Part 12

23 3 0
                                    

ALLISTAIRE POV

Nang dumating ang araw ng linggo ay maaga akong gumising.
4am palang gising na ko't tinawagan ko na sila Neil at Thea.

Kahit hirap silang bumangon dahil malamig ang panaho't masarap matulog ay gumising pa rin sila.

Tinext ko naman agad si Marvs at nagreply naman agad siya. Nangiti pa nga ako.
Ewan ko ba. Di ko alam kung anong nangyayari sakin.

" Allistaire, Allistaire. Wag kang maiinlove sakanya. "

" Teka? Tama ba ko ng intindi sa naisip ko? Hindi. Hindi pwede. Magkaibigan lang kayo. Kung ano man yung nakikita mo sakanya at pinapakita niya sayong kabaitan ay wag mong bigyan ng malisya. Okay? Masasaktan ka lang. "

Nang sabihin ko yun sa harap ng salamin sa loob ng banyo habang nakatapis ako ng tuwalya ay bigla nalang akong napahinga ng malalim.

" Wala naman akong gusto sayo. Pero bakit parang tinatamaan ako sayo?"

Napailing nalang ako saka ako nagbihis. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko yung dalawa na naghihikab pa. Halatang antok na antok.

" Kumain na kayo? " tanong ko sakanila.

" Hindi pa." sabay na sabi nila kaya ngumiti nalang ako sakanila.
Nagkatinginan silang dalawa na wari mo'y takang taka pa.

Oo na.

Ako na may ibang kinikilos. Di ko rin alam ang ibig sabihin nito pero excited akong makita si Marvs.

Katulad ng nabanggit ko nung nakaraan, marami kaming napag-usapan ni Marvs. Madami siyang naikwento sakin tungkol sa buhay niya at ako rin naman sakanya.

Pero, syempre may mga sikreto akong dapat ilihim sakanya at alam ko maging siya mayroon din namang sikretong tinatago.

Gusto kong i'open yung about kay Ae kaso natatakot akong tarayan niya ulit. Ngayon na nga lang kami naging okay e.

Medyo awkward lang yung senaryo pero masaya. Kasi yung dating inis na inis sakin ngayon kaibigan ko na talaga.

" Akala ko pa naman, yayayain mo kaming mag-almusal. Hindi naman pala! Buraot!" sita sakin ni Neil habang sakay kami pare-parehas ng sariling mga motor namin.

" Pagbigyan niyo na ko. Ililibre ko kayo bukas."

" Okay. Naiintindihan ka naman namin kasi inlove ka. Aminin mo man o hindi alam naming inlove ka. "

" Anong inlove ka dyan? Gago ka ba?"

" Ikaw na rin ang may sabi na mahal pa rin niya si Ae. Wag kang masyadong mahulog gayong alam mong hindi siya handang saluhin ka." malamig na sabi ni Neil tapos pinaharurot yung motor niya.

' Anyare dun? '

" Nag-aalala lang un sayo. Wag mong pansinin. Tara!" Si Thea at hinarurot niya na rin yung motor niya.

Wala naman gaanong sasakyang dumadaan ngayon dahil maaga pa, kaya hinarurot ko na rin yung motor ko pero sa safe na paraan naman kahit papaano.

Nang marating ko ang village ay nakita kong nakahinto yung dalawa sa labas hinihintay ako.
Niyaya ko sila at sumunod naman agad sila sakin.
Kilala na ko nung guard kaya kahit walang sticker pinapasok na niya kami.

Pagkadating ko doon ay si Marvs agad ang nakita ko. May dalang malaking backback at kausap niya si Rex.

Hindi ko tuloy maiwasang mangiti.

' Para kong tanga. '

" Oh ayan na pala sila." Rinig kong sabi ni Marvs na nakatingin samin.
Bumaba ako sa motor at lumapit ako sakanila.

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon