Ako si Cassey.
Sabi nila..isa raw akong salot. Isang pabigat sa lipunan.
Walang kwentang nilalang.
Buong buhay ko, nabuhay ako sa pagmamalupit ng mundo sa 'kin.
Minsan naitatanong ko na lang kung bakit pa nga ba ako nabubuhay? Ano pa ba'ng purpose ko sa mundong 'to? Hindi ba nga isa akong pabigat, isang salot, walang kwenta? Kaya bakit pa? Para saan pa? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat nang 'to?
Siguro napakasama kong tao no'ng past life ko kaya ito ang parusa ko ngayon.
Sawa na 'ko. Sawang-sawa na 'ko sa buhay ko. Gusto ko na lang maglaho na parang bula para matapos na ang lahat ng paghihirap ko.
Pero nagbago ang lahat nang aksidente akong makapasok sa isang mundo.
Sa isang mundong sa panaginip ko lang noon nakikita.
Sa isang kakaibang mundo kung saan ibang-iba sa totoong mundong gina-galawan ko.
Ang mundo ng mga kakaibang nilalang. Ang mundo na tanging tumanggap sa 'kin. Ang mundong nagparamdam sa 'kin na may kwenta ako at hindi ako isang salot o pabigat.
Ang mundong nababalot ng misteryo at mahika.
Ang...Parcean.
---------------------
Note: Hi there! This is my second story. This is my first to write a Fantasy genre. This story is inspired by a movie, Narnia and one of my favorite anime which is Fushigi Yugi. I hope you'll like this. Enjoy reading! 😉This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved.
BINABASA MO ANG
Parcean: World Of Fantasy [UNDER REVISION]
FantasyHer name is Cassey Elaine Chavez. A girl who has been bullied by her schoolmates. But by an accident, her life changed. She accidentally entered the world of fantasy. Is it really an accident or a fate? Started: December 26, 2017 Finished: June 25...