-Osang's POV-
"oh pano best may lakad pala kayo ni fafa Melvs so una na ko sayo ha! teka alam ba yan ni mhine?" -Teshia
"Oo na umalis kana alam ni kuya na may lakad kame ni Melvs may tiwala naman si kuya dun noh!" -ako
"Oo nga parang dati lang si Kev---- ahehehe sarreh ang daldal ko" naputol yung sasabihin nya kasi napansin nya sigurong napasimangot ako.
"Sus :) ok lang sige na alis na bye! baka malate ka pa sa date nyo ni kuya dadating na din yun si Melvin maya maya!" I force to fake a smile.
"osige na nga! text mo ko pag magkasama na kayo :) bye best" at tuluyan na nga pong umalis ang best friend ko.
May lakad kame ni Melvs sabi nya punta daw kame sa mall ee wala naman din akong gagawin sa bahay kaya pumayag na ko. Eerr about samin ni Melvin ayun he's courting me. Pero sabi nya di nya daw ako pipilitin na sagutin sya, pakiramdaman ko daw yung sarili ko ayaw nya daw na napipilitan lang ako ok na daw sa kanya na alam ko na mahal nya ko. Ang bait ni Melvin pero ayoko sya abusuhin at ayoko din sya saktan. Gusto ko na kalimutan si Kevin para matutunan ko ng mahalin si Melvin.
"Hoi ang lalim ng iniisip mo ha! Baka malunod na ko nan" sabi ni Melvin habang naka ngiti. Hay ewan ko ba sa sarili ko bakit ang hirap turuan ng puso kong mahalin sya ee sa totoo lang ang bait nya ang sweet, caring at gwapo din naman sya matangos ang ilong, medyo bilugan ang mata, ang puti, tapos yung lips nya shet mapula pa sa labi ko. Parang ang sarap ikiss>///////< ano ba tong sinasanbi ko. magaling din sa basketball yun nga lang di sya marunong kumanta pero bawi naman sa pagsayaw.
"Osang gising" bumalik ako sa katinuan ko ng makita ko si Melvin sa harap ko at hawak na ang balikat ko habang inaalog ako
"Eehh" namumula na ko swear nafi-feel ko yun ang init na ng muka ko dahil sa kahihiyan.
"May sakit ka ba? namumula ka! Gusto mo iuwi na kita wag na tayo mag mall" alalang tanong nya
"Ha! Hindi wala akong sakit! Tara na nga gusto ko manuod ng DNP the movie ee tagal ko kaya yun hinantay idol ko yung author nun ee si Denny" sabi ko at tumayo na buti nalang di nya nahalatang pi nag nanasaan ko ko sya.
"Ikaw talaga tinakot mo ko. So tara na? papanuodin naten yang movie na sinasabi mo" sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.
Nagpunta na kame ng mall sa motor nya kame sumakay ang saya nga ee. Na-inlove ata ako sa motor ni Melvin. hahaha sina mama kasi ayaw ako payagan mag motor delikado daw.
So ayun nanuod nga kame ng movie grabe tawa ako ng tawa ang kukit talaga ni Eya at Cross kaso parang may binago naman sa story pero ahh basta maganda pa din naman ee nakakakilig at nakakatuwa :)
"Haahaha grabe talaga noh! ang gusto ko sa lahat yung natamaan si Eya ng bola sa ulo tapos dinala sya ni chad sa clinic hahaha tapos biola nadapa sya at nakita ni cross hahaha anong ngang sabi ni cross. Bilis na gayahin mo si Cross, Melvin" kwento ko habang tawa ng tawa di ako makamove on sa DNP
"Ayoko nga!" agad tanggi ni Melvin. Tss ayaw nya gayahin si Cross.
"Ganun? Tss sige na nga bala ka" nag walk out ako pero syempre joke lang yun parang yun lang magtatampo agad ako.
Bumilang ako sa isip ko hanggang 5 tatawagin ako nan or hahabulin
one....
two...
three..
four.
fiv---- "Osang. Tss oo na gagawin ko na" kyaaah~ see hindi nya ko kaya tiisin.
BINABASA MO ANG
I Just Want To Be With You (on-going)
Teen FictionKaya mo bang tapusin ang buhay mo para makasama ang taong MAHAL MO? "Kung yun lang ang paraan para makasama ko sya, gagawin ko" -KEVIN