Pansin ko mahal, ang saya mo yata.
Napapadalas ang pagngiti mo.
Tapos, mukhang ang sigla mo sa lahat ng bagay.
Mali ba na parang ayaw ko na makita kitang masaya?
Kasi, hindi naman normal sa'yo na masaya ka.
Lagi ka nga'ng nakasimangot e.
Dati naman, hindi ka madaldal.
Pero bakit bigla kang nag-iba?
Kinakabahan ako na ewan.
Gusto ko ng kasagutan sa mga tanong ko, pero natatakot naman ako na malaman ang sagot.
Siguro dahil baka hindi ko magustuhan ang malalaman ko?
O
Siguro, alam kong masasaktan na naman ako?
Masasaktan sa kadahilanang, natuto ka na umibig.
Maganda 'yan mahal, 'yong alam mo na ang salitang pag-ibig.
Pero mas maganda sana, kung sa akin mo malalaman ang ibigsabihin ng salitang 'yon.
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (COMPLETED)
PoesíaDamdaming ikinubli sa pamamagitan ng tula gamit ang kulay pulang pluma.