ωhᴑ shᴑuℓd I ϐℓamϵ By .ƧƦ. Ѽ

32 0 0
                                    

(A/N: Hindi po ito ang stoya ng buhay ko pero nakakasiguro akong nangyayari to..)

 **

Linggo na naman! Wala naman pasok pero gigising pa rin ako ng maaga. Magsisimba kasi kami ngayon. Ginayak ko na ang sarili ko bago bumaba para mag almusal.

“Nasaan si mama?” Tanong ko sa kapatid kong si Jelly ang sumunod sa akin.

“Nasa kapit bahay. Pinaguusapan na naman yung bagong nakatira jan sa tapat na paiba-iba ng asawa!” Sagot naman niya habang sa cellphone pa rin nakatingin. Oo may nanay akong chismosa pero relihiyoso. Hindi ko nga alam bakit alagad siya ng diyos pero ganyan ang ginagawa niya.

Aminado naman akong hindi talaga kami close ni Mama simula ng bata pa ako dahil buong buhay ko malayo at mabigat ang loob niya sa akin.

“Eh si Jan-jan nasaan?” Tukoy ko sa bunso naming kapatid.

“Aba malay ko!” sagot niya.

Nakakainis ang ganitong buhay. May kanya-kanyang utak ang nanay at kapatid ko. Sa murang edad ko, ako ang nagalaga sa mga kapatid ko. Hindi ko naranasan ang buhay ng naglalaro at ang buhay ng ibang teenager dahil nandito ako para alagaan ang mga kapatid ko.

“Bunso, tara na ligo ka na. Magsisimba tayo..” Kausap ko sa bunso namin. Naglalaro lang siya sa sala.

“Ayoko ate, lalayo ako eyplane oh. Enggg… enggg..” Three years old na si Bunso, bulol pa din. Mas gusto pa kasi kausapin ni Mama mga classmate niya sa chismis kesa sa kapatid namin.

“Mamaya ka na play, bahala ka gagalit si Papa Jesus ayaw mo siya dalawin sa bahay niya..” pangungulit ko sa kapatid ko.

“Gusto ko kasi si mama aayos sakin, di ba ako love ni Mama? Lagi nalang ikaw papayigo saken..” Nalungkot naman ako sa kapatid ko. Halos ako kasi ang nagalaga kay Jan-jan. Ako ang nagpapaligo at nagpapakaen sa kanya parang ako na nga ang nanay niya eh.

“Love ka ni Mama no, busy lang si mama sa ibang bagay..” Kinarga ko na si Jan-jan. “Ligo ka na ha tapos eat tayo..”

***

Sa huli, kami nalang ni Jan-jan ang nagsimba. Hindi sumama si Jelly dahil may kung anong dahilan siya. Si mama naman, oras na daw kaya di na nakasama.

Papasok palang kami ng simbahan, may pinapabili na si Bunso. “Dowee.. Dowee.. Dowee!” sigaw ni Jan-jan habang karga karga ko. “Bibili nalang tayo tapos ng simba bunso..”

“Gusto ni Jan jan now na..” at nagteteary eye na siya.

“Mamaya nalang bunso please..”

“Iiyak nalang Jan jan..” Umiyak nga siya. Natalo din ako, binili ko na rin siya ng Dowee kasi maguumpisa na yung misa.

“Hi jewell…” bati nito sa akin. Kilala ko ang boses na yan dahil siya lang naman ang boyfriend ko.

Hindi alam ni Mama na may boyfriend ako. Buti nga hindi sinasabi ni Janjan. Hindi na ako nagtangkang ipaalam, dahil alam kong talo ako kay mama. Kesyo malandi na ako ganun ganun. Wag ako tutulad sa mga kapit bahay naming off topic nila lagi. Ayaw niyang pagusapan siya. Naisip ko nalang..

“Takot ang chismosa sa kapwa niya chismosa..”

Nang matapos ang simba niyaya kaming kumaen ni Sean sa Jollibee. Tuwang tuwa naman si Jan jan. Ito lang ang kasi ang malapit sa simbahan.

“Kelan mo ba ako papakilala sa pamilya mo? Tatlong na tayo Jewell pero ganito pa rin lagi, magkikitng patago hi ndi man kita maisama kung saan dahil di ka papayagan..” malungkot na sabi ni Sean naiintindihan ko naman siya pero baka lalo na kaming di magkita dahil pagbabawalan ako ni mama.

“Naiintindihan mo naman ang sitwasyon diba?” nasabi ko nalang. Paulit ulit na kasi naming pinagaawayan ito.

“May magagawa pa ba ko? *sigh* Mauuna na ako ha? Hindi na kita mahahatid dahil susunduin pa namin si Papa sa airport.” Sumangayon agad ako walang ano anoy tumayo na siya at umalis.

“Ang lamig…..” naibulong ko nalang.

“Yayamig ka ate? Hahug ka ni Jan jan.” Nangiti naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Hindi naman talaga sa nilalmig ko dahil sa aircon kundi dahil sa pakikitungo ni Sean sakin. Hindi na rin kasi kami nagkakatext nitong ilang araw. Hindi ko alam pero busy daw kasi siya ayoko man isipin pero alam kong hindi na kami tulad ng dati.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ωhᴑ shᴑuℓd I ϐℓamϵ  By .ƧƦ. ѼTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon