Chapter 29: Block A Training
Freya's Point of View
"May problema ba, Freya?" nagtatakang tanong ni Ada. Saglit akong napatingin sa kanya. Saka ko agad binalikan ang lalaking nakasuot ng cloak. Nakatayo parin ito sa 'di kalayuan.
"Dito ka lang, ha?" nangunot ang kanyang noo. "May pupuntahan lang ako."
"Saan ka pupunta?"
"Babalikan kita!" Sigaw ko sa kanya habang hindi parin inaalis ang tingin sa lalake. Tumakbo ako at nasa lalake lang ang pokus ng tingin ko. Ngunit napatigil ako nang ilang kurap ko lang ay nawala ulit siya.
I steadied my breathing while turning around, looking for him. Maybe, just maybe, totoo nga na nakikita ko siya. Pero pwede ring baliw lang ako at kung anu-ano nalang ang nakikita ko. It's either of the two.
Sa loob ng ilang minuto kong paghahanap, sumuko na ako at binalikan na lang si Ada.
"Sa'n ka pala nagpunta?" salubong ni Ada sa akin sa oras na nakaupo na ako kaharap siya. Umiling ako bago sumagot.
"Wala, may sinilip lang ako."
"Sumilip eh paikot-ikot ka lang do'n." Binigyan ko siya nang matalim na tingin.
"Pakialam mo ba?" inis kong tanong. Inirapan ko siya, yumuko si Ada at mabilis na tinakpan ang mukha ng hawak niyang bola. "Tsss, mabuti pa iyang training mo nalang ang atupagin mo."
Sinunod niya naman ang sinabi ko at nagfocus nalang siya sa pagsunog ng bakal niyang hawak. Ilang minuto kong pinagmasdan ang kanyang ginagawa. Halata kong napapagod na si Ada kaya nag-isip ako ng magandang sasabihin para mamotivate siya sa kanyang ginagawa.
"Hindi mo yata ginagawa nang tama eh! Magfocus ka pa!" sigaw ko pa para mas ganahan pa siya sa training. Pero imbis na bigyan ko siya ng motivation, mukhang lalo lang siyang napagod.
"Mag-training ka na rin kaya, para malaman mo kung gaano kahirap," napapuot pa siya.
"Paano ako magtetraining eh wala nga akong ability tulad ni'yo?" napayuko siya sa sinabi ko. Tinitigan niya ang bolang hawak habang nagliliyab sa apoy ang kanyang kamay.
"Pero," pinatay niya ang apoy sa kanyang kamay. "Minsan na kitang nakitang ginamit mo ang ability mo."
"At kailan naman 'yon?" taas-kilay kong tanong. Nakaupo parin kaming pareho sa Bermuda grass.
"Matagal na, kahit noong hindi pa tayo napunta rito. Alam kong may ability ka kagaya ko, iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kitang makilala at maging kaibigan. Feeling ko kasi ikaw lang ang makakaintindi sa'kin. Kasi magkatulad tayo. Tsaka 'yong black dimension na sinabi ni aling Nemesis. "
Natahimik ako sa sinabi ni Ada.
"Freya!" tawag sa'kin ng taong hindi ko naman kilala. Pareho kaming napatingin sa babaeng naglalakad palapit samin.
"Freya, right?" tanong niya noong tuluyan na siyang nakalapit. Tumango ako sa kanya. Gaya namin ni Ada, nakasuot din siya ng white pajamas at white t-shirt. Nakaayos sa ponytail ang kanyang buhok kaya klaro ang bilog niyang mata. Maganda siya, pwede na.
"Oo, ako nga," sagot ko.
"Natatandaan mo pa ba ako?" napatitig ako sa kanya saka kami nagkatinginan ni Ada. "I'm sorry pero—"
"Ako si Cole, Cole Moore," tinitigan ko siya dahil pamilyar nga siya sa akin. "Ako 'yong nagcheck ng Peritian soul ninyo ni Ada, doon sa infirmary? Tanda mo na?" parang nagliwanag ang loob ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
Viễn tưởngAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___