Chapter 14

265 14 2
                                    

Chapter

14

   Dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Ito na ang outing ng mga taong bumubuo sa Bon Appetit.

   “Oh naimpake niyo na ba lahat ng gamit na dadalihin niyo?” tanong ni Josephine.

   “Opo nay.” sagot ni Julia.

   “Magi-ingat kayo don ha. Ikaw Quen, ikaw ang lalaki kaya dapat ingatan mo si Julia.” bilin ni Josephine.

   “Opo naman tita.” tiyak ni Quen.

   “Gusto ko lang ipa-alala sa inyo na isang linggo na lang ang natitira sa inyo. Hindi ko na kayo bibigyan ng palugid. Wala na kong paki kung multuhin ka pa ni Mr. Elizalde Julia. Pinagbigyan ko na kayo.” banta ni Josephine.

   “Opo tita.” samo ni Quen.

   Tumingin si Julia sa orasan at napag-isipan nang oras na para umalis sila. “Sige nay, baka malate pa kami sa service eh.” paalam ni Julia.

   “Oh siya magi-ingat kayo ha.” paalala ni Josephine.

   Pumunta na sila Julia at Quen sa Bon Appetit at nakita na marami nang tao don at kitang-kita sa mga mukha ng taong iyon ang kasiyahan at kasabikan. May apat na van doon na magsisilbing service nila.

   Nakita ni Julia si Daniel at agad na tumakbo papunta sa kaibigan. Samantala, naiwan naman si Quen na magbi-bitbit ng kanilang bagahe.

   “Ui Julia teka!” sigaw ni Quen.

   Naka-sando si Daniel na puti at naka-shades na dilaw. “Oi Juls!” bati nito.

   “Naks, gwapo natin ahhh.” tukso ni Julia.

   Dumating na si Quen sa tabi nila. “Iniwan mo naman ako.” hingal na hingal na pagkasabi ni Quen.

   “Sorry na. Eh kasi naman ang cute ngayon ni Daniel eh.” samo ni Julia.

   “So ganon siya lang?” selos ni Quen.

   “Ayii ikaw Quen selos ka ha. Selos ka lang eh.” bara ni Julia.

   Hindi umimik si Quen. Tinignan ni Julia ang shades ni Daniel at nalamang ito ang shades na binigay niya dito noong high school pa sila. “Ui, buti na-preserve mo pa yan.”

   “Syempre naman.” sabi ni Daniel.

   Linabas ni Julia ang kanyang shades na kaparehas ng kay Daniel mula sa kanyang bag. “Oh ayan terno tayo!”

   Hindi pa din nagsa-salita si Quen na tila ay selos na selos na. “Eh di kayo na, kayo na talaga!” bulong ni Quen sa kanyang isip.

   Nagsakayan na ang mga tao sa van. Tinawag ni Isabel sila Julia. “Julia, sumabay na kayo sa van namin ija.” aya nito.

   Pumayag sila Julia at sumakay na silang lahat sa van.

   Kasabay sa van sila Adrian, Janet at si Lucas na walang imik sa mga nangyayari.

   “Lucas, is there a problem? You’ve been quiet these past few days.” pansin ni Isabel.

   “Nothing, nothing.” sagot ni Lucas.

   Tumingin sila Julia at Quen sa isa’t isa. Kinuwento na ni Quen kay Julia ang nalaman niya tungkol kay Lucas.

   “Kasi naman kung ayaw mong sumama sana hindi na. Wala namang pumilit sa yo eh.” sabat ni Janet.

   “By the way, nasan pala si Rupert?” taka ni Isabel.

   “Baka naman ayaw sumama.” sagot ni Adrian.

   Nakarating sila ng mabilis sa resort na pupuntahan nila dahil malapit lang naman ito.

   Nag-ayos muna sila ng kanilang mga gamit. Mayroon silang kanya-kanyang kwarto. Pinili nila Julia, Daniel at Quen na magsama-sama na lang sa isang kwarto.

   Pumunta na sila sa dagat at nag-bathing suit na si Julia. Natulala na naman sila Quen at Daniel. Naghubad na rin ng damit sila Quen at Daniel.

   Nag-swimming na si Julia pero nag-usap muna sila Quen at Daniel.

   “Hindi ka pa rin uma-amin kay Julia no? Alam mo binibigyan mo lang ako ng opportunity na maka-porma sa kanya. Bahala ka, ikaw din ang mawawalan.” paalala ni Daniel.

   Sumunod na si Daniel kay Julia at nag-umpisa nang maglaro ang dalawa. Pinili naman ni Quen na magpaka-layo layo muna.

   Bumalik siya sa van dahil may nakalimutan siyang gamit dito. Nakita niya ang isang kotse na dumating. Lumabas mula sa kotse si Rupert.

   “Mang Rupert?” taka ni Quen.

   “Oh... ikaw pala.” sabi ni Rupert na tila umi-iwas.

   “Inyo po yung kotse?” tanong ni Quen.

   “O...oo” sagot ni Rupert. “Si...sige mauuna na ko.”

   Umalis na si Rupert. Pilay pa din ang paglalakad nito simula noong isang araw.

   Kumain na si Quen at nagkita muli sila nila Julia. “Ui Quen, bat di ka pa nagsi-swimming?” tanong ni Julia.

   “Eh wala pa kong gana eh.” rason ni Quen.

   Kumuha na sila ng pagkain at pumunta sa kubo para kumain.

   “Daniel, kalian pa nagta-trabaho bilang janitor si Mang Rupert?” usisa ni Quen.

   “Ilang buwan pa lang.” sagot ni Daniel.

   “Bakit Quen?” pagtataka ni Julia.

   “Nakita ko kasi siyang may kotse kanina eh. Mukhang bagong bili.” bigay-alam ni Quen.

   “Baka naman pinag-ipunan or second hand lang.” sabi ni Julia.

   “Latest model yon ng BMW. Basta may wirdo lang talaga sa lalaking yon.” laban ni Quen. “Tapos pilay din siya ever since nung day after nung Halloween Party. Nakakapagtaka.”

   “Balikan nga natin yung mga alibi nila nung mamatay si Mr. Elizalde.” pasimula ni Julia.

   “Si Sir Lucas, nagma-madaling lumabas na natataranta tapos si Chef Janet naman hinahanap daw yung aso niya sa labas.” saad ni Quen.

   “Sila Chef Adrian at Ma’am Bel naman nasa mga opisina nila. Tapos si Mang Rupert galing sa basement kasi andun yung opisina niya diba?” patuloy ni Julia.

   “Pero yung bala nanggaling dun sa bintana sa tabi ng pintuan ni Mr. Elizalde diba?” singit ni Daniel.

   “Oo daw pero parang may mali dun sa mga bubog. Basta!” sambit ni Quen.

   “Tapos namatay naman si Mr. Smith.” banggit ni Daniel.

   “Siya yung outsider na pinaghinalaan natin. Pero posible naman na may iba pang outsider na nakapasok sa loob.” bigkas ni Julia.

   “Pero sino naman kaya ang may motibo na patayin silang dalawa?” mga salitang binitawan ni Quen.

   “Yun ang dapat nating alamin.” sabi ni Julia.

   “Pero onti na lang ang oras niyo.” paalala ni Daniel.

   “Kailangan na nating alamin ang buong katotohanan.” sambit ni Quen.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon