Prologue

17.2K 243 11
                                    

"FRIENDSHIP rings and friendship vows?" tanong ng labinlimang taong gulang na si Sugar sa tatlo niyang kaibigan na sina Pepper, Lemon, at Ginger. Kasalukuyan silang nasa bahay nila para sa monthly sleepover nila.

Ayon kay Ginger, may "special agenda" raw silang pag-uusapan at gagawin sa gabing iyon. May dalang customized na mga singsing si Pepper na ipinagawa pa nito sa family jeweler ng mga ito na nakabase sa China. Ayon dito, iyon ang magiging simbolo ng pagkakaibigan nila. Mukhang nauna nang nag-usap sina Pepper at Ginger dahil handa rin si Ginger sa pagtitipon. May dala kasi itong kandila na sisindihan nila kapag sinabi na nila ang friendship vows nila.

"Lahat ng magkakaibigan, meron nito. These rings and vows will symbolize our friendship. These would serve as a reminder that wherever we go, we're always going to be of help to each other," sabi ni Pepper.

Magkokolehiyo na kasi sila, ibig sabihin niyon ay magkakahiwa-hiwalay na sila. Sina Ginger at Pepper ay sa ibang bansa mag-aaral. Magkikita pa rin siguro sila ni Lemon ngunit hindi na iyon kasindalas katulad nang mga sandaling iyon dahil magkaibang eskuwelahan na ang papasukan nila. Sa isang culinary school kasi niya napagpasyahang mag-aral habang si Lemon naman ay sa Princeville University mag-aaral.

"Game na!" excited na sabi ni Lemon.

Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod sa gusto ng mga ito. Wala namang mawawala kung gagawin nila iyon. Isa pa, sa tingin niya ay makakatulong iyon para lalong tumibay ang pagkakaibigan nila.

Iniabot ni Ginger sa kanila ang mga kandila. Pagkatapos niyon ay si Pepper naman ang nag-abot ng mga singsing sa kanila. Nagsimula na sila pagkatapos nilang sindihan ang mga kandilang hawak.

"Since ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to, ikaw ang mauna, Pepper," utos ni Ginger dito.

"Ikaw na muna, since ikaw ang madaldal dito," kontra dito ni Pepper.

"Gano'n? Madaldal ka rin naman, ah," sagot ni Ginger.

"Fine! Ako na muna," sabi niya. "Game?"

Hawak ang mga kandilang may sindi at mga singsing ay nagsimula silang magsabi ng friendship vow nila sa isa't isa.

"I vow to treasure, love, care for, and support each of you forever," sabi niya, saka tiningnan si Lemon.

"Fine. I vow to always be here for the three of you," sabi ni Lemon.

"'Yon lang? Ang ikli naman," reklamo ni Ginger dito.

"Ano ba'ng gusto mo? Kuwento?" sikmat dito ni Lemon.

"Dagdagan mo naman kahit kaunti. Parang wala lang kami para sa 'yo niyan, eh," kunwari ay nagtatampong sabi ni Ginger.

"Oo na," paingos na sabi ni Lemon dito, saka nagpatuloy. "I vow to never let go of the friendship we have, through thick and thin, for better or for worse." Pagkatapos nitong magsalita ay tiningnan nito si Ginger.

"I vow to never be envious of or to take what belongs to a friend. To never lie or cheat to any of you," pangako ni Ginger.

"Ano'ng ibig sabihin mo n'on?" tanong ni Sugar sa kaibigan.

"Alin? 'Yong 'never lie or cheat'? Lying comes with cheating. So if you lie, you eventually cheat on our friendship. 'Yong 'never take what belongs to a friend,' applicable iyon sa lahat ng aspeto, be it a thing, an opportunity, or people," paliwanag ni Ginger. Awtomatikong naiikot nilang tatlo ang mga mata nila ngunit sumang-ayon sila sa sinabi nito.

"I vow from this day forward, to always remember you and keep in touch with each of you. That no walls can tear our friendship apart, be it water, land, or problems," sabi ni Pepper.

Huminga siya nang malalim at saka hinipan ang sindi ng kandilang hawak. Nagsisunuran na rin ang mga kaibigan niya sa kanya. Pagkatapos niyon ay isinuot na nila ang kanya-kanyang two-in-one ring na ibinigay ni Pepper sa kanila.

"Oh, wait. May kaukulang parusa ang hindi susunod sa napag-usapan," pahabol ni Ginger.

"May vows ba talaga na may parusa? Hindi naman 'to rules and regulations, ah," kontra dito ni Lemon.

"What I mean is, may consequence ang hindi susunod," paliwanag ni Ginger.

"What are you suggesting?" interesadong tanong ni Sugar.

"Kung sino man ang babali sa napag-usapan natin ngayon, may kailangang gawin ang taong iyon," sagot nito.

"Game ako diyan! European trip dapat, ha? Sagot niya ang lahat ng gagastusin ng tatlo. Kaya ingat tayo dito," nakangising sabi ni Sugar.

"Game!" pagsang-ayon ng tatlo niyang kaibigan. Matagal na nilang pangarap na makarating sa Europe pero hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataong makapunta roon kaya alam niyang sasang-ayon ang mga ito sa suhestiyon niya.

Maganda ang consequence na iyon para sa mga babali sa kasunduan nila. Nahiling din niyang wala sanang sumuway sa kanila.

"Oh, and one more thing," pahabol na sabi ni Pepper. "Kaya two-in-one ring ang kinuha ko dahil ang kapares ng mga singsing na 'yan ay ibibigay natin sa mga lalaking pipiliin nating mahalin at makasama habang-buhay."

Napangisisilang lahat dahil sa sinabi nito. All of them were excited about the future. 

---

Nagpa-poll ako dati sa Facebook group ko [Nikki Karenina's Sweetcorns] kung alin sa mga novels ko ang gusto nilang mabasa dito sa Wattpad. A Villain's Tale trilogy ang nanalo. Pero dahil hindi pa revised copy yong nasa'kin, hindi ko na muna tinuloy i-post yon. Kaya itong Twisted Tales (the whole series) ang ipo-post ko dito sa Wattpad. One chapter a day. 

P.S. Don't worry. I won't miss kasi tapos na siya. LOL

Twisted Tales Book 1: Going Past The LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon