Kate.
After I got home from school, tuminghaya agad ako sa kama. Nakakastress kaya. If it wasn't for Mikky and Mia, siguro hindi na ako nakauwi ng buhay.
Ewan ko ba bakit pinagtitripan ako ng panahon. "Aishh. Buwiset talaga!"
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang hawak kong unan sa sobrang inis. Sinong hindi mabu-buset kung biglang may susulpot na mga estudyante sa harap ko tapos bigla nalang akong tatanungin kung ano daw ba ang meron samin ni Ezikel? At bakit raw ba hinahatid ako ni Jinx? Aba! Hindi ba pwedeng ihatid ang kaibigan?
Tapos sasabihin pang pinaglalaruan ko daw ang mga lalaki. Hindi na raw ako nahiya kesyo kabago-bago kong estudyante! Mag tatalong bwan palang ako dito pero ang dami ko ng narinig na masasakit na salita. Akala mo kilalang kilala nila ako.
"Kate! Kain na!" Sigaw ni Sky mula sa kusina.
"Maya na!"
"Bahala ka. Uubusin ko 'to!"
Subukan mo lang.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang hawak kong unan. Nakakaimbyerna talaga! Sa sobrang imbyernang naramdaman ko, nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.
"Kate!"
"Hoy Kate!"
"Kate. Wala nang pagkain."
Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ni Sky. At dahil nga matakaw ako, kahit inaantok ay pinilit kong imuklat ang aking mata at dumiretso sa hapag.
"Sky naman!"
Alam kong maaring mabulabog ang mga kapit bahay namin sa sobrang lakas ng sigaw ko, pero wala na 'kong pakealam. Eto kasi eh! Kung alam ko lang na totohanin niya ang sinabi niya edi sana kanina pa lang kumain na ako.
"Aba. Wag mo 'kong sisihin! Kanina pa naghihintay ang pagkain diyan kaya kinain nalang ng mga pusa!"
"Ewan ko sayo."
Padabog akong tumayo saka kinuha ang jacket ko sa loob ng kwarto.
"Oh? Korina Saanchez jokla?" Saan daw ako pupunta. Sa halip na sagutin ang tanong niya, inirapan ko lang siya at dumiretso palabas ng bahay.
At dahil nga gurom si mareng Kate, siyempre dumiretso agad ako sa pinaka malapit na karinderya.
"Ay hija, hindi 24/7 ang kainan dito sa Pinas. Kung gusto mong kumain sa karinderya, hindi sa mga ganitong oras. Naku, mga bata talaga ngayong panahon." Bungad sakin ng matanda nang makarating ako sa isang karinderya.
"Salamat nalang po."
At dahil wala na akong choice, doon ako dumiretso sa isang sikat na fastfood chain, nagsi-tinginan ang mga tao sa loob nang makapasok na ako. Akalain mo yun, naka-uniform pa pala ako.
"Goodevening maam. What's your order?"
"2-piece chicken, large coakfloat, large fries, hamburger, sundae.." Ngiting-ngiti kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya. Problema neto?
"U-Uulitin ko lang po maam order niyo ha? 2-piece chicken, 1 large coakfloat, 1 large fries, 1 hamburger--"
"Ahh teka, paki-add nalang isang spaghetti. Salamat."
"O-Ok maam." nag-aalinlangan niya pang sabi kaya agad akong napasimangot. Alam ko kung ano iniisip neto eh, Hindi naman ako matakaw ah? "1 large fries, 1 hamburger and 1 spaghetti maam."
Tumango ako and waited for my order. At dahil nga pang-isang pamilya 'tong order ko, tinulungan ako ng waiter na bitbitin ang isang tray habang bitbit ko naman ang isa.

YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
RandomSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...