12 Christmas

4 1 0
                                    

~*~

12 Christmas, the exact description on how many years we've known each other, Kyle.

It's like it happened yesterday sa sobrang fresh ng memories na yun sa isip ko.

On our first Christmas, that was when you saw me crying sa isang isolated playground. I remember our conversations back then.

~Flashback~

"Hahaha! Iyakin!"

"Huwaaa! Isusumbong kita kay yaya! Niaaway mo ako!"

"Iyakin na nga, sumbungera pa."

"Huwaaa!"

"Huy, iyakin, huy."

"Tse! Kaaway kita!"

"Sorry na. Anong pangalan mo pala?"

"Ayoko ngang sabihin, ikaw muna."

"I'm Kyle, 10 yrs. old. Ikaw?"

"I'm Sandra. Magkasing edad lang tayo."

"Yiie, ngumiti na rin siya."

"Ikaw kasi eh."

"Hahaha. Bakit ka nandito? Diba Christmas ngayon?"

"Ayoko ngang sabihin. Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Ayoko ring sabihin eh."

"Parehas pala tayo."

"May naisip ako."

"Ano naman yun?"

"Tuwing Christmas, magkita tayo dito. Hindi ko naman kasi alam kung saan ka nakatira eh."

"Sige, gusto ko yan!"

~End of Flashback~

I smiled. Simula nung paskong yun, nagtuluy-tuloy ang pagkikita natin, although tuwing pasko nga lang.

Nung third Christmas naman natin akala ko hindi kita makikita pero nagtago ka lang pala. Tinakpan mo pa nga yung mata ko nun eh.

~Flashback~

Nandito ako ngayon sa same playground na pinuntahan ko last Christmas pero hindi ko siya makita. Nasan na kaya yun?

"Kyaaah!" Napasigaw ako nung bigla na lang may isang pares ng kamay na tumakip sa mata ko.

"Kyle, ikaw ba yan?"

"Hahaha!"

Tinapik-tapik ko yung kamay mo.

"Kyle! Tanggalin mo na ang kamay mo sa mga mata ko."

Tinanggal mo nga yung kamay mo pero nagulat ako nung pagkaharap ko sayo ay may pinakita kang box sakin na parang mamahalin.

12 ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon