Chapter 30:Avoiding ,What My Eyes Still Seeing

279 2 0
                                    

October 12.Thursday.

"Basta yung binilin ko sayo Jayciel,dahil ikaw ang mas matanda ,responsibilidad mo na alagaan yung kapatid mo okay?"sabi ni Mom,tumango naman ako.

Ayzz.Ano ba iyan ,ayoko ng ganito nakakaiyak,para kang nasa isang drama. :(

"At ikaw Ace,ikaw yung lalaki,so I think you can protect your sister ..Mag-aral kayong mabuti,huwag maging pasaway kay Yaya."paalala naman ni Dad.

"Don't worry Dad I will."sagot naman ni Ace.

"Mom,Dad..Take Care po,basta kapag di po kayo busy don't forget to call us.Mamimiss po namin kayo.."sabi ko at yinakap sila,di ko narin napigilan na maiyak.

"Don't worry,mabilis lang naman hintayin ang apat na buwan.."sabi naman ni Mom habang hinahaplos ako sa likod.

"Ate,huwag ka ngang bumirakat diyan."sabi naman ni Ace,napapunas tuloy ako ng luha sa mga mata ko.

"Kunwari ka pa,e mamaya maglulupasay ka na sa kwarto mo."sabi ko naman dito.

"Nako,kayo talagang dalawa..basta alagaan niyo yung bawat isa."sabu ni Dad at yumakap kaming muli sa kanila.

****
School 7:00 am.

Maaga akong pumasok,dahil nga exam namin ngayon.

Pagpasok palang sa gate ng school pinipilit ko ng hindi mapalingon sa parking dahil ayokong makaramdam ng lungkot kapag nakita ko yung single na motor ni Calvin.

But pasaway ang mga mata ko,that's why nakita ko pa din..

Sana lang siya ,hindi ko makita..

Malapit na ako sa room,sa may tapat ng Canteen,at biglang bumilis ang tibok ng puso ko,dahil isang dipa lang ata yung pagitan ko kay Calvin ngayon at dun kay Nathone nalagi niyang kasabay.

And then I found my heart beating so fast again,and yung labi ko na nakalipbite na naman sa kilig pagkapasok ko sa room.

Ayyz.Paano mo siya makakalimutan kung di mo siya kayang iwasan?at pigilin yang kilig na iyan Jayciel.

Pagkababa ko ng bag ko dun sa upuan,saktong pagdaan na nila sa harapan ng room namin.His smile,that make me smile too,but his direct sight which is hindi sa akin make me feel so damn painful.

Pagkaupo na pagkaupo ko ay bumungad na agad yung ingay sa akin ni Camille.

"Hey,Jayciel..So,nakaalis na pala parent mo."sabi ni Camille.

"Ahm .Yes."tugon ko naman dito.

"Jayciel,We already know na din na end na pala ng deal niyo."sabi naman ni Maureen.Napatingin naman ako kay Rosielyn na nginitian lang ako.

"Oo nga."tipid na sagot ko naman.

"Haysss nako,ang kukulit niyo kasi e,tingnan niyo wala din naman nangyari diba?ikaw Rosielyn tinigil na nga yung panliligaw dun sa niligawan niya pero niligawan ka ba?Hindi.Kasi iba yung niligawan na sa totoo lang gf niya na ngayon.Ikaw naman Jayciel umabot ka pa sa punto na pinangarap mo yung lalaki na iyon at sobra mong pinahalagahan,ang tanong nakita ba yung kabaitan mo?Of course hindi,kasi may iba siyang gusto and ang masaklap sa iyo hindi ka man lang niya nakilala."sunod -sunod na sabi ni Camille.

"Nasasaktan naman ako Camille.Grabeee"sabi naman ni Rosielyn,habang si Camille napailing ng ulo.

"Edi pinagsisisihan niyo ngayon yang deal na yan.."sabi naman ni Maureen.

"I don't regret the things I have done,I just regret the things I didn't do when I had a chance .."malungkot na sabi ko habang nakatingin sa bintana at nakakakilig at nakakainis naman na dumaan yung barkada nila Renzo which is nasa bandang likod si Calvin,kaya umiwas na ulit ako ng tingin sa labas at nakatingin naman sa akin yung tatlo.

"At ano naman yung bagay na iyon?"tanong muli ni Maureen.

"The thing that I didn't manage to stop dreaming him."simpleng tugon ko dito.

"That's it?"tanong pa nito.

"Yes,kasi kung di ko pinangarap yung isang hearthrob na gustuhin ng mga babae hindi ko naman papasukin yung mundo niya..hindi ko naman maiisip yung 35 days deal na yun.hindi ako aasa,mag-eexpect,masasaktan at lalong lalo na hindi sana umabot sa point na minahal ko siya.."sabi ko.

"WHAT?!"napahinto naman ako sa pagsasalita na iyon ni Rosielyn.

"Oo nga,ano sinabi mo ?"tanong din ni Camille ,at si Maureen naman nakatingin lang sa akin.

"D-Di ko naman alam kung bakit minahal ko yun eh"yun nalang ang nasabi ko.

"Akala ko..nagbibiro ka lang ng kausap kita sa chat,Jayciel naman bakit mo minahal yung lalaki na yun,e di ka nga kilala."sabi ni Rosielyn napatahimik nalang kami dahil dumating nadin yung teacher namin at pinaupo na kami ng maayos sa upuan at ibinigay yung first exam paper.

***
Afternoon .

Dapat wala na akong pasok ngayon e,pero naasign ako na maglilinis sa room,wala pa naman yung tatlo dahil tapos na sila sa mga inaasign sa kanila.

Nandito kami sa harap ng room at kausap yung adviser namin,nagplaplano kung paano pagagandahin yung room dahil may evaluation sa lunes ng bawat room.

Napatingin naman ako sa room ng C section nakalabas yung mga chairs nila,I think ngayon ata yung role play nila,which is tapos na kami duon.

"Oy,tara manuod ng role play nila.."biglang hila sa akin ni Odell,girl classmates ko.

Ako naman pilit bumabalik yung paa ko,ayoko naman mahalata ni Odell na parang ayoko pumunta dun.Kaya nagpahila ako pero ng malapit na kami hindi ko na talaga napigilan na magsalita.

"Ahm.A-Ayoko ,balik nalang tayo duon."kinakabahan na sabi ko dito,kabang-kaba naman ako,syempre baka biglang lumabas sa pinto ng ro nila si Calvin.

"Ha?Bakit naman?"tanong sa akin ni Odell.

"Ahm.B-Basta ..balik na tayo sa room."sabi ko dito.

Gusto ko nga sanang manood kaya lang kailangan kong umiwas dun,dahil nasasaktan talaga ako tuwing nakikita ko siya.

At bago naman kami tuluyang nakatalikod dun ,napatingin ako ulit and...

AYZZZZ NAMAN...Calvin Dreile is looking at my side...or wait nakatingin nga ba siya sa side ko??Oh myyyyy naman..yung mga mata niyang pamatay ..

Dub dub dub dub dub dub,tumalikod na ako at agad ko ng hinila yung mga kamay ni Odell,wala na akong paki kahit naweiweirduhan na siya sa akin.

Whaaaa.Bakit ba ganon siya?Kilala niya na ba ako?T_T ayoko na ..pinapaasa na naman ako ng tadhana.Pero wala naman na kasing ibang tao sa likod namin ng time na iyon e.

Bakit ba?Iniiwasan ko na siya,pero bakit para namang nananadya yung tadhana,umiiwas na nga ako pero ipinapakita pa din siya sa akin.Paano ako makakalimot sa kanya at sa nararamdaman ko?

Pagtapat sa room namin,wala na siya duon sa kinatatayuan niya kanina..Kami naman dito naghihintay pa ng kasamahan na naasign din sa room.And a while ago,tuwing napapatingin nalang ako sa labas ng C section,nakikita ko siya na palabas labas..

Argghhh.Kainis naman,siya nalamg ba makikita ko kahit saan ako tumingin.

Inaya ko nalang si Odell na duon nalang maghintay sa A.P Tambayan,dahil sa totoo lang sobra na akong kinikilig kahit ayoko ng maramdaman yun..at baka mamaya maichat ko na naman yun..

AYZZ.Palpak yung unang araw na ito,hindi ako tinutulungan ng tadhana na malimutan siya.. :(

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon