Sino ka ba?

42 0 0
                                    

"Anong oras na?"

"Sampung minuto ka ng late, ate"

"Ano!?"

Unang araw ng pasukan, isang maaraw na miyerkules at mukang malalate pa ako sa unang subject ko. Hindi ko alam kung bakit pinag tiyagaan ko pang panoorin yung pelikula sa TV kagabi, ngayon tuloy ay puyat ako.

" Chance Alonzo, 16 years old. Nice to meet you all" paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang tumatakbo. Sinusubukang ibahin ang style ng pananalita, ano ba ang magandang pag introduce ng sarili mo sa klase? Sa totoo lang, Ayaw ko ng magpakilala sa klase. Kilala naman nila ako bilang addict sa mga asianovelas na wala akong pinapalampas. Sigurado, aasarin nanaman ako dahil doon.

Teka, Hindi ko papala tapos kainin itong pandesal na kinagat ko nalang sa pagmamadali. Isinisisi ko to sa walang ka kwentang kwentang pelikula kagabi na pinagbibidahan ng paborito kong artista, si Max Oliver!

Kung Hindi lang guwapo si Max, Hindi ko na pinanood yung movie na yun. Non sense ang plot, sinayang lang nila ang talent fee ni Max. At alam niyo ba kung ano ang nasa sayang? Yung oras ko, sa kakaisip ko sa pelikula kagabi, nagkamali ako ng dinaanan papuntang eskwela.

Nakikita ko na, alam kong malapit na ako sa Winter City High, konting mga hakbang nalang at nakita ko itong isang lalake na nakatingin sa kawalan. Ano ang tinitignan niya? Bakit nasa gitna siya ng kalsada?

Ang una kong napansin any ang kayang mapulang buhok. Parang Rosas. Buti pa siya, may kulay ang buhok, for sure Hindi Taga sa school namin yan dahil basal ang may kulay ang buhok. Saka ang weird ng pananamit niya, parang taga ibang planeta, walang taste. Papalapit ako ng papalapit nung mapansin ko na may hawig siya sa paborito kong artista na si Max!

Maliban sa buhok at saka sa weird taste niya sa fashion, halos magkamukang magkamuka sila, at sa sobrang kasabikan ko ay napasigaw ako ng " Max!!!" At papatawid na sana ako ng biglang..

"Vroom!!!"

May humaharurot na isang truck! Agad akong napasigaw dahil mukang nasagasaan ang lalakeng nakita ko. Sumalpok ang truck sa isang poste at biglaang nagdag saan ang mga malapit na tao sa nag crash na truck. Lahat sila nakatingin at naki usosyo sa aksidente, habang ako ay abala sa paghahanap ng lalake na nakatayo sa gitna ng kalye.

Alam ko, alam kong nakatayo lang siya dun. At Hindi siya gumagalaw, kahit na nung papalapit na ang truck ay Hindi siya kumibo, Hindi siya gumalaw mula sa pagkakatayo niya. Nakita ng dalawang Mata ko na Hindi siya gumalaw habang nakatitig lang sa langit.

Langit?

''Aaaah!" Napasigaw ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin pero nakita ko siya! Nakita ko ang lalakeng iyon na nakalutang sa ere! Hindi na ako na ka pagsalita at mukang wala namang nakarinig ng pag sigaw ko, at natulala nalang ako sa nakita ko.

Isang lalake na lumulutang, mga fifteen feet from the ground, no, mas mataas pa. Nakatitig pa din siya sa langit, pero ngayon napansin niya ako at tumitig sa akin. Kulay pula din ang kanyang mata, at sa isang iglap any bigla siyang nawala.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko ng mga ilan pang minuto. Shocked. Amazed. Curious. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Lumingon ako sa paligig ngunit lahat ng tao ay nasa crash site. It took me a while bago ko na realize na sobrang huli na pala ako sa klase!

Sobrang late na ako nakarating, recess na ang inabutan ko. Pagkatapos ng katakot takot na paalala mula sa adviser namin na si Miss Angeline, makakakain na din ako ng maayos. Agad agad akong pumunta sa canteen kung saan nandoon ang mga kaibigan kong si Ada at Patrice.

''Naloloka ka na ba girl?"

''Huh?! Siyempre Hindi no!" Ang sabi ko pag ka tapos kong ikwento ang mga nakita ko.

''Sis, natatakot ako sa iyo'' sabi ni Ada.

''Gutom lang yang si Chance'' sabi ni Patrice.

''First of all , sabi mo kamuka siya ni Max Oliver, impossible yun. Kasi 100 percent sure ako na unique ang muka ni Max" dagdag ni Patrice.

"Pangalawa, Anong pakulo yung nakatayo ka lang sa gitna ng kalsada tapos nakatingin sa langit? Hello, ano yun gusto ng sunduin ng mga alien?"

"At ang pangatlo at Hindi kapani paniwala sa lahat, LUMILIPAD yung Lalakeng nakita mo! Reality check girl , tao tayo Hindi ibon!" Patuloy sa pagsasalita si Patrice tungkol sa naikwento ko. Pero sigurado ako sa nakita ko. Sigurado akong totoo kong nakita ang lalakeng kahawig ni Max na lumulutang sa ere. At alam kong Hindi yun ilusyon o dala ng gutom. Unless may pinahid na expired peanut butter ang kapatid kong si Jiro sa pandesal ko, then baka naghahallucinate lang ako.

''Uhm, nakita niyo na ba yung bagong commercial ni Max?"

Biglang sinabi ni Ada. At inbuos namin ang remaining time ng recess na nagkkwentuhan tungkol sa paborito naming artista.

Uwian na. Pag ka tapos ng apat pang oras, sa wakas uwian na. Maagang umalis si Patrice at sinundo na ng driver nila si Ada. Naiwan akong nagiisa pauwi at iniisip pa din ang mga nangyari kaninang umaga.

''Meooow"

Meow? Pusa iyon ah, sa gitna ng kalsada. Mukang nabalian ng buto at Hindi makalakad. Bigla akong tumakbo papunta sa pusa pero Hindi ko na napansin ang paparating na kotse. Pagkakuha na pagkakuha ko sa pusa, head lights nalang ang huli kong nakita bago ako mapapapikit at sumigaw ng malakas.

Alam kong katapusan ko na.

''Huh? Patay na ba ako? Bakit ganito padin ang lugar? Akala ko ba puro ulap ang langit? At bakit parang lumulutang ako?"

Naramdaman kong hawak hawak ako sa bewang ng isang lalake na kulay pula ang buhok at pula ang mga mata. Hawak hawak ko pa din ang pusang nailigtas ko, at habang nakatitig ako sa kayang mga mata, unti unti kaming bumababa mula sa ere.

Siya yun. Siya yung lalakeng nakita ko Kanina. Pag ka baba namin sa lupa, ay dahan dahan niya akong nilapag. Nakatitig pa din siya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya.

''Salamat''

Salamat ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi siya umiimik, at tumingin uli sa mga ulap. Tumalikod siya at nagsimula ng umalis papalayo.

''Sandali!!"

Agad ko siyang hinabol habang dala ko ang pusa. Sumisigaw ako na tumigil siya sa pag lakad at mag usap kami, may mga gusto akong itanong. Yung mga nangyari Kanina, yung nangyari ngayon, Anong Meron? Naguguluhan ako.

Napatakbo na ako at hinablot ko ang braso niya.

''Siguro niligtas mo ang buhay ko, at nagpapasalamat ako dun, pero ano Hindi ka ba magsasalita kahit isang salita man lang?! So akala mo dahil nagpakulay ka ng buhok at nakakalipad ka, gwapo ka na? Cool ka na? Di mo man lang ako papansinin? Sino ka ba ha?"

''Isa akong Prinsipe''

Ito lang ang sinabi niya habang ako ay walang maisagot at napatulala ulit sa pula niyang mata. Uli, sa isang iglap any lumipad siya, papalayo hanggang naglaho sa kalayuan.

''Sino ka ba..."

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sino ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon