung kadramahan ko nung isang gabi. At ang reaksyon nila..
“OMG. Tammy. Say what?” Sabi ni Tris
“Shut up Tris. Okay?” Sabi ni Sue
“So you’re saying na feeling mo bumabalik yung sakit ng mga nangyari noon?” Sue ulit
“Yes.” Sabi ko
“And?” sabi ni Tris
“I don’t know. I hate this feeling. Ayoko ng ganito.” Sabi ko