Only You (Courean Fan Fiction)

1.2K 19 7
                                    

A/N: Dahil mahal na mahal ko sina Chanel at Kean. Coureans Forever! Pero syempre ang ginawan ko lang ng part ay si Chanel. Pawang kabaliwan ko lang po ito dahil ayaw kong mawala ang Courean. Nakabatay ito sa last update ng 3W8L Book 2. Hindi ko po alam kung ano ang susunod na magyayari kaya I can tolerate naman harsh comments. Thanks for reading. :D

Chanel's POV

Mixed Emotions. Yan ang tanging naramdaman ko ng malaman ko na si Yohann at Kean ay iisa lang.

Hindi ko alam kung matutuwa, malulungkot o magagalit ako sa kanya.

Halos 1 year din yun! 1 year na pagdurusa at pagkalungkot na wala siya sa tabi ko.

Binago ko ang lahat mula nung akala ko namatay siya. I've been Elle.

Tapos ano! Sinayang ko yung mga oras na naging Elle ako.

All throughout. Akala ko wala na siya. Akala ko iniwan niya na ako.

Pero hindi! Ito lang pala siya. Malapit lang sa akin. Hindi lang nagpapakita.

Ano ba kasing problema ng mama ni Kean. Bakit ayaw niyang maging kami. Bakit niya pinaniwala na patay na si Kean?

Ang sakit lang eh! Mas masakit ito sa kesa sa naramdaman ko kay Gian.

Pero...

Bakit siya pa rin ang itinitibok ng puso ko kahit sinasabi kong may mahal na akong iba?

Kailangan kong gumawa ng paraan para maibalik siya. Hindi ko hahayaan na mapunta kami sa wala gayung alam ko na ang katotohanan.

Oo. Siguro naguguluhan kayo kung bakit ako nag-give up. Hindi ko kasi alam ang totoo. Hindi ko alam na grabe ang pagsasakripisyo niya para lang sa akin.

Alam kong nagmumukha na akong tanga dito dahil ako na ang maghahabol. Pero kasi mahal ko talaga siya eh. Iba yung pagmamahal ko para sa kanya.

Ibang iba kesa sa pagmamahal ko kina Gian, Dylan at Ck.

Kasi siya ang kauna-unahang lalaking nakagawa ng ganun para sa akin. Na kahit itinataboy ko na, paulit-ulit pa rin siyang lumalapit.

Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganyang pagmamahal.

Kaya lahat gagawin ko. Kahit isigaw ko pa sa buong mundo na mahal na mahal ko siya.

Alam kong sobrang sakit ng nagawa niya sa akin. Pero siya talaga ang sobrang nahihirapan.

Gusto kong akuin lahat ng sakit na naparamdam ko sa kanya.

Kaya kailangan kong mag-34 times na effort to get his attention back.

Ayaw ko ng maiwan ulit ng isang taong tunay na nagmamahal sa akin.

Alam kong selfish ako ngayon.

Huwag muna kayong mag-judge dahil siguro hindi matatapos ang kwento namin ng basta basta.

Tiwala lang kay Mareng Destiny. Tiwala lang.

Only You (Courean Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon