Roselle’s POV
1 week na kaming nakakabalik mula sa Resort ni Virg. Normal na ulit. I mean. Ang takbo ng buhay nila. Pero ang sakin, abnormal na.
“Goodmorning Roselle!” Masiglang bati sa akin ni Virg pagkapasok ko BitterSweet. Inaayos nya ang mga upuan at lamesa.
Magtataka sana ako kung bakit sya nandito. Pero naalala ko, oo nga pala. Sila na ulit ni ate Rm. 1 week na rin syang tumatambay dito.
“Goodmorning.” Matamlay na bati ko.
Kumunot ang noo nya. “Bakit ang tamlay mo?”
Umiling ako. “Medyo masama lang ang pakiramdam ko. Napuyat kasi ako kagabi.”
“Sana hindi ka na pumasok.” Concerned na sabi nya.
“Di pwede. May mga orders akong kailangan i-bake.”
Bukod kasi sa nagseservice kami. May mga umoorder din sa sa amin.
Tumango na lang sya. “Nasa office pala ang ate mo, may sasabihin daw sya sayo.”
“Sige.” Pumasok na ako sa loob ng office.
“Ate?” Pagkapasok ko.
“Goodmorning!” masayang bati nya. Ang blooming blomming ng ate ko. Nakakainggit. Feeling ko ako ang pinaka-haggard sa amin.
“May sasabihin ka daw?” Umupo ako sa sofa at isinandal ang ulo ko. Medyo masama nga talaga ang pakiramdam ko.
“Mukha kang pagod na pagod?” Tanong nya.
“Napuyat lang. Ano pala yung sasabihin mo?” Nakapikit na tanong ko.
“Ah. Ayun pala. May meeting tayo mamaya. May iseservice tayo.”
“Sino?”
“Anong sino? Dapat ‘ano’ ang tanong mo. Construction firm. Anniversary nila.”
“Ah. Anong construction firm yan? Kelan?” Nakapikit pa ring tanong ko. I need to shut my eyes for a while. Para kasi akong umiikot pag nakadilat. Bakit mukhang ngayon pa ako magkakasakit? Mukhang kailangan ko ng mag hire ng isa pang pastry chef bukod sa assistant chef ko. Dumadami na ang kliyente namin.
“Santillan Construction and Trading Corporation. Sa Friday na.”
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...