CHAPTER 5

764 49 3
                                    

Parehas kaming hindi mapakali ni Cathy. Siya ay namomroblema sa signal at connection, ako..ewan, I just have this weird feeling inside me na may nakatagong misteryo sa islang ito

Habang sila ay naaaliw sa view dito sa isla, ginala ko ang aking tingin sa paligid. Kung iisipin, parang wala talagang problema dito.

Worldclass and peaceful view.

Todo taas naman si Cathy sa kaniyang phone upang maghanap ng signal. "Fuck!", kanina pa siya nagmumura.

Nagdesisyon akong lumapit sa karatula habang busy pa ang iba kong mga kaibigan. Giniba ko ang marupok na kawayan na nagsisilbing suporta dito. Kinuha ko ito ay hinaplos.

Pero nagkamali ako.

Hindi ito isang pintura.

Hinaplos ko ulit ang nakasulat dito.. iba talaga.

Nang tingnan namin ito sa malayo kanina, para lang itong simpleng kulay pula na aakalain talaga namin ay pintura. Hindi ako mapakali. Nagsimula ng tumagtak ang malalamig na pawis sa noo ko.
"Huwag nating ipaalam sa kanila, Shy" napaigtad ako ng mau bumulong sa aking tainga. It's Cathy.

"And why is that? Baka ma- trapped tayo dito at wala man lang tayong mahingan ng tulong", nag-aalala kong sagot.

"Basta huwag mo muna sabihin. Baka magpanic sila or what. I will call my dad about this 'pag nakahanap na ako ng signal or baka babalikan talaga tayo ni Manong. Sana'y makonsensya siya", she said and then she crossed her arms.

"That's unfair to them, Cath! Dapat malaman nila na maaari tayong hindi makalabas dito"

"Sige. Pero sasabihin natin sa kanila kapag hindi na maganda ang nangyayari sa paligid"

"Maghihintay pa ba tayo na masamaang maaaring mangyari bago natin sila sabihan?", nah- highblood na ata ako sa pagtatalo namin.

"Of course, sasabihan naman natin sila bago may mangyaring masama. Ang sa akin lang, ay para hindi sila magpanic. Our intention is to have a fun vacation, hindi para sirain ito at magkaroon pa ng dagdag na problema"

"Ewan ko lang sa pag-iisip mo Cath. Pero kapag may mangyari na talaga, hindi ako magdadalawang- isip na sabihing maaari tayong matrap dito sa islang ito habang- buhay"

"Hey Shylah and Cathy sali kayo sa selfie namin! Hindi pa naman natin ma-upload ang mga pictures natin kasi walang signal at connection dito", sigaw ni Nicholas habang nasa ilalim ng niyog kasama si Bea at Lawrence.

"Basta sinabihan na kita, Shy. Huwag muna para walang problema", bulong ni Cathy sa akin.

Kahit na naguguluhan ay lumapit kami sa kanila at nag- take ng ilang pictures. Hindi nila siguro napapansin na may kakaiba sa lugar na ito kasi masaya naman ang mukha nilang tatlo.

Oo, maganda dito sa dalampasigan, eh pa'no sa loob? Wala pang signal kaya pa'no na kami makakacontact sa mga otoridad o mahal namin sa buhay in case of emergency? Jusko, sana mali itong nasa isip ko.

Nandito pa lang kami sa dalampasigan.  Dinala naman ng mga lalake ang aming mga  bagahe. Maliit lang naman kasi ang dala namin, tyaka wala kasi kaming balak magswimming kaya kaunti lang ang dala naming damit.

Maaliwalas ang paligid. May mga puno ng niyog na parang isa lang typical na isla. May mga tanim din sa paligid pero iilan lang. Napakatahimik at tanging hampas ng mga alon lang sa dagat ang aming naririnig.

Ngunit hindi nito mawala ang weirdong nararamdaman ko.

Maya-maya, napagdesisyunan naming pumasok sa isla. Bago pa man kami makapasok sa loob, dadaan muna kami sa isang kweba.

Madilim sa loob at mga limang minuto muna daw bago kami makarating sa loob base doon sa site na nakita ni Cathy.

" I couldn't believe i just saw bats personally! Just wow", manghang-mangha nilang mga sabi nang mahagip sa kanilang mga flashlights ang mga paniki sa itaas. Todo pinicture ulit sila sa ang ilang sulok ng kweba. Sa pagtingin-tingin ko sa paligid, may mga kalmot sa iilang parte ng kweba.

"Ang ganda! ", manghang usal ni Bea. Na parang may plano pa atang tumira dito.

Habang nawiwili sila sa paligid, nahagip ng aking mga mata ang isang parte doon. Hinawakan ko ito at nadiskubreng parang may kalmot ito.

Imposible itong kagagawan ng tao, the scratches are too deep. Kung titingnan, parang mga simpleng display lang ang mga ito pareho noong mga artifacts noong unang panahon pero napahakbang ako at napaatras ng may mahawakang likido dito..

Pula.

"What's that, Shy?", tanong ni Bea sa aking likod.

"Ang galing naman nang umukit nito dito, parang totoong mga totoo ah. Teka, bakit may dugo sa kamay mo?", tanong ni Nicholas at hinablot ang aking kamay.

Naramdaman ko ang init nito.

Fuck. It's still fresh.

Dahil sa sinabi ni Nicholas agad na nagsilapitan sa puwesto ko sina Cathy, Bea at Lawrence.

"What happened?", Lawrence asked immediately and hold my hand.

"Dugo 'to bro 'di ba?", tanong ni Nicholas sa kaniya. Kumuha siya sa aking kamay at pinakiramdaman ito.

"Dugo nga", nang sabihin iyon ni Lawrence ay parang may dumaang anghel sa paligid namin.

"Baka may napiga kang insekto diyan, Shy?" tanong ni Bea.

Lihim kaming nagkatinginan ni Cathy pero agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Umiling ako sa kanilang mga sinabi. " Let's go guys napapagod na ako. Nakapatay lang ako ng insekto, ano ba kayo", sabi ko sa kanila at nagpeke ng tawa. Buti nalang at hindi nila iyon pinansin at agad naman silang sumunod.

This island gives me creeps. LITERALLY.

"Teka Shy! Sabay tayo", sigaw ni Lawrence. Agad siyang tumabi at sinabayan ako sa paglalakad. Malapit na ata yung mismong loob ng isla dito pero madilim pa rin ang aming dinaraanan. Wala namang tubig na umaagos sa paligid, tanging madilim sa kuweba lang na dalawang dipa ang daraanan. May mga signs din kung saan kami dadaan kaya magiging  madali lang yata sa amin ang papunta doon.

"Bakit?", tanong ko sa kaniya ng maramdaman ko kanina pa na parang may tumitingin sa akin sa aking gilid. I can feel it in my peripheral vision.

"Wala, Shy", agad naman niyang sagot sa akin.

Maybe one of these days, sasabihan ko na sila. Sa tingin ko ay tama itong masamang kutob ko dito sa islang ito.

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon