Magkakilala:

21 0 0
                                    

Tick Tock, Tick Tock, Tick tock

Nakakakaba, Nakakatakot. Hindi ko alam Pero bat Ganto ang nararamdaman ko. Siguro, Dahil hindi pa ako handa. Pero Ngayon pa ba? Kung Kailan nandito na? Tsaka pa ba ako Uurong?

No. Hindi Pwede kaya Ko To. Malalagpasan Ko To.

"Austy, Anak. Magsisix thirty na. Lumabas kana, Andiyan na sundo mo." Sambit ni Mama Laida sa akin.

"Ma, Hindi ba masyadong mahaba yung palda na nabili mo sa akin?" Sambit Ko. At Tumungo kay Mama, Kung saan naghahanda ng Pagkain ko, sa Kusina.

Bahagyang Ngumiti lang sa akin si mama, "Anukaba, Sa Tingin mo lang Yun. Maganda nga ang mahaba ang palda eh. O bilis na. Pumasok kana baka malate ka pa. First day Niyo pa mandin."

Lumapit ako kay mama, At Humalik ng mabilis sa Kaniyang Pisngi. Nginitian ko siya at sabing "Salamat Ma"

Sumakay na ako sa Tricycle, pagmamay ari ng Boyfriend ng Ate ko. Pinaharurot agad ni Kuya Alejandro ang sasakyan ng sa Ganun Makatungo agad kami ng Mabilis sa akin Papasukan na Eskwelahan. Walang Traffic, Kasi masyado pang maaga. Pero sabi nga nila, Daig pa ng batang maaga, Ang batang masipag.

"Austy, Dito ko nalang ikaw Ibaba. Didiretso na kasi ako sa amin eh." Sambit ni Kuya Alejandro. Bumaba na ako sa tricycle at Tumungo sa May Gate. Lumingon muna ako kay Kuya Alejandro.

"Salamat Kuya" At Nginitian naman niya ako. Sabay Pinaharurot ang Tricycle.

Tumungo na ako sa Gate, At masasabi kong tama nga sila, Napakalawak nitong School na To. Kumpara sa School ko noon, Siguro Wala pa sa 1/4 nito  ang school na pinapasukan ko dati.

Mabilis na ako naglakad, Kasabay ng maraming Estudyante. Sa pagkakaalam ko, 10,000 Ang nagaaral dito.

Nagtungo na ako sa Room ng Papasukan ko, May mga estudyante na kaya yumuko ako pagpasok. Tahimik lang sila. Yung Iba naguusap, Siguro magkakakilala na sila.

>Fast Forward<



Matapos ang ilang Buwan, Marami na akong nakakasundo. Halos lahat ng kaklase ko Kasundo ko na. Pati nga sa Isa pang Section kasundo ko na. By The way, Nabanggit ko na ba sa Inyo na nasa Isa akong Special Program? Oo, Tama kayo, Kumbaga, bukod kami sa regular Section.

Ang Section namin nahahati sa Dalawa, Ang Valiant At HighFalutin. Halo halo kami, Kaya Wala sa amin ang section A At B. Hetero Kumbaga.

Lagi kaming nagkakasamang dalwang Section, So Hindi Niyo makakaila sa akin na May makakaclose ako na mga Tao dun. And Dun ko na nga nakilala si Dyordan. Bestfriend ng Kaklase ko dati na si Cassy. Kaklase ko na kasi Si Cassy since Grade 1.

Nung una, Napagkakamalan ko sila na sila. Kasi The Way They Laugh, Mga Kilos nila. Sobrang Sweet, Nagkakagatan. As In Kung Hindi niyo sila kilala. Susko, pagkakamalan niyong magjowa.

Hindi Kami ganun Close ni Dyordan, Siya nga lang ang hindi ko kaClose eh. Kahit Halos nagkakasama Naman ang aming Section, Nagkakausap. Siguro, Pwede. Pero Siguro pangmabilisan lang. Siya kasi Yung Tipo ng Lalaki na Anlakas ng Dating. And Hahangaan mo Talaga ng Sobra.




Hanggang sa, Hindi ko alam, Pero naaattract Ako sa kaniya. Hindi ko lang siguro alam, Pero meron akong something na Hindi ko maexplain. Lalo na kapag naandiyan Presence niya. Siguro konti lang, Pero Attracted na talaga ako sa kaniya. Una palang.


And Hanggang sa Dumating na sa Point na naging magkaklase na Kami.

Simula Pa nung UnaWhere stories live. Discover now