Aljie's POV
"Aljie tara na!" Tawag sa sakin ni clark,ang nag iisang kaibigan ko.
"Kailangan ba talagang sumama pa ako?"tanong ko sa kanya.paano ba naman kasi sinasama nya 'ko sa party'ng gaganapin mamaya sa Elixea Bar,party daw para sa mga estudyante dahil sa katatapos lang ng exam namin kanina.
"Ienjoy mo naman pagiging teen ager mo pre,kahit ngayong araw lang mag saya ka kasi tapos na ang exam hindi ka na magre review,wala na tayong poproblemahin"sabi nya,medyo napa isip din ako sa sinabi nya,tama nga't wala na kaming poproblemahin pa dahil tapos na ang exam pero never pa ako nakapag walwal na mag bar at mag inom ng alcoholic drinks.
"Iisipin ko pa clark"sabi ko sa kanya sabay upo ko sa couch at nagbasa ng paborito kong aklat ni Shakespeare.
"Aljie naman! kahit isang araw man lang sana bitawan mo yang mga aklat na yan at mag saya,I mean yung makipag communicate sa iba makipag tawanan sa mga chixx"sabi nya habang inaayos ko ang makapal na salamin ko sa mata,alam ko kung bakit nagkakaganyan sya kasi kapag hindi ako sumama hindi sya makakapunta dahil sabi ng dad nya na hindi sya pupunta doon kapag hindi din ako pupunta.
"Oo na clark pupunta na tayo just give me a minute of silence"sabi ko sa kanya tsaka naman nagliwanag ang mga mata nya na parang bata
"Yess!! Mag aayos muna ako puntahan nalang kita dito mamaya,8 pm ang start ng party mga 7:30 kita susunduin dito maghanda ka na"sabi nya sabay sarado sa pintuan ng kwarto ko ng may abot tengang ngiti.
6:33 na nang tinignan ko ang oras sa wrist watch ko naghanda na ako dahil baka pumunta na si clark dito maya maya.pagtapos ko mag ayos ay dumiretso na ako sa baba at hinintay ni clark,binuksan ko ang tv habang hinihintay si clark.
"Aljie okay ka na ba?Ano tara na pre?"tanong nya sa akin nung dumating sya syempre di maalis alis sa mukha nya ang napaka laking ngiti,to be honest may pagka womanizer yang clark na yan hindi ko din alam kung bakit naging magkaibigan kami nyan kahit na minsan ay magkaiba ang mga gusto nya sa gusto ko.
Tumango lang ako sa kanya at tumungo na sa sasakyan namin at nagpahatid sa driver namin kahit na marunong na kaming magdrive ay bawal parin kaming magmaneho ng sasakyan dahil wala pa kami sa legal age namin.
Nang makarating kami sa Elixea bar ay dinig agad ang napaka lakas na music sa loob."Have fun tonight jie"sabi sakin ni clark habang tinatapik ang likod ko atsaka sya umalis at nanguha agad ng alcoholic drink sa counter.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon,dahil hindi naman ako pala party siguro iinom nalang din muna ako ngayon...ng ice tea,pumunta ako sa counter pag dating ko dun ay natanaw ko si Clark nasa table na ng maraming babae napa iling nalang ako.womanizer psh.
Napatingin ako sa babae at lalaking naglalambingan?pero sa tingin ko naglalandian na sila dahil sobrang harot nilang dalawa lalo na nung babae na sinusubukang halikan yung lalaki.
Habang umiinom ako ng Ice tea ay napa tingin naman ako sa isang babaeng nasa dance floor na pinapaligiran ng maraming lalaki at mukhang lasing na lasing na sya dahil sa mga kilos at galaw nya,Uminom ako ng ice tea at naglakad lakad sa loob ng bar.
Habang nag iikot ako dito sa bar ay may lumapit sa aking babae,Naka damit sya na halos ipinapakita na ang lahat ng balat sa kanyang katawan at nakasuot ng sobrang kapal na make up ang kanyang mukha."Hi, can we drink in my place?"tanong nya gamit ang mapang akit nyang boses at paghawak sa dibdib ko ng marahan na ikinilabot ng aking buong katawan.
"I...i don't do drink"sabi ko sa kanya sabay lakad palabas ng bar at nagpahangin saglit,kung hindi dahil sa pag pilit sa akin ni Clark dito ay malamang nasa kwarto ko lang ako ngayon at nagbabasa ng mga paborito kong aklat.
YOU ARE READING
Last Night(On Going)
Teen FictionMeet Aljie Caleb Flores,nerd na anak ng nagmamay ari ng isang sikat na paaralan,ang St.Brendan High School mayaman,gwapo at walang ginawa kung hindi mag aral ng mag aral.Ang buhay nya ay simple't tahimik nang isang gabi'y biglang dumating sa kanyang...