Roselle’s POV
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog. Pag gising ko nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Sigurado akong Hospital to.
“Buti naman at gising ka na. Pinag-alala mo kami!” bungad sa akin ni ate Rm.
“Anong nangyari?” tanong ko.
“Hinimatay ka sa meeting kahapon. Ang taas na pala ng lagnat mo pero pumasok ka pa.” Nanenermon ang tono nya.
“Kahapon? Kahapon pa ako nandito?”
“Oo. Paulit ulit ba tayo?” Lumapit si ate sakin. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?”
Parang nakisama ang tyan ko at biglang tumunog. Ngumisi ako. Tumayo si ate Rm.
“Bibili muna ako ng pagkain sa labas.” Anunsyo nya.
“Wait ate. Ano pala ang nagyari sa meeting?”
“Hindi na natapos that day dahil nga hinimatay ka. Tumaba ka ba? Mukhang nabigatan si Kavs sayo.” Asar nya sakin.
“Sya ang bumuhat sakin?” Nanlalaki ang matang tanong ko.
“Oo. Pasakay sa kotse nya at pagdating dito sa Hospital.”
Nag facepalm ako. Nakakahiyaaaaaa.
“Jusko, nahiya ka pa. Parang wala kayong past ah.” Asar nya ulit sakin.
“Ate, wag ka ng mang asar. Bili ka na lang ng pagkain.” Pagtataboy ko sa kanya. Ang bully talaga nila. Nahawa na sila sa akin.
Si Virg naman tumatawa lang sa sofa.
Ngumisi lang si ate Rm at binuksan ang pinto. Sumunod si Virg. Pero napaatras din sila dahil may pumasok.
Si Kavs. May dalang pagkain mula sa isang sikat na resto. Nakita ko kasi yung tatak ng paper bag. Oh. I remember that name. Dyan nya ako dinala dati.
“Oh Kavs! Nandito ka ulit?” Tanong ni Ate.
Ngumiti si Kavs. “Dinalhan ko kayo ng pagkain.”
Kinuha ni ate Rm yung paper bag. “Nag-abala ka pa. Wala ka pang pahinga.”
Tumingin sakin si Kavs. “Okay lang naman ako. Okay ka na?” tanong nya sakin.
Tumango ako. “Okay na ako. Salamat.” Pasimple kong inayos yung buhok ko. Baka mukha na akong bruha. Kakagising ko lang. Di pa ako naliligo at nagtu-tooth brush.
Umupo sya sa sofa. “That’s good to hear. Kumain ka na.” masuyong sabi nya.
Hudyat naman yun kay ate Rm para ihanda na yung pagkain sa tray. Tinignan ko si Kavs. Mukha syang puyat.
“Ikaw ba okay ka lang? Mukha kang puyat.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin sa kanya yun.
“Eh binantayan ka magdamag nyan eh.” Singit si ate Rm. Marahas na napalingon ako kay Kavs. Binantayan nya ako magdamag tapos nandito na naman sya? Baka sa susunod sya na ang maospital.
Masuyong ngumiti sya sa akin. Parang nabasa nya ang naiisip ko “Don’t mind me. Kumain ka na. Kayo din Rm.”
Tumingin ako kay ate at Virg. Nakatunganga sila sa amin. Oo nga. Katungatunganga naman kami talaga. Nag-uusap kami ni Kavs ng normal. Na parang walang nagyari dati.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...