CHAPTER 10

5.6K 169 15
                                    

AGATHA POV

I'm on my way to Lee Sky, kasama ko ang temporary secretary ko dahil hindi pa dumadating si Freyah. Nakarating na kami sa harap ng Lee Sky at bubungad sayo ang napakalaking tarpaulin kung saan nakalagay ay LEE SKY MAGAZINE 25TH ANNIVERSARY, pumasok na kami sa loob. Maraming bumabati sa amin habang naglalakad papunta sa Elevator.

"Wahh! Bumalik siya"

"Ang ganda niya parin"

"Ang swerte natin at nakita natin siya"

"Maganda pa rin siya kahit hindi na siya Model"

"Anu kayang gagawin niya dito?"

"Baka babalik na siya sa pagiging model"

Rinig kong usapan ng mga babae sa gilid. Napangiti nalang ako dahil kahit hindi na ako ang model na hinahangaan nila dati ay ganun parin ang suporta nila. Pumasok na kami sa elevator. Dahil kaming dalawa lang ng temporary secretary ko ang nasa loob. Tumingin ako sa kanya, mukha siyang kinakabahan. Bakit kaya?

"Hey, what's your name?"- tanung ko sa kanya, hindi ko kasi natanung sa kanya kung anong pangalan niya.

"H-huh? Ahh! Joyce po"- sagot niya naman

"Bakit ka kinakabahan?"- tanung ko, napa tingin naman siya sakin at ngumiti

"Fan niyo po kasi ako! At hindi po ako makapaniwala na kasama ko kayo ngayon sa iisang elevator at kinakausap niyo po ako! Ako na po siguro ang pinakaswerteng tao!"- masayang saad niya.

"Thank you for admiring me Joyce"- ako, at ngumiti sa kanya

"Wahh! Wag po kayong ngumiti! Ang ganda niyo po! Matutunaw ako!"- Joyce, napatawa nalang ako sa pinapakita niya.

"Ilang taon ka na?"- tanung ko, napatingin ulit siya sakin na tila hindi talaga makapaniwala.

"23 po"- sagot niya naman, ang bata niya pa

"Wala ka bang boyfriend?"- tanung ko

"Naku! Wala po, pasakit lang po sa isip at puso ang mga lalaki. At tsaka hinihintay ko po yung true love ko, kaso sabi nila darating daw yung true love mo kapag 25 ka na daw po. Kaya may 2 years pa"- Joyce.

"Tama yan! Hintayin natin na dumating ang tamang lalaki, pero hindi rin naman pagkakamali ang magmahal, dahil natututo tayo sa kamalian lalong-lalo na sa sakit na nararamdaman"- ako, at ngumuti ng bitter.

"May pinaghuhugutan po ba kayo?"- tanung niya, saka tumawa.

Bigla namang bumukas ang elevator at biglang tumigil sa pagtawa si Joyce. Back to work na kaming dalawa

"Good Afternoon Ma'am"- bati ng isang babae

"Where's Mr. Lee?"- tanung ko

"Do you have appointment with Mr. Lee, Ma'am?"- tanung niya, secretary niya siguro. Tss. Buti hindi nagseselos si Marian dahil babae ang palaging kasama ni Brayden.

"I do"- sagot ko naman. Yumuko naman siya

"You must be Ms. Kim"- saad niya

"I am"- tanging sagot ko

"This way Ma'am"- babae at naglakad. Sumunod naman kami sa kanya, hanggang sa tumigil siya sa isang pintuan.

"Mr. Lee is inside"- Babae

"Thank you"- ako, at tinulak ang pintuan saka pumasok. Nakita ko si Brayden na naka upo kasama ng isang lalaki. Bigla siyang tumayo.

"Good Afternoon Ms. Kim"- bati niya

Umupo muna ako sa kabilang side ng upuan, saka tumingin sa kanya

"Good Afternoon"- ako, nasa tabi ko si Joyce na may hawak na logbook.

"Okay! Let's start, Kim's Agency wants to share their stock with Lee Sky, Am i right?"- tanung ni Brayden. He looks professional now.

"Yes"- tanging sagot ko. Nagpatuloy ang meeting naming dalawa.

*FAST FORWARD*

"Can you leave us a moment?"- tanung ni Brayden sa lalaki. Tinignan ko naman siya ng diretso, anong gagawin niya?

"Yes Sir"- saad ng lalaki.

Nakita ko sa peripheral view ko na napatingin sa akin si Joyce.

"You can leave us"- saad ko, yumuko naman si Joyce saka umalis ng meeting room. Kaya ang kinalabasan kaming dalawa nalang ni Brayden ang natira. Bigla siyang tumayo saka tinanggal ang tuxedo niya total naka white polo naman siya.

"Napag-isipan mo na ba?"- tanung niya

"About what?"- tanung ko

"Brielle, alam kong hinahanap ako ng anak natin kaya we can't deny that magkikita at magkikita kaming dalawa"- Brayden, na diniinan talaga ang salitang 'anak natin'

"Hayaan mo na kami! Tahimik na ang buhay namin kaya stay away from us! Stay away from my daughter!"- madiin kong sabi habang nakatingin sa kanya ng diretso. Lumapit naman siya sakin.

"Anak ko parin naman siya Agatha!"- Brayden

"Katulad ng ng sinabi ko! Matagal na kitang tinanggalan ng karapatan!"- ako

"Why so stubborn wife?"- Brayden, nagulat naman ako sa sinabi niya

"I am not your wife!"- ako, at tumayo

"Wala nang pupuntahan ang usapang to!"- ako, at maglalakad na sana. Ngunit napatigil ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang unang sumuko, at nang-iwan"- Brayden, lumingon ako sa kanya.

"Oo! Ako nga ang unang sumuko at nang-iwan! Pero matanung ko lang, sino ba ang gumawa ng dahilan?"- tanung ko sa kanya

Hindi naman agad siya nakasagot.

"Brayden, If I we're you? Hindi na ako manggugulo!"- saad ko, bago lumabas ng Meeting room. Nakita kong kausap ni Joyce ang lalaking kasama kanina ni Brayden sa loob.

"Let's go"- ako, agad namang sumunod si Joyce. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator agad kaming pumasok sa loob.

Makikita mo sa repleksyon ng elevator na kanina pa lingon ng lingon si Joyce sa akin.

"Bakit Joyce?"- mukha namang nagulat siya.

"A-ahm. Okay lang po kayo?"- tanung niya.

"I'm fine, bakit?" -tanung ko sa kanya

"Ahm. Sorry po talaga"- paghinge niyang paumanhin.

"Bakit?"- ako

"Hindi ko po sinasadya! Na curious po kasi ako"- Joyce, ano bang pinagsasabi niya?

"What do you mean?"- tanung ko

"Tinanung ko po sa Secretary ni Mr. Lee kung anung meron sa inyo"- Joyce.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Anung sagot niya?"- tanung ko

"A-ah! Ex- wife niya daw po kayo"- mahinang saad ni Joyce, dahil alam niyang may CCTV dito sa loob ng Elevator with mic kaya maririnig nila in case ang mga pinag-uusapan ng mga tao na nakasakay sa Elevator. Hindi na ako nag react sa sinabi ni Joyce.

"Sorry po talaga! Pero....... totoo po ba?"- Joyce

Lumingon ako sa kanya, saka siya sinagot.

"Yes! Totoo ang nalaman mo, pero gaya ng sabi mo EX- wife! Past! Isa ako sa mga nakaraan niya na dapat kalimutan na"- seryoso kong saad.

_________________

VOTE AND COMMENT

AUTHOR'S NOTE:

Merry Christmas po sa inyong lahat, kahit alam kong late na po ako😂 pero still merry christmas and happy new year. Malapit na ang 2018 pero maganda parin ako😂😂( walang papalag😁) I hope meron po kayo regalo na natanggap. Lablab ko kayong lahat.❤❤

The New Beginning (MWAC 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon