HEARTBREAK GIRL

0 0 0
                                    


"Heartbreak is the worst
pain anyone could ever
experience."

______

PROLOGUE:

-3 years ago-

"Magbreak na tayo, Max."sabi ni Chad sakin.

Napaatras ako sa kinatatayuan ko at tumawa, "Ha. Ha. Ha. Ha. Ikaw talaga, mapagbiro ka!"

"I'm serious, Max. Magbreak na tayo."

"P-pero ba-bakit? Di mo na ba ko mahal?"

"I'm sorry."

Hinawakan niya kamay ko at tsaka hinalikan ang mga yun bago niya ulit ito binitawan, "I'm sorry."ulit niya pa tsaka siya tumalikod sakin.

Bigla na lang tumulo ang luha ko ng unti-unti na siyang lumalayo sakin. Gusto ko siyang pigilan pero di gumagalaw ang paa ko. Gusto ko sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Panaginip lang lahat to diba? O, baka isa lang tong malaking joke. Bakit naman kasi ako iiwan ni Chad, diba? Mahal niya ko o baka akala ko lang mahal niya ako but the truth is, hindi naman.

Pati ang langit, nakikisama rin sa bigat ng loob ko. Umulan ng malakas at kasabay nun ang pagkawala na ng tuluyan ng taong nagsilbing payong sa buhay ko. Sana panaginip na lang ang lahat.

HEARTBREAK GIRLWhere stories live. Discover now