Outdoor

133 7 3
                                    

 

 

Start your day and end it with a smile.

Habang binabasa ko ang quotes na nasa bulletin board ng club namin, dinig na dinig ko rin naman ang mga boses ng mga studyanteng nag sisigawan at nagkukwentuhan.

“LANGYA!! KINUHA MO NA NAMAN YUNG NAPKIN KO!!!” Sigaw ng isa sa mga babaeng kanina pa paikot ikot.

“Anong napkin? Saang napkin? Hahaha yung gitapon ko sa ulo ng teacher natin na kalbo?” Habang tumatawa pinapalo pa niya ang katabi niya na kanina pa mukhang nasasaktan.

Anong klaseng topic ba yung pinag uusapan nila, diba pwedeng I private, hahaha mga babaeng to talaga.

“Hoy! Des tinititigan mo na naman yang quote na yan.” Bigla nalang may bumatok sa akin na naging dahilan kaya napalingon ako.

Why did you batok me!” –ako

“Hahaha anong nangyari sayo? Bakit nakangiti ka ng ganyan?” Tumatawa siya habang hinahawakan ang tiyan.

Langya tong babaeng to, pinagtatawanan ako!

“Ikaw Rayne! Why you laughing! Hindi me clown!” Hindi parin siya humihinto sa pagtawa.

“Hahahahahaha anong klaseng ngiti yan! Ang weird!” ngiti ko? Anong problema sa ngiti ko.

“Ano kaba! Binasa ko yung quote, ang sabi start your day and end it with a smile kaya nakasmile ako, maganda ba?” itong taong to! Kung tumawa parang walang bukas.

“Hahaha oo na! hahaha halika na nga para kang timang!”

 

Naglalakad lang kami habang kumakain ng hotdog. Kwento lang ng kwento si Rayne habang sinusubo ang hotdog niya.

“HOY!! BAKIT NIYO KINAKAIN YANG HOTDOG KO!” Bigla nalang may sumigaw mula sa likod namin.

Langya! Ang daring! Este ang bastos nun ah.

Lumingon kami at kitang kita namin ang isang baklang hanggang tenga na ang ngiti.

“Kinakain niyo yang hotdog ko ah!” Tumawa siya bigla saka lumapit sa amin.

“Ikaw! Hahaha yuck Kristopher ang bastos mo!” –Rayne

“Iwww! Who’s Kristopher!” Ang arte talaga ng baklang to, hahahaha wag kayong magsusumbong ha? Joke lang kaibigan din naming si Kristopher.

“Pa iww iww pa to, yun naman totoo mong pangalan.” Nag bleeh lang si Rayne sa kanya.

“Rayne, don’t call me Kristopher! Call me Kristy!” Bulong niya kay Rayne, pero sadyang ang lakas lang talaga ng boses niya kaya narinig ko.

“Hahaha Kristy! Hi Kristy! Kamusta ka!” Bigla nalang may sumulpot na aswang este babae sa harap naming.

“Nel! You’re here! You’re my kakampi! She’s bullying me!” Tinuro lang niya si Rayne habang parang bata kung makakapit kay Nel.

“Hahaha Kristy it’s okay, we’ll going to kill her later.” Hahaha ang mga taong to talaga.

“Tama na nga yan! Pumasok na tayo sa room, malapit na klase natin.” Pag aayaya ko sa kanila ng bigla akong nakatapak ng YUCK! Tae ng… what is this! Kalabaw?!

OutdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon