Chapter 33.1:Behind this feelings is you
Saturday.
Nakaupo ako dito sa may harapan ng bahay namin dahil wala naman kahit anong assignments na binigay this week.Hindi naman ako makapunta sa may mini garden dahil medyo umuulan at napakalamig...
Tahimik lang akong nakaupo dito,pinagmamasdan ko yung mga puno na nagsasayawan at yung mga kawawang ibon na nilalamig at di makalipad ..
Okay!Di na ako magsasabi ng mga nonsense..Oo nageemote ako ngayon dito,lalo na't tulog mantika pa si Ace kahit na 10:00 mahigit na.Masarap daw kasung matulog kapag ganito yung panahon.
Pero ngayon kahit yung panahon may naaalala ako.
Flashback Conversation ...
Nakaupo ako dito sa may duyan,at nakapanglamig,ayokong pumasok sa loob ng bahay ,kahit sa totoo lang naninigas na ako sa ginaw dito,alam niyo kung bakit?..Kasi malakas signal ngayon dito at kachat ko si Calvin..
Kapag kachat ko kasi siya parang ayokong bumabagal yung connection kasi natatakot ako na baka hindi na naman siya makapagreply,maswerte na ako kapag mabilis siyang magreply..
"Kuyaa ,maganda po ba yung crush niyo?Hahaha"send.
*Smiling but tearing apart inside*
"Sakto lang "---Calvin.
*smiling bitterly*dun pa lang talo na ako,aaminin ko ang mayroon lang naman ako ,masipag mag-aral,oo mabait din ako.Haha.Kaya kung maganda yung crush niya at mabait pa,e papatapon na ako sa ibang planeta.. :(
"Yuneehh,ako nga yung crush ko parang panahon lang ngayon e .haha"send
"Ha bakit naman po"---Calvin
"Sobrang cool"send .
Oo sobrang cool mo ,kaya nafreeze na yung tibok ng puso ko sa iyo..
"Hahahaha grabe"---Calvin.
End of Flashback..
Ang hirap din pala na naaalala ko padin siya sa bawat kaunting bagay..pagkakataon..at panahon..
***
Monday.Nagbibida lang yung adviser namin ngayon ng may biglang nagexcuse at inanounce na lahat daw ng senior ay kailangan pumunta sa gym,dahil parang may mga taga-church na magbibigay ng parang sermon sabihin na natin.
Tapos ito lumabas na kami ng classroom at pumunta dun sa gym ng school.Kami magkasama ni Maureen at si Camille at Rosielyn naman ang magkautuan ngayon.
Grabe ,nakakainspire naman yung mga sinasabi ng mga taga-church sa amin ngayon,actually mag-iisang oras na kami dito at may performance lang na ibabahagi yung mga taga-church at pwede nadin kaming bumalik sa room.
"Jayciel,balik na tayo sa room."sabi ni Maureen na kita na naman na init na init.
"Osige,tara na garod."sabi ko naman at dun kami dumaan sa may side ng faculty ng junior at guidance na side,na actually lagi ko naman talagang way,pero meron pa naman kasing isang way kung ayaw mo ditong dumaan,dun sa way ng building ng mga may special curriculum..
Malayo pa lang napahinto na ako,bad timing naman oh..Andun sa tapat ng guidance yung mga C section ,especially si Calvin na lalaki,bakit ba kasi hindi sila dun sa gym..
Nakita ko naman na napangiti si Maureen,habang ako kabang kaba,kahit pala iniiwasan ko na siya ng ilang linggo,ganito padin yung effect at impact niya sa akin.Nagagawa niya padin akong pakiligin ng ganito kahit wala siyang ginagawa,yung pagbilis ng tibok ng puso ko.He's still the reason behind all this feelings until now.
Iniwas ko nalang ang tingin ko at inisip na hindi ako mapapadaan dun,but mapaglaro talaga ako pagkakataon.
Saktong padaan namin dun sa tapat nila,medyo humarang sa daan si Calvin,kaya medyo nahirapan akong sumingit,parang ang tagal nga ng oras ng mga panahon na iyon,parang dumaan ako sa butas ng karayom.
Pagkalampas namin dun sa kung nasaan sila para akong nakahinga ng malalim.Medyo naiinis ako,pero weird dahil kinikilig din ako.
"Oy,Jayciel ayos ka lang?"tanong ni Maureen na napatingin sa akin habang naglalakad na kami patungo sa room.
"Ahm..Oo medyo nauuhaw lang ako,malapit naman na tayo sa room eh."sabi ko naman pero sa totoo lang ,pinagsisisihan kong bumalik na agad kami dito,edi sana hindi ko na naman naramdaman yung kilig na iyon.
Pagdating sa room,kung talagang pinagtritripan ka nga naman ni Tadhana at gusto ka talagang masaktan..Kasi naman po NAKALOCK pala yung room,so kailangan namin bumalik sa gym para kunin yung susi dun sa may hawak.
No choice ako,nasa kalagitnaan pa lang kami malapit sa guidance parang hindi na ako makalakad,gusto kong sabihin kay Maureen na sa isang way nalang kami dumaan,pero di ko masabi.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Teen Fiction"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...