A letter For HIM

27 5 5
                                    

A letter for him

Dear H,

Bakit ba H ang linagay ko? Uhm? Kasi naman word na HIM. Ngayon alam mo na? Alam mo ba nagsulat ako ngayon ng sulat. Para sayo?

Maraming hadlang saatin noon. Ayaw ng kaibigan ko. Ng magulang ko. Ng pamilya ko. Por que ba mahirap ka at may kaya kami ay ganun na yun? Na pera lang ang habol mo saakin? Na kailangan mo lang ang pera ko at hindi ang puso ko? Nasaktan ako. Pero hindi ako naniniwala sakanila. As long na kasama kita. As long na sinasabi mo na mahal mo ako. As long na katabi kita. Ikaw lang ang paniniwalaan ko.

Naalala ko pala yung mga katagang sinabi mo.

'Mahal kita. Kahit sino walang makakapaghadlang sating dalawa'

Abot langit ang tuwa at kilig ko sa mga oras na yun. Tuwang tuwa ako. At the same time kinikilig. Para sakin ako ang pinakamaswerte na babae sa mundong ito. Alam mo kung bakit? Dahil nakilala kita.

'Mahal kita kahit pa mamatay ako ikaw lang ang mahal ko'

Naalala mo yun? ako kasi tanda ko pa. Bawat katagang binibitawan mo tumatatak sa isip ko. Tumatak at mahirap nang mawala. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Napaka-sweet mo. Kaya nga hulog na hulog na ako sayo. Sayo lang ako. Ikaw rin ay akin.

Pero bakit hadlang ang pamilya ko sayo? Anong nagawa at ganun na lang ang sinasabi nila sayo. Manloloko, gold digger o ano pa yan. Nagalit ako sakanila. ano? Ganun ka na lang nila iinusultuhin? Tao ka rin nasasaktan. Nasasaktan sa bawat salitang binibitawan nila laban sayo.

Pero dumaan na ang araw.

Na ang kinakatakutan ko. Hindi ka nag paramdam. Hindi mo ako kinamusta. Nagaalala ako. Bakit? Bakit hindi ka nag text. Bakit wala ka ngayon sa tagpuan natin. Bakit hindi mo ako pinapansin?

Natakot ako...

Habang ang araw ay dumadaab lumalamig ka na sakin. Nawala ang mga katagang mahal mo ako. Wala na. Para bang isa na lang akong hangin sayo at hindi inaaksayan ng oras.

Dumating ka sa tagpuan natin. Dumating ka. Hawak mo ang box at binigay sakin. Ano toh? Pero excited kong binuksan ito. Hindi ko naman alam na ang laman pala nito. Yung mga bagay na pinaghirapan ko sayo. Yung mga regalo ko na kada buwan na binibigay ko sayo. Hindi ako humingi ng pera sa magulang ko dahil gusto ko paghirapan ko. Gaya ng pinaghirapan mo akong kunin.

'Hindi ko yan kailangan. Hindi pera ang kailangan ko. Hindi materyal na bagay ang kailangan. Kasi kung mahal mo ako. Kahit walang regalo basta mahal mo ako sapat na sakin yun. Bawat araw na dumadaan sinusumbat ng magulang mo ang pera na ginagamit pambili nito. Ayoko sa ganun. Ayoko. Alam mo kung bakit ako nakipaghiwalay sayo? Dahil sa kaibigan mo. Na halos araw araw kang himihingi ng pera para sa nanay ko. Para pang gamot niya. Yun ang nakakagalit. Ayoko na sitwasyon na ito. Ayoko na... '

Tumalikod ka at nagsimulang naglakad palayo saakin. Palayo sa puso ko. Isang pader na humaharang dito ay unti unti nanaman nabubuo. Nasaktan ako. Nasaktan rin ako. Pinaghirapan ko yung pera na yun. Hindi ako humingi ng pera sa iba. Nagtrabaho habang nagaaral. Hinabol kita nun. Binigay ko sayo ang sobre na sinweldo ko. Para sa nanay mo.

'Pinaghirapan ko ang pera na yan. Tanggapin mo yan. Hindi para sayo kundi sa nanay mo. Hindi dahil kinaawaan kita. Mahal kita kaya ko ginagawa yan. Kung iniisip mo yun nagkakamali ka. Patawarin mo ako'

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Pero tiningnan mo ako at hingis sakin ang perang pinaghirapan ko. Na para sayo. Galit ka at para bang gusto mo akong saktan. Ano nanaman ba ginawa ko? Nasaaktan kasi ako habang inaalala ang mga yun. Yun ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Tinalikuran mo ako at iniwan ako. Iniwan mo na ata ako. Hindi ka na ata babalik pa sa akin.

Alam mo ba ang ginawa ko? Umalis ako. Nagpakalayo layo ako. Pumunta ako ng ibang bansa hindi dahil para takasan ka. Para bigyan kang oras makapagisip isip. Nanatili akong ilang taon at bumalik ako para sana humingi ng tawad. May trabaho na ako. At nalaman ko rin na may trabaho ka na. Pumunta ako para magsimula ulit kasama ka.

Ilang beses ako nagpabalik balik sa lugar na kung saan tayo tumatambay. Kahit masasakit na ang nangyari dun sa lugar na yun. Hinintay kita. Nagbabakasali na makita kita. Susuko na sana ako at pakakawalan na kita. Sino pa ba ako? Kinalimutan mo na ako. Baka nga maganda na ang buhay mo.

Bumalik ako... Nakita kita. Nakangiti at tumatawa. Nandun ka sa swing kung saan rin tayo nakatambay. Nakatayo ako at minamasdan ka. Maraming nagbago sayo. Maraming marami. Nagmature ang mukha mo. Ibang iba ka na. Pati nga damit mo magara na. Nakabangon ka na mahal ko. Naka bangon ka na. Nakangiti lang ako habang nakatingin sayo... Sainyo.

Kahit ang loob ko ay wasak na wasak na. Pero masaya parin ako nakikita na kitang nakangiti. Nakikita na kitang tumatawa. Nakikita na kitang masaya sa piling ng iba. Masakit man saakin pero kailangan kong tanggapin mahal ko.

Lalo na ngayon na may pamilya ka na...

Kasi hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko. Ikaw ang mamahalin ko hanggang sa kamatayan ko. Gaya ng sinabi mo. Pero mukhang nakalimutan mo na.

-Her

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letter for HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon