Prologue:
"Samantha!" Tawag niya sa akin. Tila wala siyang pakielam sa mga taong dumadaan dito sa soccer field ng school namin. Gusto niya atang gumawa ng eksena.
Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Ayoko na. Ayoko nang mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya kapag pinagpatuloy ko pa itong pagkakaibigan namin. Ayoko nang masaktan pa ng paulit-ulit. Nakakasawa na.
Nagulat nalang ako nang may biglang humablot ng braso ko.
"Samantha ano ba? May problema ba tayo? May nagawa ba akong mali sayo? Ano? Sabihin mo, ilang araw mo na ako iniiwasan e." May halong pagmamakaawang sabi niya.
"Wala.tayong.problema." mariing sabi ko sa kanya.
"Kung wala e,bakit mo ako iniiwasan?" tumaas na ang boses niya.
"Wala ka na dun!" Sabi ko sabay talikod.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay biglang nagsilabasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I can't see myself living without you, my bestfriend." Mahinang sabi niya sapat na para marinig ko.
Napatigil ako.
"Bestfriend lang ba talaga Ryle?" Sabi ko habang nakatalikod parin. Ayokong makita nya akong umiiyak. Hindi na dahil sa iba kundi dahil na sa kanya.
"Huh?" Nagtatakang tanong niya.
"Bestfriend lang ba talaga ako sayo? Hanggang bestfriend lang ba talaga ang kaya mong ibigay na pagmamahal sa akin?" Hindi ko na napigilan pa, tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha mula sa mga mata ko.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito? At saka bakit ka umiiyak?" Naguguluhang tanong niya.
Napapikit ako ng mariin. Nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya pero alam niya paring umiiyak ako. Siguro ay dahil iyon sa mga hikbi ko.
"Tanga kaba o manhid ka lang talaga? Hindi paba obvious? MAHAL KITA Ryle! Higit pa sa pagiging bestfriend mo!" Umiiyak na sabi ko. Pinipilit kong wag mautal habang sinasabi yun. Pinipilit kong wag humikbi habang binibitawan ko ang mga katagang iyon.
Sa wakas ay nasambit ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa wakas ay nasabi ko na sa kanyang mahal ko siya.
"Pero..."
Hindi ko na siya pinatapos.
"No need to speak Ryle. I already know your answer. Tanggap ko na. Hindi na ako umaasang ganun rin ang pagtingin mo para sakin. Nakakapagod na." Tila ba parang binabato ng karayom ang puso ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Muli akong humarap sa kanya at sinabi ang katagang...
"Goodbye my Bestfriend."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...