Kape Gusto Mo ?

77 4 2
                                    

*PROLOGUE*

---

Naglalakad ako sa isang park nang bigla akong lapitan ni Richard. Bigla niya akong niyakap nang napakahigpit.. Nang kumalas siya, nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis.. sabay sabing "Mahal kita. Tandaan mo yan."

Hinawakan at hinaplos niya ang aking mga pisngi... Sinuklay-suklay niya pa ang buhok ko gamit ang mga daliri niya... Nang bigla niya akong binatok- batukan sa ulo.

"Aray!", sa bi ko. Pero tinawanan niya lang ako at patuloy pa rin sa pagbatok..

"RICHARD! ANO BA EH!? MASDAKIT SABI EH!!"

Bigla akong napabangon.

Panaginip lang pala yon.

Wala na nga palang kami. Kaya imposible nang mangyari pa yun.

Ipinagpalit niya na kasi ako sa malanding yon! Arrrrggg! Naalala ko nanaman yung sakit na naramdaman ko nung nakipaghiwalay siya sa akin. Ansakit. Ansakit, sobra. TTT___TTT

*TOK! TOK! TOK! TOK! *

Siya nanaman yan. Tss.

Nambubulabog nanaman! Umagang-umaga. Sinira na nga niya ang puso at araw ko kahapon, pati ba naman ngayon?!

*TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!*

"Hoy Richard! Pwede ba?! Tigilan mo na ako! Hindi na kita papatawarin pa kaya umalis ka na!", sigaw  ko. Pero...

*TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! *

Mas lalo niya pang nilakasan ang pagkatok sa pintuan ng apartment ko.

*TOK! TOK! TOK! TOK! *

Bahala ka nga jan sa buhay mo. Tss. Di kitra papansinin! Makapagluto na nga at makakain na!

Nagluto ako ng bacon and eggs. Nag-toast din ako ng sampung tinapay at nagtimpla ako ng mainit na chocolate coffee, ang paborito kong inumin lalo na pag depressed at stressed ako.

Ang bango.. Hmmm... Nakakarefresh ng isip..

Iinumin ko na sana nang biglang...

*TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! *

"AAAHHH!!! Ang init! Ang init! ang init!!"

Natapon yung kape sakin dahil sa lakas ng katok niya!

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan yon nang pagalit.

Humanda ka Richard, sabi ko sa sarili ko.

Pagka  bukas ko ng pinto...

*SPLASH!!*

"ARAAAAYYYY!! ANG INIIIIIT MIIIIIIIIIIISSSS! ANG INIT!!! ANG INIIIIIIT!!!!!", sigaw nang lalaking nasa harapan ko ngayon.

O___O

Napatunganga ako sa kanya. Hindi ko akalain na hindi si richard ang kaharap ko. Wala akong masabi, wala rin akong maisip na gawin. Nanatili akong nakatayo at nakabukas ang bibig. Pareho kaming napako at naging estatwa.

( O _ O ) - siya

( o _ O ) - ako

(  0 ____ 0 ) - siya

( o ___ O ) ?? - ako

( O _ O ) !!! - siya

( o _ < ) ( > _ o ) ( > __ < ) ( > _ > ) ( < _ < ) ( >______ < ); - ako

"Ughh... Ahmm... K-ka-kape ? G-gus-to m-mo ?"

*BLAG!*

Sabi ko at agad na tumalikod at isinara ang pinto.

NAKAKAHIYA! Sobrang nakakahiya ang ginawa ko! Waaah! Nasan ang manners mo Reena! Napaupo na lang ako sa sahig at sumandal sa pinto. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha kong tiyak na nangangamatis na dahil sa sobrang kahihiyan. Haaaay. Nakakahiya talaga! (__.__)""

WAAAAAHH!

---

Ano sa tingin niyo? Pasukan na eh, kaya nag-upload ako. : ))

Vote and Comment ho kung dapat ko pa bang ituloy o hindi. Thankissshhh ! ;*

P.S. May mga Korean pala dito sa likod ko. Haha. Ang ganda nung babaeng kasama nila. Nagngitian kami kanina. Wee! : D

- Shon <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kape Gusto Mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon