Chapter 1

184 5 3
                                    

I'm now currently walking at the hallway when someone just block her foot on me.

Char! Hindi ako englishera no!

Pero, totoo. May biglang hinarang ang kanilang paa sa'kin. Akala siguro nila hindi ko mapapansin.

I'm not just a something for nothing.

Well, sanay naman ako sa senaryong ito. Ikaw daw'ng gawin ito araw-araw? Hindi ba't masasanay ka rin.

Tumigil lang ako sa paglalakad at lumihis sa ibang direksyon. Ayokong may masimula nanamang away. Ayoko sa lahat ang gulo. Baka sa sobrang galit ko ay masapak ko na sila

Dumiretso ako sa classroom ko at agad pumasok. Mabuti nalang at hindi pa nakapasok ang teacher namin. Kundi, lagot talaga. Sa sobrang terror nu'n, baka ipa-sit on the air ka pa. Makaluma din eh 'no? Pwede namang, isulat mo ang buong pangalan mo sa isang buong papel diba?

Agad akong umupo sa may likurang bahagi. As if namang ipapa-upo nila ako sa may harapan o sa parteng gitna. Diring-diri nga sila sakin eh. Aba!

Walang akong kaibigan dito sa school, pero sa labas meron. Kaso nga lang, nasa ibang bansa siya. D'un daw kasi siya gusto ipag-aral ng parents niya para better future daw! Ibang klase din eh. Ang sabihin lang nila, ayaw nila sa'kin. Tsk.

Bigla nalang bumukas ang kaninang nakasarang pinto. Pumasok si ma'am Cruz na may dala-dalang libro at mga kagamitan niya sa pagtuturo. Nagtataka siguro kayo kung bakit kilala ko siya. Syempre, inalam ko muna kung sino ang unang papasok na teacher at sa susunod pa. Baka naman mapahiya ako.

"Okay, Good Morning class. I am Mrs. Abegail Cruz, your adviser and at the same time your Filipino teacher.
At dahil unang araw ngayon ng pasukan, gusto kong magpakilala kayo isa-isa sa harapan."

Ganyan nalang palagi. Para naman kaming ginawang elementary nito.
By the way, 3rd year highschool na pala ako. And, gusto kong kuning course ay Engineering. Cause I'm good at Math. Char!

Tatayo na sana ang nasa unahan upang magpakilala nang pinatigil siya ni Ma'am.

"Mauuna ang nasa likod." At tinitigan niya  naman ako na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Aba, baka mainlove sa akin si ma'am ah. Hindi kami talo.

Tumayo ako at nagsimulang lumakad patungo sa harapan.

"Hi. Yezsha Tan is the name. 15 years of age. Please be nice to me."

'Yan nalang ang palagi kong linya. Please be nice to me. Kaso, ang sama sama pa rin nila. Letse.

Tinignan lang ako nila na para ba'ng ako ang pinakapangit na nilalang sa buong mundo.

Hindi naman ganun ah. Mas pangit pa kaya ang manok sa'kin. Joke.

Bumalik nalang ako sa upuan ko. Asa naman akong tatratuhin nila ako ng tama. Tsk. 'Yan pa eh, mga dakilang bully ang nandito sa Zichiko University.

Ang gara din ng apelyido 'no? Zichiko kasi ang apelyido ng may-ari nito. And, di ko alam kung anong lahi ba ang meron siya. Tsaka, hindi ko pa rin siya nakikita ng personal. Tanging mga board of members, stockholders ng University'ng ito ang nakakita na sa kanyang mukha.
Pa-mysterious din to si Sir eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's a GangsterWhere stories live. Discover now