{One Shot} CLICK

120 7 0
                                    

Stella's POV

I'm Stella Cruz . 19 years old. Pangarap kong maging isang photographer, pero ayaw ng family ko. Sabi nila masyado daw mababa yun para sakin. Mayaman kasi kami, hindi nila matanggap na yun ang gusto ko. Ang parents ko nag-mamayari ng isang malaking kumpanya sa pilipinas.

Wala na naman silang magagawa e. Ito na ko. Isang photographer. Sikat naman ako kahit papano. Alam ng mga tao na anak ako ng nagmamay-ari ng malaking kumpanya sa pilipinas.

"Ms. pede po bang mag pa picture?" biglang sulpot ng lalaking to sa tabi ko.

jusko naman nakakagulat to. Bigla biglang lumilitaw!

"Uhm. okay sure. Ilan ba kayong mag papa picture?" sabi ko

"Lima lang kami"

"Okay. Sige punta na kayo dun sa studio. Susunod na ako" sabi ko

Kinuha ko lang yung ipit ko para hindi maka sagabal sa pag pipicture. Tapos sumunod na ko sa studio para ayusin yung mga gagamitin sa pag picture.

"SHOCKS" bulong ko sa isip ko

Pano ba naman kasi! Ang popogi ng pipicturan ko. Lima silang gwapong lalaki. Tapos ang lalaki pa ng katawan. SHOCKS! I love this job!

Pero. Ayoko ng mainlove. Ayoko na ulit. Ayoko ng mag mahal ng sobra tapos sa huli iiwan ka nalang bigla.

"Okay. Let's start" sabi ko habang pumapalakpak na parang sinasabing ready na

May napansin akong isang lalaking nasa sulok. Mukhang tahimik. Hindi ko makita yung mukha niya. nakikita ko lang ay yung likod niya dahil naka upo siya ng patalikod. Hindi ko nalang pinansin.

Umayos na silang lahat. Kaya nilagay ko na yung camera sa mata ko.

Pero napatigil ako nung napansin kong apat lang sila.

"O akala ko ba lima kayo?" tanong ko sa kanila

"Hay nako! Jorge naman! Ayan ka nanaman e! Bakit ba lagi ka nalang nasa sulok!" Sabi nung isa sa kanila.

"Oo na! Ito na!" sabi nung jorge daw

Pumunta na yung jorge sa pwesto niya.

Ilalagay ko na sana yung camera sa mata ko pero napatigil nanaman ako.

Nung makita ko yung mata nung si jorge. Bumilis yung tibok ng puso ko.

Yung paki ramdam na parang naka kita ako ng anghel.

Iba yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko magka kilala kami. Pakiramdam ko mahal ko na siya agad.

Napatingin din siya sa mga mata ko.

"Ah ms. stella. May problema po ba?" sabi nung isa sa kanila

Hindi ko sila pinansin dahil natulala ako sa mukha ni Jorge. Siya din nakatingin lang sakin.

"Yieeeeeeeeeeee" sabay sabay nilang sabi maliban kay jorge

natauhan naman akong bigla

"Jorge ah! Yang mga ganyang tinginan ah! YIEE!" sabi nung isa

"Ah- ah sige na simulan na natin" singit ko

Nung matapos na kaming mag picture. Lumabas na yung apat maliban kay jorge. Kaming dalawa ang natira sa studio.

"Hi I'm jorge" nagulat ako ng bigla siyang magsalita at naglahad siya ng kamay sakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

{One Shot} CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon