LABORATORY LAB STORY (One Shot)

939 32 17
                                    

   Hayyyyyyyyy. Physics class na naman. Napakaboring ng subject na to para sakin. Boring din kasi ang teacher. Sabi nga nila diba, teacher ang nagdadala ng buong klase. Nasasakanya kung gagawin niyang masaya or boring ang set-up ng classroom.

    By the way I am Hannah Del Mundo. Senior Higschool student ng Mater Dei Academy. Hindi naman sa pagmamayabang pero consistent honor student ako since elementary. Top 1, Top 2, Top 1, and hopefully, makagraduate ako na hawak ang titulong VALEDICTORIAN.  

--------------------------------------------------------------------------

“Okay class, bring your valuable things and go to the laboratory quietly. Please fall in line” sabi ni Ma’am Natanauan, ang Physics teacher ko na ubod ng hina ang boses.Nakakaantok tuloy.

  Nung narinig ko yun, agad akong lumingon lingon.

Wala pa siya!!!!

Wala pa si Enrico. Late na naman siya. Naku, pagagalitan nanaman siya ni Ma’am Natanauan.Lagot!

Si Enrico???

Ultimate crush ko. Classmate ko since first year until now. Gwapo, matalino, (Siya nga top 1 namin nung second year kami eh) charming, may tantalizing eyes, may sparkle ang ngiti, kaso SUPLADO. Namimili lang ng papansinin. At syempre kasali ako sa listahan ng dedeadmahin niya. Ewan ko ba kung bakit crush ko siya. Meron kasing something sa kanya na di ko maipaliwanag.

      Maingay ang section naming pero masunurin naman kami. We are on our way to the laboratory (located at third floor) ng mapansin kong….

FAIL!

I left my ballpen.

Umalis ako sa pila at tumakbo pababa para kunin ang mighty pen ko at para tingnan nadin kung dumating na si Enrico. :p

Wala! Wala pa din siya. O.O

Hala ka! Baka may nangyari nang masama dun? 7: 30 na ehh. Di naman yun nalelate dati. Bumalik na ako sa laboratory with SAD FACE L

Nasa kalagitnaan kami ng activity…

“Sorry Ma’am”

Si Enrico! Hingal na hingal!

“Mr. Gamboa! Why are you late??” tanong ng kontrabidang teacher ko!

“Ma’am…Ahmmm…I woke up late” Nakayukong sagot ng prince charming ko.

“Ahhh!!! And what are those things in your hands?” Tinutukoy ni Ma’am ang hawak na juice and sandwich ni Enrico ko!

“Ma’am, I haven’t taken my breakfast yet.” Malakas na sagot ni Enrico

“I don’t care. Rules are rules! Can you recite all the rules and regulations we need to follow inside the laboratory Mr. Gamboa????If you get it all, I’ll let you come in my class. If not, punishment will be sanctioned to you” Hamon ni Ma’am Natanauan.

Natigilan kaming lahat sa ginagawa namin.

   Grrrrrrrrrr!Kaiyamot tong teacher na to ahhh! Pinapahirapan ang prince charming ko! Naiipit na si Enrico. Matalino siya. Alam niya lahat yun. Go papa Enrico.

“In lab….”

Nauutal si Papa Enrico ko. Naku. Please! Sana masagot niya lahat. Ayoko siya maparusahan.

“In lab….”

Yun lang??? Yun lang ang paulit-ulit niyang binabanggit. Hindi niya talaga siguro alam. Gusto ko na itaas ang kamay ko at sabihing “Pwede ako nalang po sasagot. Ayokong nahihirapan si Enrico”

“Mr. Gamboa… Can you do it?” Taas kilay na sabi ni Ma’am Natanauan.

“Ma’am……. In lab….”

Nagsisigawan na ang mga tropa ni Enrico.

“Kaya mo yan tol!’

“Laksan mo loob mo tol”

“Ituloy mo na yan…”

    Ibinaba ni Enrico ang bag niya pati ang juice at sandwich na hawak niya. Iinagpag ang polo at inayos ang buhok.

“Ma’am Natanaun… In lab……

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Inlab po ako kay Hannah Del Mundo”

Dun nagsimula ang malakas na hiyawan at kiligan ng mga kaklase ko. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. May humila sakin papunta sa unahan. Namalayan ko nalang na nakatayo na ako sa tabi ni Enrico.

“Inlab ako sayo Hannah. Pwede bang maging tayo?”

Napabaling ang tingin k okay Ma’am Natanaun. Ngiting ngiti siya. Ang mga kaklase ko naman, nagaabang sa sagot ko.

“Ayoko……”

Natigilin ang mga kaklase ko ng banggitin ko ang katagang iyon. Yung ngiti ni Enrico nagturn sa simangot.

“Ayoko ng patagalin pa to. Syempre OO”

Until Now, kami padin ni Enrico. 4th year college na kami.  Engineering kaming dalwa sa parehong University. Going strong kami. Nang dahil na LAB, eto...happy ang LOLA NIYO :))

-The End-

LABORATORY LAB STORY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon